CHAPTER 23

73 8 1
                                    

Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ang diwa ko.

Bumangon ako sa pagkakahiga at tumayo para lumabas ng kwarto.

Pagbukas ko ng pinto, nagulat pa ako nang bumukas din ang pinto sa kwarto ni Parn.

"Hindi ka rin makatulog?" tanong niya. Tango lang ang isinagot ko sa kan'ya saka naunang maglakad pababa.

Naramdaman ko naman na sumunod siya sa'kin.

Lumabas ako ng bahay at umupo sa may pinaka-last na baitang ng hagdan sa may veranda.

Tumabi rin siya sa'kin at tahimik lang kaming nakaupo roon habang nakatingin sa maaliwalas na kalangitan.

Kahit na malalim na ang gabi, nagsilbing ilaw namin ang liwanag na galing sa buwan.

Napatitig ako roon at naalala ang mga araw na kasama ko si Mommy na tignan ang bituwin at ang buwan.

"Shooting star! Mag wish ka dali!" nagulat pa ako dahil sa biglang pagsigaw ni Parn at pag-alog niya sa balikat ko. Napatulala pa ako saglit sa kan'ya dahil ang lapit niya sa'kin at sa ngiti niya ngayon.

Agad akong umiwas ng tingin at ibinalik ang mata ko sa langit. "Naniniwala ka pala sa gano'n?" tanong ko. Tinutukoy ko ang pagw-wish kapag nakakita ng shooting star.

"Oo naman, wala naman masama kapag naniwala ka." sagot niya. Nang tumingin ako sa kan'ya ay nakangiti siya at nakatingin din sa langit.

"Hindi naman halata sa pagkatao mo na maniwala sa gano'n."

Nawala ang ngiti niya nang tumingin siya sa'kin at napalitan ng kunot na noo. "'Yan ang ayaw ko sa'yo, e. Masyado kang mapanghusga." sagot niya kaya medyo natawa ako.

"Parang hindi ka mapanghusga rin ah." balik ko sa kan'ya. Noong una nga kaming magkita siya 'tong panay ang husga sa'kin.

"Sorry pala tungkol do'n."

"Naiintindihan ko naman ang galit mo sa'kin." panimula ko. Ikaw ba naman ang makaramdam na parang maagawan ng nanay. "Kung ako siguro ang nasa sitwasyon mo, magagalit din ako." patuloy ko.

Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako, "Baka nga hindi ako sumama ngayon dito at ipahamak ang sarili ko."

"Hindi naman ako sumama rito para ipahamak ang sarili ko." sagot niya.

"E, ano pala?"

"Para samahan ka." diretyong sagot niya. Nagtama ng ilang segundo ang mata namin pero umiwas siya at tumingin ulit sa langit. "Naiintindihan ko na ngayon si Inay kung bakit siya gano'n kaalaga sa'yo." patuloy niya saka marahan na tumawa.

"Bakit?" tanong ko. Tumingin siya sa'kin at umiling lang.

"Secret walang clue kung bakit."

"Hindi ko naman kailangan alagaan pa. Thankful naman ako kay Inay Minerva sa ginawa niyang pag-aalaga sa'kin hanggang sa huling sandali ng buhay niya." sagot ko habang nakatingin pa rin sa maaliwalas na kalangitan. "'Wag mong sayangin ang buhay mo para lang sa'kin, Parn." mahinang patuloy ko.

"Walang masasayang na buhay, Tres. At isa pa, anong hindi mo kailangan alagaan? Hindi ka nga marunong magluto." Sagot niya at tumawa pa pero tinignan ko lang siya ng masama. Ang seryoso ko tapos kalokohan lang sinasabi niya.

Natahimik ulit kaming dalawa habang nakatingin parin sa langit.

"Can you promise me something?" mahinang sabi ko na hindi tumitingin sa kan'ya.

"Ano 'yon?"

"Can you promise na 'wag mong isusugal ang buhay mo para lang sa'kin?" sagot ko. Dahil ko na alam kung mapapatawad ko pa ang sarili ko kung may mangyari pang masama sa kan'ya dahil sa'kin.

INAANTOK pa ako nang katukin ni Parn ang pinto ng kwarto ko. "Kakain na raw tayo! Bilisan mo may gagawin daw tayo!" sigaw niya sa labas ng kwarto. Padabog naman akong bumangon at lumabas nang nakabusangot.

"Hindi naman kailangan kumatok ng malakas!" iritang sabi ko nang buksan ko ang pinto at bumungad sa'kin ang nakangiting si Parn. Kaasar.

"Kumain na kayo, may training tayo ngayon." sabi ni manang Lucy habang inilalagay sa lamesa 'yong agahan namin.

"Training?" kunot ang noong tanong ko.

"Oo," sagot niya. "Kailangan niyong matuto kung paano iligtas ang mga sarili niyo sa kapahamakan." patuloy niya.

Matapos nga naming kumain ay agad na kaming tinuruan ng mga basic self defense.

"Ano ba 'yan, Tres, ang lamya mo naman!" reklamo ni Parn. "Parang hindi kumain ampota." patuloy niya pa kaya walang pasabi kong sinuntok siya sa gilid ng labi niya. Ang dami niya kasing sinasabi.

"Aroyyy!" sigaw ni Adi. Tinignan naman ako ng masama ni Parn habang hawak ang panga niya. May kaunti pang dugo sa gilid ng labi niya.

"Sinusubok mo talaga pasensya ko!" sigaw niya at lalapit sana sa'kin pero agad akong tumakbo palayo sa kan'ya.

Imbes na mag-ensayo, naghabulan na kaming dalawa sa tabing dagat.

"Ano na? Training pa ba 'to o landian na?" napatigil kami sa pagtakbo nang biglang isinigaw 'yon ni Adi. Bwesit na babaeng 'to. Gusto ko siyang irapan pero nasa likod niya si Manang Lucy. May hawak na baril. Iyon ata ang sunod naming pag-aaralan. Kung paano humawak ng baril.

"Ikaw mauuna." sabi nito kay Parn at ibigay sa kan'ya ang baril na agad namang sinalo ni Parn.

Maghapon kaming nagsanay. Pagkatapos naming kumain ng hapunan ay nakatulog agad ako dahil sa pagod.

Sa mga sumunod na araw ay ganon lagi ang ginawa namin.

Palubog na ang araw. Nakaupo ako sa may buhanginan at malalim ang iniisip. Halos isang buwan na rin ang nakalipas. Mula sa araw na iyon ay wala pa ring balita galing kay Greg.

"Kasing lalim ng dagat ang iniisip mo, ano ba 'yan?" hindi ako sumagot sa sinabi ni Parn. Umupo siya sa tabi ko at bumuntong hininga. "Iniisip mo pa rin ba ang nangyari kila inay?" mahinang tanong niya. Tinignan ko siya at nakatingin lang siya na malawak na karagatan na nasa harap namin.

"Sinisisi mo pa rin ba ang sarili mo?" patuloy niya at tumingin sa'kin.

Hindi ko sinagot ang tanong niya, "Ikaw Parn, kailan mo ilalabas ang lahat ng sakit na dinadala mo?"

Natigilan siya sa sinabi ko, "Anong sinasabi mo diyan?" umiwas siya ng tingin.

"Alam kong masakit pa rin hanggang ngayon ang nangyari. Okay lang talaga na magalit ka sa'kin." umiwas din ako ng tingin sa kan'ya.

"Tara na, baka hinahanap na tayo nila Adi." mahinang sabi niya saka tumayo kaya tumayo rin ako at pigilan siya.

"Bakit ba tinatago mo 'yang nararamdaman mo? Kitang-kita ko, Parn, nasasaktan ka." Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa kan'ya.

"Bakit ba mas marunong ka pa sa'kin?" halata sa boses niya ang inis. "Bakit ba kapag nagsalita ka parang alam mo lahat ng tungkol sa'kin. Concern ka ba o nakokonsensya ka lang?" patuloy niya. Dahil sa huling sinabi niya, napakurap ako.

"Gusto mong magpakatotoo ako? Oo, nasasaktan ako. Sa sobrang sakit, gusto kong magalit sa'yo, Tres. Gustong-gusto kitang sisihin. Pero bakit ba hindi ko magawa?! Tangina, Tres. Bakit? Bakit hindi ko kayang magalit sa-"

Lumapit ako sa kan'ya at niyakap siya. Ang bigat sa dibdib na makita siyang umiiyak, "S-sorry."

"Puro ka na lang sorry, nakakarindi." sabi niya saka umalis sa pagkakayakap ko.

"Hindi ko kailangan ng sorry mo, Tres. Ikaw. Ikaw ang kailangan ko para mawala lahat ng sakit na nararamdaman ko."











tbc...

ngayon pa lang sasabihin ko na, 'wag kayong mag expect ng maganda ending 😭

PaRes AUWhere stories live. Discover now