ℭ𝔞𝔭𝔦𝔱𝔲𝔩𝔭 𝔒𝔫𝔠𝔢

322 22 4
                                    

STRANDED

TRES

Nagsisimulang pumatak ang malalaking butil ng ulan hanggang sa nagtuloy-tuloy ito sa malakas na buhos. Malas naman oh medyo malayo layo pa kami sa bahay nila Prof. Sevilla eh.

Sinilip ko naman ang pasahero ko at nakitang tahimik na itong nakatulog.

I looked at her admiringly, grabe napakaganda talaga niya. 

Kung ide-describe ko kung sino ang kamukha niyang hollywood actress, ayun ay si Megan Fox. Kuhang kuha niya pati ang hubog ng bibig. Parang ang sarap halik--

Okay, Stop. Masyado ng mahalay iniisip ko eh.

Nagfocus na lang ako sa daan pero hindi ko pa rin maiwasang isipin kung ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng isang Calypso Sevilla. 

I could only daydream. Dahil mali itong nararamdaman ko. 

I admit, I am physically attracted to her. But I need to stop myself from having feelings for her.

Because I should never mix up work with my personal feelings. And right now, she's my mission.

I sighed.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho ng mapansin ang biglang pagbuild up ng traffic sa unahan ko. Napansin ko din ang ilang mga motor na nag U-turn na pabalik sa daanan.

May nakita naman akong isang traffic enforcer na tila aligaga na naglalakad patungo sa unahan kaya dali dali kong binaba ang bintana ng sasakyan at tinawag ito. "Boss anong meron at traffic tsaka nabalik ang mga motor?"

"Ay naku po ma'am, inaabisuhan na po ang lahat na mag U-turn dahil wala ng nakakadaan sa highway dahil mataas na ang baha. Baka mastranded po kayo dito kapag hindi pa po kayo mag U-turn."

Shit, malas. "Ganun po ba? Salamat po kuya ah." sabi ko na lang.

Paano na'to ngayon? Hindi ko maihahatid si Prof. Sevilla sa mansyon.

Isa lang ang naiisip kong paraan. Sa condo ko muna siya dadalhin.

Makaraan ang ilang minutong pagkastuck sa traffic ay nakatyempo na kong mag u-turn pabalik sa pinanggalingan namin kanina. Hindi binabaha ang area kung nasaan ang condo ko kaya tiwala ako na makakarating kami.

Nakarating rin kami sa wakas kaya naman dahan-dahan ko ng ginsing si Prof. Sevilla na halatang pagod na pagod sa trabaho.

"Ma'am? Gising na po." yugyog ko dito kaya naman nagising na din siya at dahan dahang inayos ang upo.

"Where are we?" she asked after not recognizing her surroundings.

"Nasa condo ko po tayo." sagot ko dito.

"What? Why?" confused na tanong nito.

"Habang tulog po kayo ay biglang umulan ng malakas at bumaha sa main road pauwi sa inyo. Wala ng nakakadaang sasakyan. I decided to just take you home with me."

She nodded her head in understanding, "Okay. Let's go. I'm so tired." She said. Akala ko aangal pa siya dahil wala siya sa bahay nila eh.

Iskripted (GxG | INTERSEX)Where stories live. Discover now