ℭ𝔞𝔭𝔦𝔱𝔲𝔩𝔬 𝔇𝔬𝔰

286 18 2
                                    

"Every person above the ordinary has a certain mission that they are called to fulfill." - Johann Wolfgang von Goethe (1749 - 1832), German Author

***

MISSION START

TRES

Dalawang linggo na ang nakalilipas mula sa unang araw ng sem na 'to.  Bukod sa araw-araw akong pini-peste ni Spade ay maayos naman ang naging mga klase ko.

Nagiging madali din naman para sa akin ang mga oral recitation ni Ms. Sevilla dahil araw-araw din akong nagbabasa para sa subject niya.

Lunch time ngayon kaya naman nag lunch out kami ni Spade dito sa University mall na tambayan ng mga estudyante sa School namin.

Naglalakad na kami pabalik sa school ng makarinig kami ng isang sigaw. "Snatcher! Help! My bag!" 

Napalingon kami sa pinanggagalingan ng ingay at doon namin natagpuan ang isang babaeng naghihisterikal habang tinuturo ang direksyon ng papalayong snatcher.

Without having any second thoughts, agad kong inabot ang bag ko kay Spade at hinabol ang snatcher na 'yon. "Tres!" rinig kong pagpigil ni Spade pero mabilis na ang naging takbo ko.

Nakita ko itong lumiko sa daan patungong Estrada kaya agad ko din itong sinundan. "Hoy! Yung bag!" Tila natataranta naman itong tumakbo pa ng mas mabilis dahil sa naging sigaw ko.

Nakipag patintero ako sa maraming tao hanggang sa maabutan ko ito na tinatangkang akyatin ang malaking dingding na nagsilbing dead end sa daan na pinasukan niya.

Humarap ito sa akin at naglabas ng balisong. "W-wag kang lumapit kundi sasaksakin kita" pananakot nito, habang namumula ang mga mata at tila bangag na bangag sa Droga.

Tss. Mga adik talaga peste sa lipunan.

"Ibibigay mo sakin yang bag o gigripuhan ko yang tagiliran mo." malamig kong saad dito.

"Puta*****! Ang yabang mo eh babae ka lang naman. Matapos kitang saksakin, titikman ko din ang katawan mo." nakakadiring saad niya.

Napatawa naman ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Hindi niya alam na pareho kami ng ari.

"A-anong tinatawa tawa mo ha!" tila nauuyam na sabi niya.

"Magbibilang ako ng lima at kapag wala pa sa mga kamay ko ang bag na yan ay pasensyahan na lang." nawawalan na ko ng pasensya sa kupal na 'to.

"Isa." 

"Dalawa."

Hindi pa rin siya kumikilos at nanatiling nakatutok sakin ang balisong na hawak niya.

"Tatlo."

Walang ano-ano ay sinugod niya ako at tinangkang saksakin subalit mabilis ko itong naiwasan, hinawakan ko ang kamay niyang nakakapit sa kutsilyo at hinigpitan ito para mabitawan niya ang kutsilyo. Agad ko naman itong sinipa papalayo sa amin. 

Hindi siya makagalaw kaya kinuha ko itong pagkakataon para mabilis na tamaan ang batok niya na sigurado akong magpapawala ng malay niya.

Napadaing ito at bumagsak sa lupa.

Kinuha ko ang bag ng babae sa sahig. At gamit ang sintas ng rubber shoes ko ay tinali ko ang mga kamay ng snatcher na ito. Binuhat ko siya na parang isang sako ng bigas upang madala siya sa pinakamalapit na presinto.

Iskripted (GxG | INTERSEX)Where stories live. Discover now