Winter #1

1.2K 32 6
                                    






                    *************


Kung may gusto man akong baguhin sa mundo...uunahin kong alisin ang pagpapagawa ng assignment sa mga estudyante!

Nakatayo na naman kasi ako dito sa labas ng classroom at kanina ko pa nakikita ang mga bruhilda kong kaibigan na tawa nang tawa kapag nasusulyapan ako.

Ang sarap talagang awayin minsan ni Ma'am Lupin. Hindi ko naman sinasadyang maiwan ang assignment ko sa bahay. She didn't let me explain. The moment na narinig nya yung pagsabi ko na naiwan ko yung assignment ko sumigaw agad sya.

'MS. RIVERA! TAYO SA LABAS!'

Mga 10 minutes palang naman akong nakatayo rito.

Pero!

Sobrang tagal na agad nun for me. Parang ilang dekada na akong naghirap.

Kaya aaliwin ko nalang muna ang aking sarili.

Sakto, P.E time ng section 1. Ang section ni my labs Yeji.

Yeji Alcantara ang no. 1 sa school pagdating sa academics at ang no. 1 din pagdating sa puso ko.

Nasa court sila ngayon which is nasa tapat lang nitong classroom namin.

Kitang-kita ko sya!

Wala syang ginagawa. Naka-upo lang pero ang ganda-ganda nya parin.

Napasimangot ako ng makita ko yung isa nyang kaibigan. Si Karina yung KSP sa kanila. Yung pinaka asungot. Yung napakamaldita. Sya yung ayaw ko sa grupo nila. Pano ba namang nahaluan ng isang masamang elemento ang grupo nila my labs?

Inalis ko nalang ang tingin ko kay Karina. Ayokong masira ang buong araw ko dahil lang sa kanya. Tinignan ko nalang ulit si Yeji na tahimik lang na naka-upo sa bleacher at nakatingin sa mga pinaggagawa ng mga classmate nya.

Aliw na aliw lang ako sa pagtingin sa my labs ko ng may napansin akong babae na tumatakbo mula sa side ng court at lumiko papunta sa hallway at papunta na sa pwesto ko.

Ba't natakbo to? Alam namang bawal tumakbo s hallway pag oras ng klase. Papagalitan ko to.

Huminto yung babae sa harap ko at shocks lang.

Si Lia Locsin!

"Ugh..hi?"

Bumilog ang mga mata ko.

Sa'kin ba sya nag hi? Napatingin ako sa paligid. Baka kasi may ibang tao. Pero wala akong makita.

Omg. Sa'kin ba talaga sya nag hi?

"Are you okay?"

Napatakip na ako ng bibig. Kinakausap nya nga talaga ako.

"Gusto ko lang sanang magpatulong, okay lang ba?" kinakabahang tanong nya.

Mabilis akong napatango sa kanya. Kaibigan sya ni Yeji my labs kaya syempre responsibilidad kong tulungan sya.

She sighed in relief.

"Thank you!" sabi nya at ngumiti pa nang pagkalawak-lawak.

"Late na kasi ako sa class namin, which is yung P.E dyan sa may court. I was hoping if you can help me na magsabi ng excuse ko kay Sir?" nag-aalalang tanong nya habang nakatingin sa court kung nasaan ang section nila.

Para yun lang? Nag-aalala na sya? Ako nga ilang beses na late at nag cutting, di naman ako ganito. Pero syempre bawal tayong mag-taray kasi friend sya ni my labs.

"Excuse letter ba? Don't worry magaling ako sa mga yan!" confident na sabi ko.

Mahina syang tumawa. "Hindi excuse letter. Oh, by the way bakit nasa labas ka ng class nyo?" tanong nya.

Winter and IWhere stories live. Discover now