ℭ𝔞𝔭𝔦𝔱𝔲𝔩𝔬 ℭ𝔦𝔫𝔠𝔬

218 11 0
                                    

"The beauty of love is that it can bloom in the heart of a stranger."

***

STRANGER

TRES

Kasalukuyan akong nagbabasa sa loob ng library, wala kaming klase ngayon dahil merong faculty meeting ang lahat ng Department sa aming University.

Sinusubukan kong mag-focus pero antok na antok pa ang diwa ko dahil anong oras na ako nakauwi kagabi.

Inaya kasi ako ni Spade mag Bar kagabi kaya medyo may amats pa ako.

It's been a week since I started following Prof. Sevilla.

Isa pa yung rason kung bakit pagod na pagod ako.

Kung saan saan ko na siya nasundan, minsan sa kumpanya nila, sa Office Senate, sa malls at sa gym. She's really active kaya naman madalas ay onting oras na lang ang natitira sa akin para sa sapat na tulog.  Bukod kasi dun ay kailangan kong pa ring mag-aral at i-maintain ang grades ko. Hindi biro ang maging higher year sa kurso ko eh.

"BOO!"

"F-ck! Tarantado ka din eh noh" inis na saad ko matapos akong gulatin ni Spade.

Tawang tawa naman itong tumabi sa akin. "You should've seen your face, bro!"

"Ah talaga ba? Eh kung burahin ko yang mukha mo, gusto mo?" 

"Pikon."

"Panget."

"Excuse me? This is face is so pogi!" inilapit pa niya sa akin para patunayan ang sinabi niya.

"Kadiri, manginig ka nga sa sinasabi mo" umakto pa akong nasusuka. Natawa naman ako ng mukhang napipikon na siya. Akma niya akong babatukan ng may sumigaw sa amin.

"THE BOTH OF YOU! OUT! YOU ARE DISTURBING THE PEACE IN THE LIBRARY!" nakapamewang na sigaw sa amin ng librarian habang nanggigil siyang nakaturo sa direksyon namin.

Luh. Parang simpleng bangayan lang eh. Ang sensitive naman nito.

Agad naman kaming napatayo dahil doon at nakayukong lumabas ng library matapos mapansin ang mga estudiyanteng nakatingin sa amin ngayon.

Potek pahiya pa nga.

Agad kong binatukan si Spade pagkalabas namin. "Ikaw kasi!"

"Anong ako?! Makasabi ka kasing panget!"

"Totoo naman ah."

"Mas panget ka pre eh."

"Ikaw."

"Back to you."

"Back to you too."

"Back to you thre--"

Nagbabangayan kami sa hallway ng bigla akong napaupo sa sahig dahil sa pagkabangga sa akin ng isang mabangong nilalang. Grabe ang lakas ng amoy niya, and it's familiar. This scent.

Ng makita ko kung sino ang nabangga ko ay napalunok ako bigla.

I am staring at the most beautiful hazel brown eyes I have seen so far. Nakatingin din siya sa akin at agad namang kumunot ang noo niya at dali dali akong itinulak para makatayo siya mula sa posisyon namin.

I realized na nakapatong pala siya sakin kanina dahil sa pagkabangga niya.

"Don't you know how to look where you're going?!" Inis na sigaw nito sa akin. Agad naman akong tumayo at pinagpag ang damit ko. "Stop messing in the hallway!" dagdag pa niya bago ako muling binangga sa balikat bago magpatuloy sa paglalakad.

Iskripted (GxG | INTERSEX)Where stories live. Discover now