ℭ𝔞𝔭𝔦𝔱𝔲𝔩𝔬 𝔖𝔞𝔦𝔰

233 13 0
                                    

"I may not be the biggest nor the strongest but I'll do whatever it takes."

***

SAVIOR

TRES

Mga dalawang oras pa siguro ako naghintay matapos ang hangout ng mga mag amiga bago nila napagdesisyunan na umuwi na. Tatlo lamang silang magkakasama, bukod syempre sa aking propesor na ngayon ay mukhang may amats na, parang mas malala ang pagkalasing ng dalawa pang babae na kasama niya.

I can't help but be worried hindi lang kay Prof. Sevilla kung hindi pati sa mga kaibigan niya. As typical bar goers, they're wearing sexy outfits that will catch anyone's attention, including bad people lingering around them.

Kanina pa maraming nagtangka na lumapit sa grupo nila pero hindi nila ito binibigyan ng pansin, same as last time, they're just enjoying each other's company.

Maingat ko silang sinusundan papalabas ng establisyemento na ito, kailangan kong siguraduhin na makakauwi sila ng ligtas. Napakunot ang noo ko ng makitang hirap na hirap na silang alalayan ang isa't isa dala ng sobrang kalasingan.

With a sigh, I pulled out my phone and went to the Grab app. This can't do. At this state, kahit di ko kilala ang mga kaibigan ni Prof. Sevilla ay pakiramdam kong kargo de konsesnya ko kung may mangyaring masama sa kanila. I immediately booked a Grab with Prof. Sevilla's house as the drop off point. It's safer that way.

Maswerte ako dahil nandito na sa location ang nabook na Grab, agad kong tinawag ang atensyon nito ng makumpirma ang plaka, kulay at modelo ng sasakyan. Binuksan ng driver lock ng passenger seat, "Goodmorning po, ma'am. Ryo Arellano?" pagkumpirma din niya sa panglan ko mula sa app. Agad akong tumango.

"Saglit lang kuya ha, hindi kasi ako yung sasakay kung hindi ibang mga tao." pagkausap ko dito.

Agad naman akong lumingon sa paligid para hanapin kung nasaan ang mga babaeng lasengga at nakita ko namang parang hilong hilo sila na naghahanap kung saan nakaparada ang kanilang mga sasakyan.

"Ayun sila, Kuya - pakisabi na lang na isang good Samaritan ang nagbook para sa kanila. At kapag hindi sila maniwala ay kumpirmahin mo lang ang address ng drop off point."

"Copy po, Ma'am. Napakabuti mo naman para hindi pabayaan ang mga magagandang dilag na iyon. Bihira na ako makakita ng mga may malasakit at hindi pagsasamantalahan ang kanilang kalagayan."

I felt relieved upon hearing that from him, this means that this driver is not a pervert and is concerned about the welfare of his passengers.

"One of them is my friend kaya I hope you make sure that they go home safe. She's probably not that drunk so you can ask her specific details later for the address. And if pwede po kuya na 'wag niyong banggitin ang panglan ko? I'll track your trip via the app. Salamat po!" mahabang bilin ko dito.

"Makakaasa po kayo ma'am."

With that, agad naman niyang pinasibad ang kanyang sasakyan upang hintuan ang magkakaibigan. I hid behind the shadows so they won't see me.

I checked and Prof. Sevilla's eyebrows are furrowed, seemingly skeptical about the grab driver. Hindi sila agad sumakay ng sasakyan pero siguro dahil sa magandang pagpapaliwanag ng driver ay pumasok din sila sa loob.

Iskripted (GxG | INTERSEX)Where stories live. Discover now