ℭ𝔞𝔭𝔦𝔱𝔲𝔩𝔬 𝔑𝔲𝔢𝔳𝔢

241 13 2
                                    

INCH CLOSER

TRES


Isang hindi katandaang madre ang sumalubong sa amin sa kumbento. Masaya namang nagmano si Prof. Sevilla kaya naman ginaya ko na lang din siya bilang pagbibigay galang.

"Hija, buti naman ay napadalaw ka. Tiyak ay matutuwa ang mga bata sa muli mong pagbisita." halata ang kaligayahan dahil sa presensya ni Prof. Sevilla.

"You know I can't resist meeting the kids now and then, Sister Margaret." turan nito sa isang mahinahong tingin, dama ang apeksyon sa mga salitang binanggit.

Napalingon ako dito at hindi ko maiwasang mamangha dahil first time ko lang makita si Prof. Sevilla na malawak na nakangiti.

Lagi ba namang naka poker face at parang bubuga ng apoy eh.

"Naku, ikaw talaga hija ay sadyang napakabait at maaalalahanin. Halina't pumasok tayo ng makita niyo na sila." Sabi pa ni Sister Margaret.

Naglakad na ito papasok ng gate kaya naman sinundan na rin namin ito. Maingat ko namang binitbit ang sangkaterbang paperbag mula sa Toy Kingdom. Bago kami dumerecho dito sa kumbento ay nagdetour kami sa mall para dito.

Namamangha naman akong napatingin sa pigura ng aking propesor na naglalakad sa unahan ko. I didn't know that a cold hearted woman like her has this soft spot for orphaned kids.

Pagkarating sa parang courtyard ay agad kong narinig ang masasayang tinig na papalapit sa amin.

"ATE CALIIIIIIII" sabay sabay nilang salubong kay Prof. Sevilla at isa-isa siya nitong sinalubong ng yakap.

Cali? Ang cute. I didn't know her nickname kaya natuwa ako sa narinig. Para namang natunaw ang puso ko ng makita ang pagkasabik niya sa mga bata. Kita ang kislap sa mga mata niya habang nakayakap sa kanila.

"How are you kids? Are you behaved here?" she asked them softly.

"OPO ATE!" Masayang sagot ng isang batang lalaki na medyo may katabaan. Napaka cute nito dahil ang tambok ng pisnge niya.

"That's good to hear. At dahil diyan, you have gifts from me as promised." Agad namang nagtilian ang mga bata dahil sa narinig, halata ang kanilang excitement.

Lumingon siya sa gawi ko at itninuro ang mga paperbag na bitbit ko. Iniabot ko ito sa kanya at nagsimula na siyang isa-isang ibahagi ang mga ito.

Nakamasid lang ako sa kanila sa isang tabi ng may isang batang babae ang tumungo sa akin "Ateng pogi! Ano po pangalan niyo?" 

Aba pogi daw oh. Hays. Ako lang 'to.

"Ako si Ate Tres." magiliw na pagpapakilala ko dito.

"Tres as in Three po? Wow ang cool!" masayang sabi niya. 

"Ikaw, anong pangalan mo?" tanong ko dito. Umupo na rin ako sa bleacher at ikinalong siya sakin. Naaliw ako sa batang to dahil ang cute ng pigtails niya.

"Chi-chi po." sabi nito sa cute na tono.

"Ang cute cute mo naman chi-chi. Paglaki mo siguradong magiging magandang dalaga ka." 

Iskripted (GxG | INTERSEX)Where stories live. Discover now