Chapter 8: Training part 1

5.6K 159 0
                                    

Gwyn's POV

Nagising ako dahil may narinig akong maliit na boses kaya dahan dahan akong minulat ang mga mata ko at tumambad sakin si pinky na naka ngiti. Ang cute talaga ng isang to!

"Good morning mahal na prinsesa" sani niya sakin

"Good morning din pinky"

"Pinapatawag na po kayo ng mga gods and goddesses sa dining area" pinky

"Ah sige. Susunod ako" sabi ko sa kanya at tumango lamang siya then lumabas na ng kwarto ko. Agad naman akong bumangon at dumiretso sa banyo tapos ginawa ko na ang morning routine ko............. Pagkatapos kung ayusan ang sarili ko ay lumabas na din ako ng kwarto ko at dumiretso sa dining area at pag dating ko dun ako na lang ang kulang. Wahhhhhh!!!! Nakakahiya

"Ahh. Good morning po. Sorry po dahil nahuli po ako" nakayukong sabi ko. Eh nakakahiya nama kasi eh

"Ok lang mahal na prinsesa. Oh sya maupo kana at para na din maka kain na tayo" naka ngiting sabi sakin ni goddess icey. Kaya umupo na din ako. Habang kumain kami ay nag-uusap lang ang mga gods and goddesses tungkol kung papaano daw matalo ang 'dark charmers' . Di na lang ako nakisali dahil hindi ko naman alam kung ano yang dark charmers nayan eh................... At may napansin ako ah. Bakit kaya hindi nag sasalita ang iba pang mga god? Hindi kaya mapanis ang laway nila niyan? Kahapon pa kase sila eh. Pag katapos nilang mag pakilala sakin eh hindi na sila nagsalita ulit. Natigilan naman ako saking pag-iisip ng may marining akong tumatawa. Napatingin naman ako sa mga god and goddess na nag-uusap kanina at ngayon naman ay tumatawa na. Ano kayang nakakatawa?

"Nababasa namin ang nasa isip mo mahal na prinsesa" natatawang sabi sakin ni god airous. Ayyyyyy! Nakalimutan ko nakakabasa pala silang lahat ng isipan. Tinignan ko naman ang mga god. Napalunok na lang ako ng ilang beses dahil ang sama nila maka tingin sakin. Ikaw kase gwyn eh!! Hindi ka kase nag-iisip.... Nag peace sign na lang ako sa kanila.

Ng matapos kaming kumain ay dumiretso kami dito sa isa pang garden ng palasyo

"Mahal na prinsesa sisimulan na natin ang iyong pag sasanay" sabi sakin ni goddess samantha. Tumango lamang ako sa kaniya. Nilapitan naman ako ni goddess icey at pinasunod niya ako dun sa gitna ng garden kaya sumunod nalang ako

"Ang ituturo ko sayo mahal na prinsesa ay kung paano mo magagamit ng mabuti ang yung kapangyarihang yelo" goddess icey

"Subukan mong gumawa ng mga sandata gamit ang yung kapangyarihan mahal na prinsesa. Ang kailangan mo lang gawin ay pumikit ka at mag concentrate" sabi sakin ni goddess icey kaya sinunod ko na lang ang sinabi niya. Pumikit ako at nag concentrate ng mabuti. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng malamig na bagay sa kamay ko kaya dahan dahan kung minulat ang mga mata ko at nanlaki ang mata ko ng may nakita ang ice blade sa kamay ko

"Magaling mahal na prinsesa. Ngayon subukan mo pang gumawa ng iba pang mga sandata" goddess icey. Pumikit ako ulit at nag concentrate. Ilang sandali lang ay may lumabas sa kamay ko na ice sword at kung ano ano pang sandata na gawa sa ice ang nagawa ko... Ang susunod naman na mag sasanay sakin ay si goddess poisionlly

"Ngayon mahal na prinsesa. Kailangan mong mapalabas ang poison power mo. Mag concentrate ka lang at pakiramdaman ang enerhiyang dumadaloy sa katawan mo" goddess poisionlly

Agad akong pumikit at nag concentrate. Habang tumatagal ay may naramdaman akong dumadaloy sa katawan ko na para bang gustong lumabas mula sa katawan ko. Hindi nag tagal ay may naramdaman ako sa kamay ko kaya daha dahan kong minulat ang mga mata ko at may nakita akong kulay pink na para bang hangin sa kamay ko. Ito na kaya ang poison power ko?

"Magaling mahal na prinsesa" naka ngiting sabi sakin ni goddess poisonlly. Sumunod naman sa kanya ay si goddess waterlly. Kagaya lang din ng sinabi ni goddess poisonlly kanina ang sinabi niya sakin. Pumikit ako at nag concentrate ng mabuti. Naka ramdam na naman ako ng likido sa katawan ko na para ding gustong lumabas sa katawan ko. Minulat ko naman ang mga mata ko at may nakita akong tubig sa kamay ko. Binati naman ako ni goddess waterlly at ang sumunod naman sa kanya ay si god airous. Abah ayos to ah!! Mukhang madami nga ata akong kapangyarihan. Pero bakit kaya? At bakit rin kapag nag tatanong ako sa mga god and goddess ay ang palaging sinasabi nila sakin ay 'malalaman mo din sa tamang panahon mahal na prinsesa'. Ano kaya ang malalaman ko sa tamang panahon? At sino ba talaga ako? Ayshh!! Mamaya ko na nga lang isipin yon. Kailan ko munang mag focus sa training ko......... Maya maya lang ay naka ramdam ako na para bang may kung akong umiikot sa kamay ko kaya minulat ko ang mga mata ko at meron ngang hangin sa kamay. Binati din ako ni god airous at ang sumunod naman sa kanya ay si goddess natureya. Gaya ng ginawa ko kanina ay nag concentrate lang din ako........ Maya maya lang ay may lumabas na nature ball sa kamay ko. Pinagawa pa ako ng iba pang sandata ni goddess natureya kaya nakagawa ako ng nature tornado, nature sword at iba pa.

"Magaling mahal na prinsesa. Madali ka lang matuto" naka ngiting bati sakin ni goddess Samantha. Nginitian ko na lang siya pabalik

"Oh sya mahal na prinsesa, mag pahinga ka na sa kwarto mo at ipag papatuloy natin bukas ang iyong pag sasanay" goddess icey. Kaya nag paalam na ako sa kanila

Pag pasok ko palang sa kwarto ko binagsak ko agad ang katawan ko sa kama. Nakakapagod palang mag ensayo kahit ganon lang ang gagawin mo. Bumangon muna ako at dumiretso sa banyo at pagkatapos ay natulog na ako




















ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon