Chapter 24: Kilig Moments Part 2

4.3K 144 8
                                    

Gwyn's POV

Pag kalapit niya sakin ay binigyan niya ako ng tatlong red roses. Ang sweet!!

"For you gwyn" sabay abot sakin.

"T-thanks" sabi ko.

Ngumiti naman siya sakin. Shete!! Maka laglag panty ang ngiti niya.. Ang gwapo talaga ng isang to.

"Don tayo sa table gwyn" sabi niya tsaka hinawakan ang kamay ko at dinala ako dun sa table na nasa gitna. Ngayon ko lang napansin na may table pala don. Naka Focus kasi ako kay josh kanina. Chooss!! Hahahahah

Pag dating namin dun sa table ay pinaghila niya ako upuan. Nakss! Gentleman. Pag katapos niya akong paghilahin ng upuan ay umupo na din siya sa harap ko.

Nag simula na kaming kumain. May pagkain na kasing nakahanda dito. Habang kumakain kami ay bigla na lang siyang nag salita.

"Aaahhhmm gwyn?" Josh

"Hmm?"

"Aarrggghh!! How can I say this!" sabi niya. Anooo daw??

Tinignan ko siya at nag Inhale Exhale siya. Kinakabahan ba siya??!!

"Gwyn simula nung makilala kita ay naging madaldal na ako. Hindi ko nga alam kung bakit eh" sabi ni josh kaya napangiti ako. Hahahah

"Kasi maganda ako. Hahahahah" sabi ko sabay tawa. Sa totoo lang kinakabahan din ako eh. Hindi ko kasi alam kung anong meron at kung bakit kaming dalawa lang ang nandito ngayon.

"I like you gwyn---------I mean I love you. I don't know when it started basta nagising na lang ako isang araw na ikaw na ang iniisip ko. Tuwing gabi bago ako matulog ikaw ang nasaisip ko. You're one of a kind gwyn. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ikaw lang ang kakaiba. When a days past by, mas lalo lang akong nainlove sayo. Kaya pinangako ko sa sarili ko na pro-protektahan kita kahit anong mangyari. Even if it will cost my life. That's how much I love You Gwyn"

Habang sinasabi niya yun ay iyak lang ako ng iyak. I can't believe this. Di ako makapaniwala na darating ang araw na to.

"Gwyn Mendez Can you be my Girlfriend?" sa sinabi niyang yun ay parang may kung ano sa puso ko. Sobrang saya ko dahil ang mahal ko ay mahal din pala ako.

Lumuhod siya sa harapan ko at may nilabas siyang isang napakagandang singsing.

"First day ko palang dito ay crush na kita josh kahit ang cold mo pa non. Sa mga araw na nag daan ay mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko sayo. Hiniling ko nga non na sana balang araw maging boyfriend kita. Hahaah. Mahal na mahal din kita josh........
And for your question... YES Josh I can be your girlfriend" sabi ko habang umiiyak

"Yesss!! Thank you wifey. I'm the luckiest man alive now" tumayo na siya at sinuot sakin ang singsing at bigla na lang niya akong niyakap. Niyakap ko din siya ng pabalik. Bigla na lang siyang bumitaw sa yakap at ang mas ikinabigla ko pa ay ang sunod na ginawa niya...... H-hinalikan n-niya ako sa l-lips. Ahhhhhhhh!! My first kiss!! Nag tagal lang ng ilang sigundo ang kiss namin tsaka siya bumitaw.

"You're blushing Wifey. Hahahhahah" poteks!! Nag-aasar pa talaga siya ahhhh!!! Pasalamat siya mahal ko siya. Hmmmppp!

"Wifey?" tanong ko sa kaniya. Sabi niya kasi kanina 'thank you wifey'. at 'you're blushing wifey'

"That's my endearment to you" ahhh okay. Tumango na lang ako sa kaniya

Bumalik na kami sa pag kain. Nakakatuwa nga eh, kasi habang kumakain kami ay daldal lang siya ng daldal. Hahahah

Nang matapos na kaming kumain ay pumasok na kami sa maliit na bahay na nandito sa secret garden. Dito na lang daw kami mag palipas ng gabi sabi ni hubby.

Sinabi kasi sakin kanina ni hubby na silang mga royalties daw ang gumawa nitong garden at sila lang din ang nakaka alam kung nasan ito.

Pag pasok namin ay namangha ako sa ganda ng mga gamit sa loob. Kung sa labas ay maliit lang siya tignan pero pag pasok mo dito sa loob ay sobrang laki.

"San ang kwarto ko dito hub?" tanong ko kay hubby. Inaantok na kasi ako eh.

"Hub?" takang tanong niya

"Hub..... Hubby......... Diba nga wifey ang tawag mo sakin kaya hubby din ang tawag ko sayo" paliwanag ko

"Okay" sabi niya tsaka ako nginitian. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko.

"You're blushing" hubby

"H-hindi ah. Asan kasi ang kwarto ko dito?" sabi ko

"Hahahah. Don TAYO matulog sa kwarto ko" sabi niya

"Ahhhh----ANO?! tayo?" nahihibang na ba si hubby ko. Ayoko ngang matulog sa kwarto niya. Baka ma rape ko pa siya ng wala sa oras noh. Hahahahahh. Jokeeee!!

"Yep. Don't worry wala naman akong gagawin eh unless kung gusto mo" sabi niya tapos nag smirk pa

"Pervert" sabi ko. Akala ko ba mabait si josh. Bakit nagiging pervert na ata toh?

"Hahahahhahahah. Lika na nga" tawa niya saka ako hinila papunta sa kwarto niya dito.

Pag pasok namin sa loob ay sobrang linis nito. Akala ko pa naman madumi. Eh kasi ang mga lalaki hindi mahilig mag linis. Diba guys?

"Linis ah" sabi ko habang pinag mamasdan ang kabuuan ng kwarto niya.

"Ako pa. Pogi ako eh" sabi niya kaya nilingon ko siya at naka ngiti pa ang mokong.

"Anong connect?" tanong ko

Imbis na sagutin niya ako ay bigla na lang siyang lumapit sakin at ninakawan ako ng halik.

"Mag nanakaw!!" sabi ko

"Masama bang halikan ang magandang girlfriend ko" at feeling ko ata umakyat sa muka ko lahat ng dugo sa katawan ko

"Tsk. M-matulog na nga ta-tayo" sabi ko tsaka humiga sa kama niya.

Tumalikod ako sa kaniya para hindi na makita ang pamumula ko. Bakit ba kasi ang sweet at ang gwapo ng boyfriend ko!!

Ilang sandali pa ay naramdaman ko na lumundag na ang kama so it means na humiga na din siya. Nanigas naman ako sa kinahihigaan ko ng maramdaman ko ang braso ni hubby na yumakap sakin at ang hininga niya na nasa may batok ko.

"Good night wifey. Dream on me. I love you" he said with a husky voice.

I love you too hubby

Hindi na ako nakasagot sa kaniya dahil inaantok na talaga ako.

Hindi ko makakalimutan ang araw nato. This day is one of the most memorable day of my life dahil sa araw nato naging kami ng lalaking pinakamamahal ko. Sana walang gulo ang darating. At sana walang sino man ang mang gugulo sa relasyon namin ni josh.






















ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon