Chapter 3 - Klayn (Part 1)

9.4K 595 819
                                    

Sebastian Lerwick's POV

Naglalaro ang dalawang kong anak na mana sa tatay nilang ubod ng guwapo sa karpet habang kami naman ni Mei ay nag-uusap tungkol sa mga bagay-bagay.

Gustung-gusto ko lagi at lalo akong nai-in lab kapag may ganito kaming bonding ng asawa kong ubod ng ganda at seksi.

Tamang upo at usap, pinapanood ang mga anak namin na masaya sa mga ginagawa nila.

Parang normal na pamilya lang din. Walang iniisip na kung anong problema tulad ng mga kalaban sa paligid, katulad ng mga nakalipas na taon.

Simula noong masiguro namin mula kina bossing at Ma'am Aemie na patay na si Terrence Von Knight ay mas naging tahimik na ang lahat. Iyon nga lang ay talagang wala pa ring nakakaalam kung nasaan o kung buhay pa ba sina Bullet at Ma'am Alyana.

Napangiti ako sa naisip ko, pero hindi dahil sa nawala sila. Ito ay dahil pakiramdam ko, mamumuhay na kami nang mapayapa at walang gulo sa buhay namin.

Pero naisip ko rin, kailangan ba talagang may mawalan ng buhay para maging payapa ang pamumuhay?

Umiling ako nang kaunti dahil sa naisip ko. Petengeneng isip 'to! Hindi na lang ako mag-iisip.

Habang nakasandal sa upuan ay tumingin ako sa langit sabay pumikit. Huminga ako nang malalim hanggang sa magsalita ang asawa kong saksakan ng ganda.

"Lerwick..." Tumingin naman ako sa kanya para ipakita na nakikinig ako dahil kitang-kita ng mapupungay kong mga mata na nag-aalinlangan siya. "...it's Tristan's death anniversary. I'm thinking of visiting him since it's been a while. Would you come with me?"

Tumingin ako sa kalendaryo ko sa selpon. Det anibersari nga ni Klein ngayon.

Alam ko naman na may malaking impak si Klein sa buhay ng asawa ko kaya hindi ko ipagkakait sa kanya ang mga ganitong bagay. Dahil ano ba naman kung bisitahin niya ang namayapa niyang eks. E di hamak na mas guwapo naman ako ng sampung paligo kay Klein.

"Oo naman, Mei. Kapag mahal mo, mahal ko na rin. Pero s'yempre dapat ay mas mahal mo ako."

Tumawa ang asawa ko at ngumiti sa 'kin. As ekspekted, nai-in lab na naman 'tong asawa ko sa 'kin.

"Pa-kiss nga." Nilapit ko na ang mukha ko sa kanya pero bago ko pa man siya tuluyang mahalikan ay napahinto na ako dahil sa sama ng tingin niya sa akin.

Sus! Alam ko namang gusto niyang halikan ko siya, eh. Aba matinde! Sebastian Lerwick 'to, oh.

Nakita at narinig kong nagbubulungan ang dalawang magkapatid kaya tinignan ko lang sila. Nagulat ako nang biglang hinalikan din ni Cody si Kayden sa pisngi.

Ang ganda naman ng kemistri nitong dalawa kong anak kahit na batang-bata pa lang. Napangiti naman ako dahil sa ginawa nila.

"Isasama ba natin 'yong dalawang guwapo nating mga anak?" tanong ko kay Mei habang nakatingin pa rin sa dalawa.

"Yes. Wala namang magbabantay sa kanilang dalawa," sagot niya kaya tumango ako. Tinawag niya ang mga bata at pinalapit sa amin.

Maya-maya pa ay tumayo ang mga ito at naglakad papunta sa amin. Umupo ang mga ito sa bakanteng sopa sa harap namin at nagmamadaling dinampot ang mga biskwit.

"Kayden, Cody, maligo kayo pagkatapos niyong kumain. I'll just prepare the things we need to bring." Hinintay niya ang pagtango ng dalawa naming anak bago tumayo at pumanhik sa ikalawang palapag ng bahay.

"Erpat, where are we going?" tanong ni Kayden habang ngumunguya. Ano ba't Ingles nang Ingles 'tong batang 'to? Kanino ba ito nagmana?

Tumingin muna ako sa kanya bago sagutin ang tanong. "Tu da sementeryo, anak. May dadalawin lang tayo," sabi ko habang binubuksan ang TV. Panonoorin ko lang iyong bagong palabas na nakita ko sa Peysbuk kanina. Mukhang maganda panoorin bagay sa gwapong manonood.

LerwickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon