Chapter 2 - Plasbak (Part 2)

9.5K 530 455
                                    

Sebastian Lerwick's POV

"Bata pa lang talaga iyang si Cody ay makulit na. Mabuti na lang at nagmana sa akin ng kagwapuhan kaya natutuwa rin naman ako." Inabutan na naman kami ng trapik kaya naman inihinto ko muna ulit ang kotse at sumandal.

"Erpat, ngayon naman po ay hindi na ako makulit. Ako na po ang kinukulit ng mga babae." Nagpogi sayn pa ito at saka kinakagat ang labi. Manang-mana talaga sa akin itong bunso namin.

"Aba s'yempre naman, anak! Manang-mana ka yata sa erpat mong walang katulad pagdating sa gandang lalaki, eh." Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at pinadausdos ang kamay sa buhok.

"Syet, ang guwapo mo talaga, Sebastian Lerwick." Nasulyapan ko pa ang reaksyon ng dalawa sa likod na nakakunot ang mga noo.

"Ha-ha-ha, heto pa nga ang nangyari mga anak."


-Flashback-

Napasabunot na lang ako sa buhok ko dahil kahit saan ko hanapin ang bunso naming anak ay hindi ko makita.

"Petengene! Huwag naman sana," napa-paranoyd na bulong ko sa sarili ko.

Ramdam na ramdam ko ang kabog ng dibdib ko habang hindi ko maiwasang mag-isip ng mga posibleng nangyari. Tulad na lang ng nangyari sa anak nina bossing at Ma'am Aemie pero...ampupu! Pilit kong inaalis ang mga ito sa isipan ko.

"Paano naman mangyayari 'yon eh tumalikod lang naman ako kay Cody? Nandoon din ang maganda kong asawa. Dis is so impasibol." Itinuturo ko pa ang hangin na parang may kausap kahit wala naman.

"Lerwick! Have you found Cody?" rinig kong sigaw ng maganda kong asawa mula sa taas. Kinabahan na naman ako nang mapagtantong hindi na pala ako nakaalis ng kusina.

"'Di ko pa nahahanap, Mei! Huwag kang mag-alala, hindi ako titigil hangga't 'di ko nahahanap ang bunso nating ubod ng guwapo," sigaw ko pabalik. Nagpeke pa ako ng tawa kahit na ramdam na ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko.

-

Nalibot ko na ang buong bahay ngunit hindi ko pa rin alam kung nasaan si Cody. Petengene! Nasaan na ba ang batang 'yon?

Nagpunta na ako sa kusina, sa sala, maski ang mga banyo ay pinuntahan ko na rin. At opkors, hindi ko na rin pinalampas ang ilalim ng mesa.

"Lerwick, where is he?" Napalunok ako nang marinig ko ang boses ni Mei na nagsalita. Unti-unti ko siyang hinarap. Kalong-kalong niya ngayon ang panganay naming anak. At kahit na kabado ay sinagot ko pa rin ang maganda kong asawa.

"Ah, ang ganda mo talaga, Mei, walang katulad." Kinindatan ko pa ito ngunit hindi ito natinag. Hindi epektib ang seks apil mo ngayon, Sebastian Lerwick. Nawawala ang anak n'yo.

"I'm not playing with you, Lerwick. Where is Cody?" Seryoso ang maganda nitong mukha kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Paking syet, ma men!

Sinubukan ko pang magpaliwanag pero mukhang hindi talaga uubra dahil wala naman akong maibigay na sagot.

"Ah kasi Mei, dapat talaga—" Natigil ako sa pagsasalita nang may marinig kaming iyak galing sa ikalawang palapag ng bahay. Mabilis kaming nagkatinginan ni Mei at kahit parehas kaming hindi nagsalita ay mukhang nakuha namin ang ibig sabihin ng isa't isa.

"Si Cody!" sigaw ko sabay takbo nang mabilis papunta kung saan galing ang ingay na naririnig namin.

-End of Flashback-


"Kuya, dats wat yu kold hayd en sik," pagyayabang ni Cody. May hawak na itong tyips at ngumunguya na.

LerwickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon