Gwyn's POV
Dalawang araw na kaming naglalakbay ni rien at ang masasabi ko lang ay sobrang nakakapagod. Hindi ko alam kong ilang araw ba talaga kami maglalakbay, hindi ko naman kasi alam kong saang lupalop ng magic world ang Vinnka.
"Gwyn dito muna tayo magpalipas ng gabi" sa ni rien at umupo sa malaking puno
"Sige. Napapagod na din kase ako at isa pa malapit ng dumilim"
Lumapit ako sa isang malaking ugat ng puno at nilagay doon ang bag ko. Doon naman umupo si rien sa katabing puno na inuupuan ko.
Unti unti ng dumidilim ang paligid and I'm pretty sure na sa oras nato ay nasa palasyo na sina hubby. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan na para bang may mangyayaring masama doon sa party mamaya. Sana naman wala, baka mapahamak pa sina hubby don.
"Gwyn ready kana ba para mamaya?" tanong ni rien na ikinakunot ng noo ko
"Ready para saan?" i ask
May gagawin ba kami mamaya?
"You'll know later" he said and then smirk
WHAT THE!!
Bigla na naman akong kinabahan dahil sa sinabi niya. Para kasing sinasabi niya na may mangyayari sakin mamaya.
Humanda tagala sakin ang lalaking to kung may binabalak man siyang masama sakin. Hindi ako magdadalawang isip na patayin siya.
"May binabalak ka bang masama sakin?" tinignan ko siya ng masama
"WHAT?!! Wala ah. Mukha ba akong masamang tao, sa gwapo kong to" mahangin na sabi niya. Tsk
"Siguraduhin mo lang kundi malalagot ka talaga sakin" pagbabanta ko sa kaniya
"Oo na po.........." sabi niya tapos may binubulong pa
"May sinasabi ka?" mataray na sabi ko
"Wala mahal na prinsesa"
"Ano?" tanong ko
Para kasing may sinabi siyang mahal na prinsesa eh.
"Wala wala. Wag muna akong pansinin, mabuti pa matulog na tayo't maaga pa tayo bukas" mabilis na sagot niya
"Mabuti pa nga" sagot ko at sumandal sa ugat ng puno na inuupuan ko
Hayys. Kamusta na kaya si mommy. Sana nasa mabuting kalagayan siya ngayon. Wala na kasi akong balita sa kaniya simula nong hinatid niya ako doon sa academy.
Ilang minuto ang nakalipas ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako
~~dream~~
Nasan ako?
Kaninong silid ito?
Ang ganda. Halos lahat ng gamit ay gawa sa gold.
"Ang ganda ng ating munting prinsesa mahal ko" napalingon ako sa kama ng may nagsalita doon.
May babaeng nakahiga sa kama na mukhang katatapos lang manganak. At MAGKAPAREHA KAMI NG KULAY NG MATA!!
OMG!! Magkapareha kami ng mata guys!!
0_0
"Namana niya ang kagandahan mo mahal kong reyna" sabi ng lalaki na katabi nong babaeng ka same eyes ko.
Ehh? Reyna?
Reyna pala siya kaya pala ang ganda niya like me. Hehehe
So kong reyna siya edi ang hari pala yang katabi niya. Infairnes ha ang gwapo din ng hari. Hehehe
BINABASA MO ANG
ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESS
FantasyMAGIC WORLD Ito ang tawag sa lugar kong saan naninirahan ang mga taong may kapangyarihan. Ito ay binubuo ng sampung kaharian. Ang mga mabubuting nilalang na naninirahan dito ay tinatawag na 'white user' at syempre kung may mabuti dapat meron d...