Winter #4

284 26 7
                                    


"Beh naiinis na talaga ako sayo! Ba't laging ikaw nalang nakakasama ni Karina?!" hinampas hampas nya pa talaga ako.

Syempre chinika ko na naman sa kanila yung nangyari kahapon.

"Hoy, kung alam mo lang kung gaano kasama ang ugali nyang Karina mo. Kaka-kwento ko palang diba. Ang sakit nyang magsalita." sabi ko.

"Totoo naman yung sinabi sayo ni Karina." napatingin ako kay Giselle.

"Wow, team Karina na pala kayo ngayon." sarkastiko kong sabi.

Nagmake face lang sa'kin si Gi.

"Loser ka naman talaga. She's just stating your place. Bago ka lang naman nga sa kanila at wala ka pa sa lugar para maki-alam sa kung ano man ang nangyayari sa kanila." sabi nya pa.

Napasimangot ako.

"Truth hurts diba?" hinampas ko si Ning. Walang magandang dulot to.

"Alam ko naman yun. Ang sa'kin lang concern lang kasi ak--"

"Kahit na maging super concern ka pa it's not your place parin to step in. Diba sabi mo kontento ka na sa mga simpleng bagay lang? Then you shouldn't let yourself involved sa mga iba pang bagay." natahimik naman ako sa sinabi ni Gi.

Masyado na ba akong nawiwili at nakakalimutan ko ng dapat hangang tingin lang ako? Hangang paghanga lang sa malayo ang dapat na gawin ko?

"Sinasabi ko lang to kasi kaibigan mo ako Winter. Ikaw ang reality Winter at ang mga katulad nila Yeji ang ilusyon. Masasaktan ka lang kapag mas napalapit ka pa sa kanila."

Napabuntong hininga nalang ako.

Tama nga naman si Giselle.

"Class!"

Mabilis naman kaming nagsibalikan sa kanya kanya naming upuan ng pumasok si Sir Hugo.

"Diretso na kayo sa court para sa practicum nyo." pag-aanunsyo nito.

Ay practicum pala ngayon sa P.E.

Mabilis naman kaming nagsitayuan. Excited lang naman ang lahat kasi kalaban ng section namin ang section 1.

"Oh, ba't parang pati kayo excited?" tanong ko sa dalawa na parang mga ewan kong maka-ngiti.

"Kasi kalaban natin section nila Karina!" parang kinikilig na sabi ni Ning.

Tinignan ko naman si Gi.

"Oh, ikaw, ba't excited?"

"Kasi maglalaro si Ning. I'm excited to see kung paano nya saluhin yung bola gamit ang mukha."

At nagsimula na silang mag-away.

Napa-irap nalang ako habang nakasunod sa kanilang dalawa. Naka-angkla sa braso ko yung braso ni Gi. Habang si Ning naman ay nauna pang lumabas kesa sa class president namin.

Chineck ko nalang ulit kung nakatali ba ng maayos yung jacket sa waist ko. Ang iksi-iksi kasi ng P.E shorts namin.

Speaking of P.E uniforms. Excited na akong makita si Yeji my labs na nakasuot nito.

Aaaack!

Kinikilig na agad ako. I'm sure na sobrang ganda ni Yeji.

Nang makarating kami sa court naka pwesto na agad ang mga players ng Section 1. Di naman halatang prepared.

Hinahanap agad ng mga mata ko si Yeji my labs.

Naka-upo lang sya sa bleachers kasama si Lia. Hindi ba sya maglalaro? Sa bagay...ni hindi ko pa sya nakitang mag-participate every P.E activity.

Winter and Iحيث تعيش القصص. اكتشف الآن