ℭ𝔞𝔭𝔦𝔱𝔲𝔩𝔬 ℭ𝔲𝔞𝔱𝔯𝔬

229 15 0
                                    

"'Stalking' is such a strong word. I prefer 'Intense Research of an Individual'."

***

STALKING HER

TRES

Matapos ang weekend, napagdesisyunan ko na mas kailangan kong kilalanin pa si Prof. Sevilla.
Nabagabag ako sa nakita ko na may sumundo sa kanyang lalaki.

Nandito ako ngayon sa Agency. Dito na ko dumerecho pagkatapos ng klase ko ngayong araw.
Agad kong tinungo ang opisina ni Kuya Ryuiji.

Alam kong busy siya pero namiss ko na din kasi si kuya. Besides, may kailangan akong kunin na impormasyon mula sa kanya.

"Pasok." Sabi niya kaya naman binuksan ko na ang pinto ng kanyang opisina.

"Hi kuya!" Masiglang bati ko dito at nakipag fist bump sa kanya. "Mukhang tambak na tambak sa paperworks ah. Nasaan si Kuya Red?" Hanap ko sa pangalawa ko pang kuya.

"Nasa field. May importante tayong kliyente ngayon na kailangan niyang asikasuhin. Why did you come here, bunso? Miss mo ba ko o may kailangan ka?" Sabi niya at itinuro ang sofa sa harapan niya para paupuin ako.

Komportable naman akong dumapa dito.

"Uhmm...both?" Ngisi ko.

Napailing naman siya. "Sabi ko na nga ba. Miss na din kita bunso kaso alam mo naman na tambak talaga tayo ngayon. Ayokong madisappoint sila mom sa pamamalakad ko sa Agency."

"Okay lang kuya! I understand kaya ako na lang mangungulit sayo dito pag may time ako. Besides busy din naman ako sa assignment ko. At speaking of, nareceive mo ba ang email ko? If you did, can you give me approval to have access in the archives?"

"I did, actually. At naemail ko na ang team so pwede ka ng pumunta dun para kunin ang mga impormasyon na kailangan mo." Sabi ni kuya.

Ayos! Mabuti naman at masisimulan ko na ang plano ko.

"You're the best talaga, Kuya!" Masayang sabi ko. "We have a family dinner on Sunday. Don't you dare miss it!" paalala ko pa.

Tumawa lang naman siya, "I won't, I promise."

Satisfied akong tumango at nagpaalam na aalis na.

Dumaan ako sa Archives at dito ko natagpuan ang isang lalaking nakasalamin na busy sa pagfafile ng mga folders sa mga shelves na nasa room na 'to.

Tumikhim ako para kunin ang kanyang pansin.

"AY KABAYONG BAKLA!" Gulat na turan niya kaya naman napatawa ako dahil sa naging reaction niya.

"I don't know if I'll be insulted with that or will laugh because of your expression." sabi ko dito.

"I-I'm sorry po Ms. Arellano, n-nagulat lang po ako." Nauutal utal naman na sambit niya.

"Okay lang 'yon..." sinilip ko ang pangalan sa ID niya "...Nathaniel. Hindi naman ako nangangain ng tao kaya wag kang kabahan. I just came here to retrieve the information I asked Kuya Ryuiji to give me access to."

"Opo, nandito na po siya, kakahanda ko lang bago kayo dumating. All is there po, including access to their family's security detail."

"Great! Thanks for this!" Paalam ko dito at pasipol sipol pang umalis ng building namin.

***

Kakatapos lang ng klase kaya naman nagayos na rin ako ng mga gamit ko bago lumabas ng room.

"Par, hindi muna ako sasabay ngayon ah? Nandito driver namin ngayon eh. Pinapasundo daw ako ni papa." Paalam ni Spade sa akin.

Iskripted (GxG | INTERSEX)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon