Winter #3

267 22 3
                                    







Hindi pwede to. Masyado ng ini-invade ni Karina ang utak ko. I need my daily dose of Yeji my labs.

Speaking of Yeji my labs. Ano kayang ginagawa nya ngayon? Alam nyo ba? Syempre hindi pa. Pero yun nga, alam nyo ba? Yung binigay nyang ice cream kahapon para sa noo ko. Itinabi ko syang mabuti sa ref. Yun ang kauna-unahang bagay na natanggap ko mula sa kanya kaya dapat lang na i-preserve ko.

"Alam mo Winter lumalabas na talaga yang pagiging malandi mo." sabi ni Ning.

Vacant namin ngayon kasi naisipan ni Ma'am Valdez na wag pumasok. Inutusan nya lang yung isang student nya from her advisory class para mag-announce samin.

"Hindi ako malandi gaga." sabi ko.

"Anong hindi?! Ikaw ha, napapadalas na yang bonding nyo ni Karina tuwing hapon. Sinasabi ko sayo Winter.."

Inirapan ko naman sya kasi napaka OA nya at napaka ewan ng mga sinasabi nya.

"Bonding ka dyan! Nagkataon lang talagang bigla nalang syang sumusulpot kung nasaan ako. Tsaka," tinap ko yung dibdib ko. "Kay Yeji lang ako noh! At hindi ko gugustuhin yang pantasya mo no! Ang panget ng ugali."

Hinampas lang ako ni bruha.

"Paalala lang Winter, wag masyadong ilusyonada baka masaktan." walang prenong sabi ni Giselle.

Aray ha! Mas nakakasakit kaya yung sinabi nya.

"Ilang taon na naman akong nagpapantasya kay Yeji, nasaktan ba ako? Tsaka alam ko naman ang limit ko Gi." sagot ko sa kanya.

"Nakalimutan ko may pagka delulu ka nga pala."

Mahinang pinalo ko naman yung braso nya.

"Grabe ka naman sa delulu." sabi ko. Ipinatong ko yung mga kamay ko sa ibabaw ng desk ko.

"Pero at least diba? Hangang assume lang ako. Hindi ko naman tinataasan mga pag-assume ko. Malaman ko lang na kahit papano natitignan nya ako, makita o maka-usap ko lang sya, kontento na ako. Wala naman akong hinahangad na mas malaki pa. Alam ko parin naman ang kung ano ang totoo at ilusyon lang." mahabang litanya ko.

Napansin ko ang pananahimik nila kaya naman napatingin ako sa kanila. Seryosong nakatingin lang sila sa'kin kaya naman naasiwa ako bigla.

"Anong tingin yan?" tanong ko.

Nginitian lang ako ng mga gaga. Parang mga ngiting aso ang mga bruha.

"Bahala nga kayo dyan. Punta muna akong canteen." sabi ko. Tumayo ako mula sa upuan ko at binuksan yung bag ko para kunin yung wallet ko.

"Aga pa gutom ka agad?" nakangiting aso parin si Giselle habang tinatanong ako.

Bwisit to.

"Sa gutom ako eh. Dyan muna kayo." hindi ko na inintindi pa yung mapanuksong mga titig nila at diretsong lumabas na ako ng room.

Habang naglalakad ako nagawi ang tingin ko sa botanical garden. Napukaw ang atensyon ko ng isang batang parang umiiyak.

Lumiko ako papuntang garden para tignan kong umiiyak ba talaga yung bata.

Gagi umiiyak nga.

Mabilis akong lumapit dito.

"Anong problema?" tanong ko.

Umangat naman ang tingin nya sa'kin.

Aw, ang cute pa naman nya.

Nakatingin lang sya sa'kin habang humihikbi. I leveled myself sa kanya at tinanong sya ulit.

Winter and IWhere stories live. Discover now