Winter #5

269 20 1
                                    





"WINTEEEER!!"

Malakas na sigaw ni ate sa labas ng kwarto ko.

Ano na naman kayang pakay nito at binubulabog ako.

Sabado ngayon and I need rest. Sa dami ng happenings nitong mga nakaraang araw. Una na dyan ang pagiging close namin ni Yeji my labs. Yes naman oo! Close na kaming dalawa, in my opinion syempre. Minsan kasi sumasabay ako sa kanila kapag recess. Kinakausap nya ako lagi. Tapos si Ryujin naman minsan ay bumabanat sa'kin ng kung ano-ano. Pinagti-tripan yata ako. Pero ang pinaka malaking happenings talaga ay ang pagiging okay namin ni Karina. Well not totally okay, pero at least hindi nya na ako binabato ng bola. Palagi nya lang akong tinatawag na loser, stupid, asungot at kung ano-ano pa. Bwisit yun.

Naiinip na yata si ate kasi di pa ako sumasagot kaya pumasok nalang sya ng kwarto ko.

"Ikaw na muna mamalengke." sabi nya.

"Bakit ako?" tanong ko.

Nilapitan nya naman ako at kinuha yung unan malapit sa'kin para lang talaga hampasin ako.

"Kasi hindi ako. Mamalengke ka na, palagi nalang ako ang namamalengke. Masyado ng expose kagandahan ko." nagma-magandang sabi nya.

"Ganda ka dyan. Ayoko ate, ikaw na. Tinatamad ako." pagdadahilan ko.

Hindi naman ako pinakingan ni ate at talagang hinila ako paalis ng kama.

"Maligo ka na. Nasa sala yung pera at listahan ng mga bibilhin."

Wala na akong nagawa kundi ang tumayo at maglakad papuntang CR si ate naman ay nagtuloy-tuloy na sa pinto ng kwarto ko.

"Wag kang makikipag-harutan dun." pahabol nya pa bago isara yung pinto.

"Sino namang haharutin ko dun?!" sigaw ko.

Grabe talaga to si ate.

Pumasok nalang ako ng CR. Mabilis lang naman ang ginawa kong pagligo kasi nga sabado at palengke lang naman pupuntahan ko.

Kailangan ko na naman palang mag-linis ng kwarto mamaya. Baka makitulog na naman dito yung dalawang bruha.

Sabi kasi ni Gi aalis na naman yung parents nya. Mayaman din naman kasi yang si Gi. Palaging wala ang parents dahil sa mga meetings at business abroad kaya naman minsan inaaya nya si Ning na dito sa bahay matulog. Hindi kasi sya marunong mag-luto kaya everytime na wala ang parents nya dito sya sa bahay tumatambay at nakiki-kain.

Nagshorts at simpleng shirt lang ako tutal wala naman akong balak magtagal sa palengke.

Kinuha ko na yung listahan at pera. Naabutan kong nanunuod ng show si Mama sa sala. Si ate naman mukhang nasa kwarto nya. For sure nanunuod din yun ng kung ano-ano sa laptop nya.

Nagpaalam na ako kay Mama na aalis na. Sinabihan nya lang ako na mag-ingat at wag magtatagal. Grabe talaga sila, feeling ba nila lilibutin ko yung buong palengke?

Nagtricyle lang ako tutal di naman ganuon kalayo ang palengke sa'min.

Binaba lang ako ni Kuya malapit sa entrance kasi parang may komosyon yatang nagaganap dahil sa dami ng taong nagkukumpulan sa harap ng palengke.

Anong meron?

Dahil isa rin akong chismosa syempre nakisiksik din ako sa mga taong nanduon.

Oh pak! May naitulak pa akong nanay kasi ayaw akong pasingitin.

Wow my car.

Di lang basta car. Mamahaling car. Naligaw ba tong blue chevrolet camaro?

May nangyari bang banggaan? Naku, kawawa ang sino mang nakagasgas ng kotseng to.

Winter and IWhere stories live. Discover now