Winter #2

362 26 10
                                    




"WINTEEEER!!"

"WINTER BUMALIK KANA PLEASE!"

Ano ba naman yan ang ingay-ingay natutulog ako eh.

"Winter sasakalin talaga kita kapag di ka pa gumising dyan!"

Aba't!

Hindi ako papayag na masakal ni Ning ng walang kalaban-laban noh!

Minulat ko ang mga mata ko at hinahanap kung saan man galing yung boses ni Ning. Sigurado akong si Ning yun kasi sya lang naman ang mahilig manakal samin.

"Winter!!"

Napatakip ako ng tenga sa lakas ng sigaw ni Ningning.

Bwisit talaga to.

"Ning pakitanggal nyang mic sa lalamunan mo." annoyed na sabi ko.

Hindi naman pinansin ni gaga ang sinabi ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko at inalog-alog ako. Kakabangon ko lang my god.

"Wintot bakit ikaw?! Bakit ikaw pa?! Nandito naman ako bwisit ka!"

Napadaing naman sya at napahawak sa ulo nya ng paluin sya ni Giselle.

"Sinaktan na nga yung friend natin landi landi mo parin lokaret ka." sabi sa kanya ni Giselle. "Are you okay? Masakit pa ba?" concerned na tanong nya naman sa'kin.

Tumango ako.

"Okay naman ako. Pano nyo pala nalaman?" tanong ko.

"Si Yeji my labs mo pinuntahan kami at sinabing aksidenteng natamaan ka raw ni Karina ng bola. Kaingit ka talaga bakla!" sabi ni Ning.

Inabot ko yung buhok nya at mahinang hinila ito.

"Gaga ang sakit kaya ng ginawa nyang love interest mo. Tsaka anong aksidente?! Bwisit na Karina yun." inis na sabi ko.

"Wala na sila dito ng makarating kami. Pero binilin ka naman nila sa school nurse."

For sure sinadya nya talagang ipatama sa'kin yung bola. Ganun yung style ng mga katulad nyang masamang elemento na walang magawa sa buhay eh. Tapos ano?! Basta lang akong iniwan dito after nyang manakit?

"Calm down Winter. Baka hindi naman sinasadya. Ayos ka na ba talaga? Sabay kana sa'min?" Tanong ni Giselle.

Umiling naman ako.

"Una nalang siguro kayo. Kukunin ko pa gamit ko sa locker."

"Sigurado ka? Pwede namang sumabay ka nalang sa'min. Hihintayin ka namin." sabi pa ni Giselle na halatang nag-aalala parin sa kalagayan ko.

"Kaya ko na Gi. Tsaka hassle pa sainyo magka-ibang way yung mga bahay natin."

Napabuntong hininga nalang si Gi at tinignan ulit akong mabuti.

"Gee, okay lang talaga. Kaya ko." nakangiting sabi ko para maconvince sya.

"Basta don't forget to update us, okay? Sabi naman ng nurse kanina na kailangan mo lang daw ng pahinga."

Nakangiting tumango ako sa kanila.

Magsasalita pa sana si Ning ng hilahin na sya ni Gi palabas ng clinic. Tinignan ko yung oras sa relo ko. 3:30 pm na pala. Ibig sabihin ilang oras din akong nakahimlay sa clinic.

Bwisit talagang Karina yun.

Nagpalipas lang ako ng ilang minuto bago ako umalis ng kama. Nagpaalam na ako sa school nurse na lalabas na ako.

"Hey.."

"Ay halimaw!" sigaw ko.

Jusko grabe namang manggulat to.

Winter and IDove le storie prendono vita. Scoprilo ora