Winter #8

202 22 7
                                    

Sobrang bigat ng atmosphere matapos sabihin ni Karina ang mga yun. Hindi ako makapagsalita tapos parang may eye battle naman silang dalawa ni Yeji.

Ano ba itong nangyayari?

"Hoy, Rodriguez!"

Ngayon lang yata ako natuwa sa boses ni Ryujin.

Nawala ang focus ni Karina kay Yeji at humarap ito sa nagsisigaw na si Ryujin.

"Anyare sainyo?" tanong ni Ryujin ng makalapit na sya sa'min. Kinindatan nya pa talaga ako ng magtama ang mga mata namin.

Harot talaga nito.

"Wala naman." simpleng sagot sa kanya ni Karina na kinabig ako lalo palapit sa kanya.

Hindi ko na talaga alam ang dapat i-react.

"How are you Summer?" ako naman ang tinanong nya. At andyan na naman sya sa kaka Summer nya.

"Sino si Summer?" takang tanong ni Karina.

"Yang katabi mo." sagot sa kanya ni Ryujin na tumaas baba pa ang kilay sa'kin.

"Si Winter?" naguguluhan parin si Karina.

Sandali.

Winter? Ito palang ang pangalawang beses na tinawag nya ako sa pangalan ko.

"Wow,  hindi ka na gumagamit ng kung ano-anong nickname sa kanya." ngumisi naman si Ryujin. "Bestfriend na ba kayong dalawa? Haa?" nanunuksong sabi nya.

Lumayo tuloy nang konti sa'kin si Karina tapos namumula na naman yung tenga at leeg nya.

"No!" Todo deny na sagot nya.

Nagtuloy-tuloy na yung pang-aasar ni Ryujin kay Karina. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kaitsuraan ni Karina habang inaasar sya ni Ryujin. Baka kasi pag tumawa ako bigla nya na naman akong sigawan.

Nag-aasaran pa yung dalawa ng lumapit na rin sa'min si Lia.

"Hi Winter! Narinig ko na inaaway ka na naman ni Rina? Okay ka lang ba?" tanong nya.

Huminto naman yung dalawa sa pag-aasaran tapos lumapit na naman ulit sa'kin si Karina.

"Hindi ko sya inaaway Li." Agad na depensa nya kay Lia.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko Rina."

Tumawa naman bigla si Ryujin kaya sumama na naman ang tingin ni Karina.

"Rina natagpuang di makasagot!" sabi ni Ryujin habang natatawa parin.

Mas lalo namang umasim ang mukha ni Karina at marahas na inalis yung kamay ni Ryujin na nakapatong sa balikat nya.

Ang babaw ng kaligayahan ni Ryujin.

"Sorry Rina alam mo namang supporter ako ni Lia." tapos inakbayan pa ni Ryujin si Lia.

Nayayamot na siniko naman sya ni Lia.

"Don't start Ryujin." sabi nito.

Ngumiti lang sa kanya si Ryujin.

"Rina patigilin mo tong si Ryujin." utos ni Lia kay Karina.

Umirap lang si Karina bago hilahin palayo si Ryujin kay Lia.

"Grabe naman kayo!" parang batang sabi ni Ryujin. Humarap naman sya sa'kin.

"Summer pakilala mo nalang ako sa mga friends mo. Parang kailangan ko kasi ng new set of friends." nakasimangot na sabi nya. "Tsaka nasan na ba si Yeji?"

Ay si Yeji my labs nga pala.

Hinanap naman ng mga mata ko si Yeji. Nasa may gate ito kausap ni Ma'am Vergara.

Winter and IWhere stories live. Discover now