CHAPTER 9

253 15 13
                                    

Sabay kami umuwi ulit ni Parn. Narinig ko pa kanina na niyaya siya ng mga kaibigan niya pero tumanggi siya. May mga pinag-isapan pa sila pero hindi ko na narinig at mukhang inaasar pa nila si Parn.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" tanong ko nang nasa biyahe na kami.

"Eh sa ayaw ko, bakit ba?" masungit na sagot nito kaya hindi nalang ulit ako nagsalita. Lagi nalang siyang badtrip.

Pagkarating namin sa bahay, agad din kaming niyaya ni inay Minerva at Itay Kiko na kumain. Matapos noon ay nauna na akong umakyat sa kwarto para makapagpalit ng damit.

Inilapag ko lang sa kama iyong bag ko bago ko kunin 'yong towel at pumasok sa CR.

Natanggal ko na lahat ng damit ko nang biglang bumukas 'yong pinto ng CR kaya napasigaw ako sa gulat.


"Hoy!" sigaw ko nang makita si Parn na nakatayo roon sa pinto at gulat na gulat din.

Nang matauhan siya ay agad siyang tumalikod kaya agad kong isinara ulit iyong pinto.

Napahawak nalang ako sa dibdib ko dahil siguro sa pagkabigla.


Binilisan ko nalang ang pagligo at kinakabahan pa akong lumabas ng CR. Mabuti nalang dahil wala si- "what the hell naman!" sigaw ko sa gulat nang bigla nalang siyang sumulpot sa harap ko.

"Tsk! Wala akong nakita. At isa pa, may ganon naman ako." Sabi nito at pumasok sa CR kaya napatanga nalang ako because of what he said. Baliw.

Nahiga nalang ako sa kama at tumulala lang sa seeling ng kwarto. I sighed and looked at the side table kung saan naroon ang family picture namin.

"I missed you, mom, dad." mahinang sabi ko at inabot ang family picture namin at niyakap iyon. I really our house too. Ang daming memories naming tatlo roon. "Why did you leave me?" I sobbed.

Dahil sa pag-iyak, hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako ng hating gabi dahil nakaramdam ako nang pagkauhaw.

Napatingin pa ako sa baba ng kama kung saan nakahiga si Parn.

Kinuha ko iyong kumot sa paanan niya at kinumutan siya. Malamig na rin kasi sa pakiramdam dahil hating gabi na. Concern lang ako baka malamigan siya.

Tumayo na ako sa pagkakaupo sa gilid nang kama at lumabas para kumuha ng tubig.

Nang makainom ay bumalik din agad ako sa kwarto at natulog ulit.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa pagtapik sa'kin ni Parn. Inaantok pa ako kaya nagtalukbong ulit ako ng kumot.

Napasigaw pa ako nang sumampa si Parn sa kama at kiniliti ako. Bwesit naman!

"Hey stop it! Babangon na nga!" sigaw ko habang iniiwasan siya pero hindi parin siya tumigil kaya pinilit kong hawakan ang kamay niya.

Nang mahawakan ko ang dalawa niyang kamay ay tumigil na rin siya sa wakas pero bigla namang may parang nagpaparty sa loob ng dibdib ko dahil sa lakas ng tibok nito nang nakatitig lang siya sa'kin. Bigla tuloy akong nailang sa kanya.

"W-what?" kinakabahang sabi ko nang hindi parin siya gumalaw. Napakurap naman siya kaya binatawan ko na ang kamay niya kaya agad siyang umalis sa kama at bumangon na rin ako.

Ano ba 'yon?

SABAY ulit kami na pumasok. Sakto rin na nakasalubong namin sa gate si Felip kaya sa kanya na ako sumabay at hinanap si Jao.

Nakita namin siya sa may stage at nag-aayos doon sa decorations.

"Sipag mo naman, Jao, huwag mo naman masyadong sipagan." pambibwesit ni Felip sa kanya kaya naibato niya ang hawak nitong plastic na bulaklak. "Grabe, hindi ko akalain talaga na may gusto ko pala-"

"Kasing kapal ng kalyo sa paa 'yang mukha mo, Suson." bwesit na putol ni Jao sa kanya kaya natawa ako. Ang satisfying talaga panoorin mga bardagulan nila.

"Mamayang hapon ba ang pageant?" tanong ko at tinulungan na si Jao sa pag-decorate. Maaga pa kaya wala pa masyadong student ngayon. Si Felip naman ay pumunta na sa room kung saan sila nagpa-practice para sa pageant.

"Oo," sagot niya. Napaisip naman ako kung bakit hindi Mr. and Ms. Intrams ang title.

"Hindi ba dapat Mr. and Ms. Intrams 'to?"

"Malay ko sa principal, teh. Sa kanya mo itanong." bored na sagot niya kaya hindi nalang ako nagtanong. Parang nagtanong lang ang init na agad ng ulo niya.

Nang matapos naming mag decorate, naisipan naman nitong si Jao na maglibot sa mga booth. Napadpad kami sa jail booth. Natawa pa ako dahil nandoon si Felip.

"Hoy Jao, Tres, ilabas niyo ako rito!" Sabi pa nito nang makita niya kami pero tinawanan ko lang siya. Bahala siya sa life niya 'no.

"Bakit ako ba nagpapasok diyan sa'yo? Magdusa ka teh, bagay ka naman diyan." sagot nitong nasa tabi ko at hinila na ako paalis doon.

Napunta kami sa horror booth. Pinipilit ko pa siya na huwag na pumasok doon kasi natatakot talaga ako pero hinila niya ako at nakapagbayad na rin siya.

"Bwesit ka, Jao!" sigaw ko sa takot nang makapasok kami. Dahil medyo maaga pa ay kaunti lang ang kasama namin dito sa loob habang naglalakad para makalabas na kami.

"Yawa. Wala namang suntukan." napatingin ako roon sa nagsalita at nakita ang isang lalaki na naka pang hollowween costume at hawak ang kanang pisngi niya. "Sakit ah, nabaluktot ata bungo ko sa suntok mo." Sabi nito kay Jao.

"Pasensya na teh, bakit ka kasi nanggugulat?" Sabi naman nitong katabi ko. Parang lahat ng takot ko sa katawan kanina ay nawala nang dahil sa nangyari. Bakit naman kasi sinuntok?

"Tanga nito, horror booth 'to, anong aasahan mo, pakikiligin kita?" sagot naman ni kuyang naka costume kaya hindi ko na napigilan ang matawa.

Hanggang sa makalabas kami ay tawa parin ako nang tawa kaya itong kasama ko ay panay na ang irap sa'kin. Pa'no ba naman kasi, iyong sinuntok pala niya kanina sa horror booth ay si Taneo. Iyong crush na crush niya.

"Agbagtit ka ba?" Sabi nito kaya napatigil ako sa pagtawa at napatingin sa kanya nang nagtataka. "Hindi ko ita-translate sa'yo bahala ka sa life mo teh." Sabi nito at nauna nang maglakad kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Sunod kaming napadaan sa marriage booth kaya napatigil muna kami roon. Sakto pa na nandoon din si Parn at siya pa iyong groom. Inilabas tuloy ni Jao 'yong phone niya at kinuhanan siya ng picture. Mukha pa siyang napilitan lang kaya natawa tuloy ako.

"Itigil ang kasal!" gusto ko nang iwan si Jao rito dahil sa pagsigaw niya. Nakakahiya talaga kasama 'to.

Agad kong itinago ang mukha ko at aalis na sana at iwan na siya rito nang marinig kung ano ang sunod niyang sinabi. "Si Tres lang dapat ang ikasal kay Parn!"

Pagtingin ko sa gawi ni Parn ay nagtama ang mga mata namin kaya agad akong umiwas ng tingin. Pati iyong mga student kanina na nanonood lang ay nasa akin na ang atensyon nila. Bwesit ka Jao!

"I agree, si Tres ang gusto kong pakasalan."











tbc...

sana all talaga narasana magkaroon ng mga booth kapag intramurals.

medyo EDITED

PaRes AUWhere stories live. Discover now