Winter #7

243 29 18
                                    

Hindi naman ako na orient na ganito pala ang definition ni Karina ng pagiging friends. Nagulat pa ako nung una sa sinabi nyang "Let's be friends." Tapos ito pala yung minimean nya. Kainis!

Kinuha nya yung number ko kahapon after ng session. Nagtaka pa ako nung una kasi ano namang magagawa nya sa number ko, diba?

Tapos na realize ko nalang yung purpose nung paghingi nya kaninang umaga. Sobrang aga syang nag-text mga beh!

Pumunta raw ako ng maaga sa court ng school or else. Sa or else talaga ako natatakot eh.

So ayun nga maaga akong pumunta ng school. Si ate nagtaka talaga kanina paglabas ko ng kwarto. Tinanong pa kung masama ba raw pakiramdam ko. Bwisit talaga si Karina.

Tapos pagdating ko sa court ng school ginawa akong water girl ng bwisit. May practice pala sila kaya nya ako pinapunta.

"Ganyan lang ba ang kaya mong gawin sa friend mo?" nakataas yung isang kilay nya habang tinitignan ako.

Binaba ko naman yung water bottle na hawak ko at kinuha yung panyo na nakasabit sa leeg nya. Tapos ako na yung nagpunas ng pawis nya. Mukhang nainis lang sya sa ginawa ko kasi namula yung leeg at mukha nya tas tinulak pa ako palayo. Bwisit talaga.

Nang magsimula na sila for another set sinabihan nya akong i-cheer ko raw sya.

"Wow! Ang galing!"

"Woooooh!"

Pinagsisigaw ko with matching palakpak pa.

Halatang nage-enjoy si bruha. Kung hindi mo lang talaga alam na may gusto ako kay Yeji hindi ka makakatikim ng ganito sa'kin.

Pagpasok ko kaninang first period tinanong ako nila Ning ba't daw pawis na pawis ako. Syempre nai-kwento ko na naman sa kanila yung about kay Karina.

Hinablot lang naman ni Ning ang buhok ko. Mahina lang naman.

"Mang-aagaw ka talaga beh!" sabi nya.

"Sige palit tayo bilis. Ikaw magpaalila kay Karina."






Recess.

Hindi ako nakapag-recess kasi inutusan nya akong bumili ng kung ano-ano sa loob ng anim na beses. Ang pawis ko nun grabe kasi nasa field sya eh ang layo-layo ng field sa canteen!

Tapos ngayong uwian.

"Win sabay ka na ba sa'min?" tanong ni Gi habang inaayos yung bag nya.

"Una nalang kayo. Tinawagan ako ni Karina. Puntahan ko raw sya sa court." walang ganang sabi ko.

Naubos na talaga energy ko kanina pa.

Napabuntong hininga si Gi at tinapik ang balikat ko.

"Kita nalang tayo tomorrow. Text mo kami kapag naka-uwi ka na." sabi nya.

"Winter gusto mo samahan kita pwede akong substitute mo--Aray! Sandali lang Giselle!" hindi na nakapagsalita pa si Ning ng tuloy-tuloy lang syang hinatak ni Giselle palabas ng room.

Inaayos ko na yung gamit ko ng nag-vibrate ulit cellphone ko.

'Bilisan mong pumunta rito or else!'

Ayan na naman yang or else na yan bwisit talaga.

"Nakakainis ka Karina!" sigaw ko bago ako tumakbo papuntang court.

"Para kang tuta. Ba't hingal na hingal ka?" tanong nya ng makarating ako sa harap nya.

Prenteng naka-upo sya sa bleacher nitong court at hawak-hawak yung bolang ginagamit nila tuwing practice.

"Sabi mo bilisan ko." sagot ko.

Winter and IDove le storie prendono vita. Scoprilo ora