Karina

412 22 5
                                    


"Ryujin nakita mo ba si Winter?" tanong ko sa kay Ryujin na busy sa pag-aayos ng mga nakuha nila ni Yeji.

Kanina pa ako nag-iikot ikot pero di ko parin makita si Winter. Ayoko namang lumapit sa mga kaibigan nya para magtanong. Naaalibadbaran ako sa isa nyang friend. Napaka creepy nito kung tumingin.

"Hindi eh." sagot nito na di man lang ako tinignan.

Where the hell is she? Gumagawa na naman ba sya ng katangahan?

Madilim na.

"Ask her friends Rina kung worried ka." sabi ni Ryujin.

"What are you saying?! Hindi ako worried no!" inis na sabi ko tapos naglakad na ako palayo sa kanya.

I'm not worried!

Why would I be worried?!

Damn it!

"Hey Gigi girl!" tawag ko sa isa nyang kaibigan na parang aligaga at kinakabahan sa harap ng tent nila.

"Asan si Winter?"

Mas lalo namang naging worried ang expression nila.

Shit may masama bang nangyayari sa kanya?

"Kanina pa nga namin sya hinahanap. Nagpahinga lang sya sa isang puno kanina kaya lan--"

Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya. I immediately run papasok sa forest. I saw them kanina na naghahanap ng treasure sa mapunong parte ng gubat.

Ba't ba ang engot nya?! Hindi nya ba alam na delikado ang mga ganitong lugar? Why would she make everyone worried?!

Napapalayo na ako masyado. Kasalanan mo to Winter! Wala pang signal kainis talaga.

Tumigil ako sandali para tignan ulit ang paligid. Mukha kasing ako na yung naliligaw. This is shit. I was about to go back ng mapansin ko ang isang tao.

My eyes widened.

It's Winter.

"Winter!" sigaw ko.

Hindi yata ako naririnig ni tanga. She's really stupid.

Stupid na nga tapos bingi pa.

"Hey loser!" sigaw ko ulit.

Mabilis ang ginawa nyang paglinga-linga sa paligid.

Sa loser lang talaga sya nakarinig.

I knew it. Loser talaga sya.

I run towards her at hinawakan ko agad ang mga braso nya para iharap sya sa'kin.

"You're so stupid alam mo ba?! Alam mo bang nag-aalala na sayo mga kaibigan mo!" sigaw ko but I immediately softened when I saw how scared she was.

"Are you alright?" kalmadong tanong ko.

I saw her eyes glistened. She probably cried.

Marahan syang tumango sniffing at the process.

"Naliligaw ka rin ba?" tanong nya.

Mabilis kong iniwasan ang mga mata nya.

"Oo." pagsisinungaling ko.

Tumawa naman sya.

Baliw talaga to. Naiiyak palang tapos ngayon tumatawa na.

"Ikaw Karina ah, may katangahan ka rin pala." panunukso nya.

I glared at her.

Na-tanga pa talaga ako.

"Wag mo nga akong itulad sayo!" inis na sabi ko.

Winter and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon