ℭ𝔞𝔭𝔦𝔱𝔲𝔩𝔬 𝔇𝔦𝔢𝔷

207 18 0
                                    

PROGRESS

TRES

"Why did you leave the dancefloor early?" ang bungad na tanong sa amin ni George ng makabalik sila ni Isa sa table.

Simula ng bumalik si Prof. Sevilla sa upuan ay hindi na niya ako kinausap kaya naman napaisip ako kung ano ba ang reaksyon niya sa natuklasan sa pagkatao ko.

"My feet hurts." sagot lang ng katabi ko na sa wakas ay nagsalita din.

"That's why you shouldn't wear that much high heels when we're in a bar, girl!" 

"Let's just drink, dumadami na din ang tao sa gitna kaya tama lang na bumalik na tayo." sabi ni Isa sabay inom sa tequila shot na nasa lamesa.

"Right! Let's continue chatting na lang din." ani ni George.

"By the way, Tres, are you a law student since Professor mo si Cali?" tanong ni Isa. Umiling naman ako.

"I'm an Accountancy student and teacher ko siya sa isang Business Law subject namin." paglilinaw ko dito and she just nodded her head in understanding.

"But how come bodyguard ka din niya?" dagdag tanong ni George.

Napahawak ako sa batok ko since di ko alam paano sasagutin ang tanong niya. Dahil dito ay napalingon ako kay Prof. Sevilla. Nahalata niya siguro na may nakatingin sa kanya kaya lumingon din siya sa akin. Tinaasan lang niya ako ng kilay, "What's with the stare, Arellano?"

Umiling lang ako, mukha namang okay lang sa kanya kung sasagutin ko ang tanong ng  kaibigan niya. "Uhmm.. I saved her one time from an ambush. That's why her father hired me to watch over her for the meantime." 

"WHAAAAT? Kailan 'to, Cali?! Bakit hindi mo kami sinabihan?" may kalakasang tanong ni George, halata ang pag-aalala.

"Oh shush, Georgina. You're overreacting. That was weeks ago and I am fine now." parang balewalang sagot lang ni ma'am.

Nagulat naman ako ng biglang kinurot ni George si Prof. Sevilla sa kanyang braso, rason para mapadaing ito. "Aww! What's that for?"

"Anong OA ka diyan! Buhay mo na ang nakasalalay at parang wala lang sayo? We're your friends at hindi mo man lang kami sinabihan." sabi nito, halata ang pagtatampo.

"George is right, Cali. We're worried for you as your friends. We could've extended our help. Kilala na ba kung sino ang mga suspect?" Isa asked.

"Don't worry guys, I'm fine. Ms. Arellano was there to save me."  sabi ng katabi ko at tumingin pa sa gawi ko ng banggitin niya ang pangalan ko. "And Dad is currently looking for possible leads on the suspects. Hence, Ms. Arellano is here as my bodyguard."

"Bakit hindi na lang kayo maghire ng mga professional bodyguard, Cali? No offense Tres ha? But don't you think you'll be more secure?" sabi ni Isa.

Ang alam nila siyempre hindi ako professional. Na isang hamak na estudiyante lang ako. Well ayun naman ang gusto kong palabasin eh.

"Dad knows how much I hate being followed by his guards that's why when he knew that Ms. Arellano is my student who happens to know some basic defense skills, he settled with her."

Tumango-tango ang dalawa niyang kaibigan bilang pagintindi.

"I see, ikaw pala ang Knight in Shining Armor ni Atty. Calypso Sevilla." nakangising asar ni George sa akin at sa katabi ko.

"The Eff, George! Pinagsasabi mo?" mataray na segunda ni Prof. Sevilla.

Wow naman - totoo naman na ako ang savior niya non eh.

Iskripted (GxG | INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon