Chapter 4 - Klayn (Part 2)

4.9K 219 166
                                    

Sebastian Lerwick's POV

Damang-dama ko ang preskong hangin kahit puro deds ang kasama namin. Samantalang ang magkapatid na mana sakin ay naghahabulan na ulit.

"Lerwick?" Mahina ang boses ni Mei habang ang kamay ko ay nasa buhok niya at hinihimas ito. Iminulat niya ang mga mata niya, saka ako nagsalita ng, "Yes, maganda kong asawa?"

"What if Tristan didn't die?" Naramdaman ko ang pag-iling ni Mei saka ito nagsalita, "'Wag mo nang sagutin."

Agad naman akong nagsalita, "Teka lang, Mei. Sasagutin ko 'yan. Gib mi payb mins para makasagot." Bahagya itong napatawa sa sinabi ko.

Saglit akong napaisip sa tanong niya bago ko siya sinagot, "Siguro, 'di ako magkakaroon ng lakas ng loob na ligawan ka. Kitang-kita ko kung gaano n'yo kamahal ang isa't isa, eh. Oo, alam ko na minsan mo na siyang pinagdudahan dahil sa mga ginagawa niya na hindi sinasabi sa'yo noon, pero kita ko na mahal na mahal ka niya." Umayos ako ng upo at hinawakan ang dalawa niyang kamay at hinalikan ang mga ito.

"My relationship with Tristan was not complicated. It was almost perfect that I didn't see any flaws or reasons to give up on him." Humilig ito sa balikat ko at tinanaw ang naglalaro naming mga anak.

"Kagwapuhan at kakisigan lang naman ang lamang ko kay Klein pero maswerte pa rin ako dahil ako ang nasa tabi mo ngayon at ang ama ng mga anak natin. Kahit nga buhay si Klein, balak ko pa ring agawin ka sa kanya," pagbibiro ko. Ang seryoso naman namin masyado ng maganda kong misis.

"I'm really thankful that you are my husband and the father of our children. At first I was thinking, 'What if we regret marrying each other?'" Nakatingin na siya ngayon sa kawalan.

"Beri rong ka r'yan, maganda kong asawa. Dahil alam ko naman sa sarili ko na hinding-hindi ako magsisisi na ikaw ang pinakasalan ko. Hinimatay lang ako noong kasal natin dahil sa sobrang kaba pero mahal na mahal kita, Mei." Hinalikan ko ito sa labi na agad naman nitong tinugon.

"Ermat, Erpat bakit po kayo nagki-kiss? Magkakaroon na po ba ulit kami ng bagong kapatid? Babae naman po. 'Di ba, Kuya?" Tumingala ito sa kapatid na may katangkaran sa kanya. Tumango naman si Kayden.

"Erpat, I hope it's a girl po." Nakangiti itong nakatingin sa 'min at tumakbo papalapit sa 'min sabay yakap.

"Mamaya, gagawa kami ng ermat n'yo." Kinindatan ko ang magkapatid at sabay-sabay kaming tumawa. Si Mei naman ay parang pinagsakluban ng langit. Langit lang dahil sa mala-anghel na mukha ng maganda kong asawa.

"Tigilan n'yo 'kong tatlo. Ikaw Lerwick, kung ano-anong itinuturo mo r'yan sa dalawang mong anak!"

"Pero hindi porket nag-kiss kami ng mama n'yo ay magkakaroon na kami ng baby. Hindi ba't hinalikan mo rin kanina ang kuya mo sa pisngi, Cody? E di magkaka-baby na rin kayo?" natatawa kong sabi sa kanilang dalawa. Nagkatinginan silang dalawa at agad nagpunas ng pisngi at labi nila. Pft! Mga batang 'to talaga, oo!

Malapit nang magdapit-hapon nang mapagpasyahan naming umuwi. Nagkwentuhan pa ang mag-iina kung paano ako himatayin noong manganganak siya sa dalawa. Oo, hinimatay ako noong manganganak si Mei kay Kayden at ganoon din kay Cody.

"Ermat, himatayin po ba talagang tao si Erpat? Pansin ko po na lagi siyang hinihimatay tuwing may magandang nangyayari sa inyo." Tumutok na lang ako sa harap at ipinokus ang atensyon sa daan.

"Hindi naman iyan laging hinihimatay. Pero nerbyoso 'yang erpat n'yo." Inaayos nito ang buhok ni Kayden na bahagyang nagulo at pinunasan ang pawis sa likod.

Tulad nga ng inaasahan ay pawis na pawis ang dalawa kaya naman pinalitan ng maganda at maalaga kong asawa ang dalawa naming anak ng damit at nilagyan ng pulbo sa likod. Pinainom din sila ng tubig dahil rinig ang malalim na paghinga ng dalawa dahil sa pagod.

LerwickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon