ℭ𝔞𝔭𝔦𝔱𝔲𝔩𝔬 𝔖𝔦𝔢𝔱𝔢

232 11 0
                                    

HER BODYGUARD

TRES

Nandito na kami ngayon sa labas ng gate ng subdivision nila Prof. Sevilla. Kinakausap niya ang guard upang bigyan ako ng pass para makapasok ang sasakyan ko sa loob.

Sa ilang linggong pagsunod ko sa kanya ay ito ang unang pagkakataon na makakapasok ako dito. At ang unang beses din na makikita ko ang kanyang tirahan.

Matapos makakuha ng signal ay agad kong pinasibad ang sasakyan ko. Kaso nga lang hindi ko alam kung saan ang eksaktong lokasyon ng bahay ni  Prof. Sevilla.

Lumingon ako sa kanya, "Ma'am hindi ako manghuhula, saan ang bahay niyo dito?" Nagbibiro kong tanong pero totoo naman din. Matapos niya akong gawing grab driver, gagawin niya pa akong manghuhula. Nasaan ang hustisya?

"Tss. Of course, I'll direct you where. Just drive. Impatient much?" Ang nakuha kong sagot mula sa kanya. Grabe ha. Wala naman kasi siyang sinasabi. Simula ng makaalis kami sa parking kanina ay hindi niya na ako muli pang kinausap kaya naman panis na panis na ang laway ko dito.

"Edi sorry po. Akala ko po kasi hanggang mamaya na pipi kayo diyan eh." Balik ko dito na tila hindi niya nagustuhan dahil kumunot pa lalo ang noo niya na palagi namang nakaganon. Pinaglihi siguro sa sama ng loob itong taong 'to.

"Just straight ahead for two blocks then turn left.  After that, turn right in the next four blocks." Pagbibigay niya ng instruction kaya naman napakamot ako sa ulo, pilit inaalala ang direksyon na sinabi niya.

Sinunod ko ang sinabi niya. Okay bale derecho ng dalawang kanto at kumaliwa. Akmang kakaliwa na ako ng makaramdam ako ng malakas na batok mula sa kanya, "Aray naman! Ba't nananakit?"

"Are you dumb?! I told you to turn left after two blocks!" Naiiritang tono nito.

"Ayun nga ginagawa  ko, Miss. Bakit naman nambabatok?" Pagrereklamo ko dito. Kumakaliwa naman talaga ako eh.

"Stupid! You're turning right, not left!"

Huh? Anong right eh kumakal--

Oh shit. Napa tampal ako sa noo ko.

Huli na ng marealize ko na maling direksyon nga ang tinatahak ko.

"Idiot." Rinig kong sabi niya at iiling iling pa ang kanyang ulo.

"Maka idiot ka naman ma'am, hindi ba pwedeng lutang lang?" Pagbawi ko mula sa kahihiyan.

Agad naman akong nag u-turn upang tahakin ang sinasabi niyang daan.

"Tss. Reasons." Tipid niyang sagot. Sungit talaga.

Mabuti na lang ay mula sa ilang minutong paghanap ng bahay nila ay nakarating na kami sa harap ng isang napakalaking gate. Napapalibutan ang labas nito ng mga nakaunipormeng security. Hindi na ako magtataka kung ganito kahigpit sa kanila dahil maraming kaaway ang kanilang pamilya sa larangan ng pulitika.

"Dito na tayo, ma'am." Lumingon ako dito at nakita ko lamang ito na nagbunting hininga.

"I know. I have eyes, Arellano." Edi wow na naman.

Iskripted (GxG | INTERSEX)Where stories live. Discover now