Chapter 14: New Student

5.3K 145 0
                                    

Gwyn's POV

~~•yawn•~~

Unti unti kong binuksan ang mga mata ko at tinignan ang alarm clock sa bed side table ko at 5 am pa lang pa la. Bakit ang aga ko yatang nagising ngayon samantalang dati ay bandang 9 or 10 am na ako magising. At kapag gusto ko namang magising ng maaga ay kailangan ko pa ng alarm clock

Hayyyy!!!

Bumangon na lang ako at pumasok sa banyo para gawin ang morning routine ko

Pag katapos kung magbihis ay pumunta muna ako sa garden namin dito sa mansion para mag pahangin lang

Humiga ako sa mga damo na nandon at tumingala sa kalangitan. Hayy! Namiss ko na si dad!

"Hi dad! Kamusta ka na po diyan. Siguro masaya kana po diyan kasama si God. Wag po kayong mag-alala dad, aalagaan at mamahalin ko po si mommy para sayo po. Mahal na mahal po kita dad"  sabi ko habang naka tingin sa langit

Ilang minuto pa ako nakatingin sa langit ng may biglang tumabi sakin at pag tingin ko ay si




JOSH pala!!!...

"O-oh J-josh este Ethan ikaw pala. Good morning" medyo utal na sabi ko sa kaniya. Kaw ba naman tabihan ng crush mo! Hahahahhah!!!!

"Morning" cold na sabi niya. Kahit kailan talaga ang cold niya. Di ba niya alam ang salitang ngiti?

"What are you doing here?"

"Ah wala lang. Maaga kasi akong nagising at hindi na ako naka balik sa pagtulog kaya naisipan kong lumabas muna" sagot ko sa kaniya

"What time our class later Gwyn?"

Dug dug dug dug dug dug dug

Diko alam pero bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang pangalan ko. Wierd diba?

"7:30" simpleng sagot ko

Di na siya sumagot sakin at tumingin na lang din sa kalangitan. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani saming dalawa kaya binasag ko na lang ito

"Ahhmm mabuti pa, pumasok na tayo sa loob para maka pag prepare na tayo" sabi ko at tumayo na. Tumayo naman din siya kasunod ko

"K" sabi niya at pumasok na sa loob. Kahit kailan talaga!! Sumunod na lang din ako sa kaniya

Pag pasok ko sa kwarto ko ay nag bihis kaagad ako ng ripped jeans and blue shirt tapos pinarisan ko ng black shoes. Nag lagay na din ako ng contact lense. Syempre para hindi natakot ang mga tao samin no

Nang maging satisfied na ako sa sarili ko ay bumaba na ako. Kasabay kong bumaba si Josh

Infairness hah ang hot niya tignan sa simpleng suot niya. I mean hot naman talaga siya dati pa pero mas naging hot siya ngayon at ang gwapo pa. Hahhhaha!! Ang landi ko!

Ano ba naman ito kung ano-ano na lang ang sinasabi ko

Nang makarating kami sa dining area ay nandon na silang lahat.

"Good morning guys" bati ko sa kanila

"Good morning Gwyn. Good morning Ethan/Leader" sabay sabay nilang sabi

Nag simula na kaming kumain. At yung kambal na hangin (cobby and gabby) ay kung ano-ano lang ang pinag-uusapan

Pag katapos naming kumain ay lumabas na kaming lahat at pumunta sa garahe namin

Actually guys marami kaming kotse kasi isa din ito sa business namin

"Guys what if by partner na lang tayo sa isang sasakyan? Total marami namang sasakyan sila Gwyn eh" sabi ni gabby

"Oo nga" pag sang-ayon naman ng kakambal niya na si Cobby

So ayon nga by partner kami and guess what partner ko si Josh

Ang partner naman ni brianna ay ang isa pang yelo na si xander, misty at cobby, jamaica and justine, jolliana and gabby, jhowana at toffer and Stephanie and jeydon



Tahimik lang kami dito sa loob ang kotse. Hanggang sa makarating na kami sa school namin. Sabay sabay lang naman kaming nakarating lahat. Agad namang ipinark ni josh ang kotse sa private parking lot dito sa school. Ang may-ari ng school lang ang pwedeng maka park dito at ang mga relatives ng may-ari

Marami ng estudyante ang pakalat kalat sa paligid dahil malapit ng mag 7. Marami ding nakatingin samin at kalabanan ay mga babae pa

Pag labas namin sa sasakyan ay bigla na lang sumigaw ang mga clown este mga babae dito na ang kakapal ng make up. Sino ba naman kasing hindi sisigaw eh ang ga-gwapo ng mga prinseping ito at ang gaganda naman ng mga prinsesa

"Oh my they're so handsome" clown 1

"Ang hot nung guy na may red hair" clown 2

HUWAT?! Guy na may red hair? Eh si Josh yon eh. Langyang clown este babaeng yon ah may balak pang agawin sakin ang Josh ko

"Marry me Mr. Brown hair" clown 3

"Pre mga chex oh" boy 1

"Liligawan ko isa sa kanila diyan pre" boy 2

"Asa ka namang papatulan ka niyan" boy 3

"Basta sakin yung si Miss Violet hair pre hah" boy 1

Tsk. Asa naman sila na papatol sa kanila ang mga royalties. At tsaka sa kanya daw si Miss Violet hair, asa naman siya na papatu-------wait! miss Violet hair? Eh ako lang naman ang may violet hair samin ah. Langyang lalaking yon

Tsk. Tsk. Hindi nalang namin sila pinansin at nagpatuloy na lang kami sa pag lalakad

Bigla naman akong nakaramdam ng itim na aura kaya napalingon ako kay Josh at laking gulat ko na napapalibutan siya ng itim na aura

"O-okay ka lang Josh?" i asked him

"Oo nga pre, bakit bigla ka na lang na palibutan ng itim na aura?" tanong din ni jeydon sa kaniya. Hindi naman siya sumagot sa tanong namin at nauna nang mag lakad

Problema non?!

"Okay lang ba si kuya?" tanong ni brianna

Isa sa amin ay walang sumagot. Hindi naman kasi namin alam kung bakit nag kakaganon yun. Abnormal lang?

Nag patuloy na lang kami sa pag lalakad patungo sa classroom namin. Sinabi na kasi sakin ni tita kagabi ang magiging section namin at classmate kaming lahat at classmate din namin ang pakay namin dito.

************************************

Ethan's POV

Hindi ko alam pero bigla na lang ako nagalit dun sa lalaki kanina. Hindi ko nga naiintindihan ang sarili ko kung bakit ako nag kakaganito eh, hindi naman ako ganito dati

Or maybe I already have a feelings for Gwyn?

Tsk. Tsk. That's impossible, bagong magkakilala lang kami kaya imposible na magkagusto agad ako sa kaniya

Nauna na akong mag lakad sa kanila. Alam ko naman kung nasan yung room namin eh. Sinabi samin ni Gwyn kanina

Habang naglalakad ako patungo sa room namin ay pinag titinginan ako ng mga babae dito na mukhang clown dahil sa kapal ng make-up nila. Kala naman nila maganda sila eh mas maganda pa sa kanila si gwyn---wait what?! Did I just say that?

Aahhrrgg!!! Nababaliw na ata ako

Nang makarating ako sa room ay agad akong pumasok at umupo sa pinaka dulo. Ilang sandali pa ay dumating na sila gwyn at nag siupo na din sila. Katabi ko ngayon si gwyn dahil dito na lang ang bakante sa tabi ko





























ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon