Winter #9

233 27 10
                                    

Matapos ang nangyari kanina sa pag-gawa ng tent naging tahimik na si Karina. Pansin ko rin na hindi nya ako masyadong tinitignan o kinakausap.

Gabi na at napag-pasyahan ni Lia na tipunin ang lahat para sa isang bonfire. Nakapabilog kaming lahat. Katabi ko magkabilaan sina Giselle at Ning na kanina pa ako kinu-kulit kung anong nangyari at ganun nalang katahimik ang grupo nila Karina.

Inasar pa ako ni Ning na baka malapit na raw katapusan ko kaya ako nakakaranas ng ganito. Bwisit talaga parang di kaibigan.

Throughout the bonfire nag-enjoy ang karamihan. Tumugtog kasi si Bruno yung kaklase naming magaling kumanta. May dala pala syang guitara. Nakijamming na yung iba maging si Lia at Ryujin. Si Yeji naman ay busy lang sa pagpapanatili ng apoy. Si Karina naman parang may kung anong iniisip. Nakatitig lang sya sa kawalan habang sobrang seryoso ng mukha. Di ko naman maiwasang mapatitig dito.

Iba kasi talaga ang aura ni Karina kapag tahimik sya at seryoso.

Ano lang...ang..

Ang ganda nya lang.

"Hoy!" mabilis naman akong nag-iwas ng tingin.

"Ano?!" sigaw ko. Maka hoy kasi wagas parang wala kaming pinagsamahan as amo and utusan.

"Wala." sabi nya tapos yumuko.

Ano yun?

Maya-maya pa ay tumayo sya at lumapit banda sa'kin.

"Ba't ka nandito?" masungit na tanong ko. Feeling ko bumabalik na naman yung bwisit na side nya. Ang bilis naman nyang manahimik. Diba pwedeng ganun nalang sya lagi?

"Pake mo." masungit din na sagot nya.

Kainis talaga ugali nito. Ewan ko ba kung ba't ko natatagalan kausap to? Ba't kahit nakaka-inis sya nage-enjoy parin ako kahit papano na kausap sya. Ang gulo ko na.

"Winter." nagulat naman ako sa nagsalita sa left side ko.

Si Yeji.

"H-hi." nahihiyang bati ko.

Narinig ko naman ang malakas na scoffed ni Karina kaya tinignan ko sya ng masama.

Nag-iwas lang sya ng tingin at may kung anong binubulong na di ko marinig dahil sa ingay ng iba.

"Kids!"

Tawag ni Mam Vergara.

Mabilis naman kaming nagtipon sa harap nya. Tinignan ko nang naka kunot ang noo si Karina na parang ewan na nakasunod sa'kin. Tapos ng tumigil ako tumigil din sya at kontentong nakatayo sa likuran ko. Parang walang pake sa tingin ko sa kanya.

Ano na naman kaya trip nito?

"Since maaga pa tayo bukas para sa mga activities na gagawin. Magsitulog na ang lahat."

Akala ko kung anong sasabihin ni Ma'am. Papatulugin lang pala kami.

Nagsi-alisan na ang lahat. Maging sila Ning ay mabilis na nag goodnight sa'kin. Inaantok na rin daw talaga sila.

Palinga-linga ako sa paligid. Jusko kami nalang ni Karina ang naiwan dito sa labas.

Ano ba naman to? Paano ako makakatulog?

Pano kung maisipan ni Karina na wakasan na ang aking life habang natutulog ako?

Dire-diretso lang sya papasok ng tent kaya naman wala na din akong nagawa kundi ang sumunod.

Pagpasok ko nakahiga na agad sya.

"Hoy tumayo ka muna dyan." sabi ko.

Talagang sa gitna kasi talaga sya humiga. Balak nya ba akong patulugin sa pinaka sulok ng tent?!

Winter and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon