Winter #14

169 21 9
                                    

Pagka-gising ko kaninang umaga ay madali akong nag-prepare ng mga pwedeng kainin ni Karina. Si ate Fern naman ay tinignan pa ako ng para na akong nababaliw. Kelan pa raw ako naging masipag. Akala nya siguro ay para sa kanila yung mga niluluto ko.

Assumera.

Automatic na nawala yung ngiti nya nung sabihin kong para sa kaibigan ko yung ginagawa ko. May kaonting rambulan pang nangyari dahil lang ang kulit kulit ni ate. Panay tikim nya sa mga pagkaing ginagawa ko.

At the end nakagawa ako ng chicken soup, omelette, ginawan ko rin sya ng sandwich. Hindi ko kasi alam mga hilig nya. Basta ginawan ko sya ng makakain.

Nung pumunta ako sa mala palasyo nilang bahay pagdating ko natutulog pa sya. Kaya iniwan ko nalang muna kay manang yung mga pagkain at sinabing wag kakalimutang pakainin si Karina at painumin ng gamot. Kakarating lang pala ng mga bago nilang katulong. Pinatanggal pala ni Karina kahapon yung mga katulong nila. Ang ewan talaga ng pag-iisip ni Karina.

"Kamusta na si Karina ko?! Okay lang ba sya?! Gaano kalala? Kailangan ko na bang bigyan sya ng healing kiss ko?!" eksaheradang sabi ni Ning.

Agad naman syang kinutusan ni Giselle.

"OA mong bruha ka." sabi nya pa.

"May lagnat lang si Karina, Ning. Wala syang malalang sakit." sabi ko bago isubo yung fries na kinuha ko kay Gi.

"Yun na nga eh! May lagnat si Karina beh! Baka mapano sya." nagdrama na nga si Ning.

Malala na talaga ang lokaret na to.

"Talagang ikaw ang tinawagan ni Karina? Eh nandito naman ako na mas maalagaan sya ng sobra." dagdag nya pa habang madramang naka-sobsob ang mukha sa mesa.

Hinampas sya ulit ni Giselle.

"Baka lalong magka-sakit sayo yung tao kapag ikaw ang nag-alaga." sabi ni Giselle.

Naalala ko naman bigla noong si Gi ang nagka lagnat tapos binisita namin sya sa kanila. Muntik ng mahimatay nun si Gi sa pagka-stress kay Ning.

"Tawagan ko nga pala muna si Karina." sabi ko sabay tayo.

"Ipaka-usap mo sya sa'kin Winter ng makarinig naman sya ng boses ng anghel."

Inirapan ko nalang si Ning at naglakad papuntang likod ng canteen.

Naka ilang ring din bago nya sagutin yung tawag ko.

"Sino to?!"

Kita mo nasigaw agad.

"Si Winter po ito." sabi ko.

"Bakit ka tumawag?" tanong nya.

Kahit di ko nakikita mukha nya alam kong naka-kunot na naman ang noo nya. Bigla tuloy akong napa-ngiti.

"Wala po. Just checking up on you po. Musta na ba pakiramdam mo?"

Tinignan ko naman yung screen ng cellphone ko kung nag-end ba yung call. Naka call pa naman sa kanya. Ba't di to nagsasalita?

"Hoy?"

"I'm fine, okay?!" nagtataas na naman ng boses.

"Eh di okay. Oh, sya magpahinga ka na tsaka kung nagugutom ka tawagan mo lang ako para mapadalhan kita dyan tapos...basta ano, magpahinga ka para gumaling ka agad."

"psh.."

"End ko na ha. Basta kung may kailangan magsabi ka agad. Ba--"

"Okay bye."

Aba't!

Ako dapat yung mage-end ng call. Bwisit talaga si Karina. Mapa walang sakit o may sakit man.

Naiinis na bumalik nalang ako ng table namin.

Winter and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon