Chapter 7: Universal Kingdom

5.9K 156 3
                                    

Gwyn's POV

Nagising ako dahil may narinig akong boses. Dahan dahan ko namang minulat ang mata ko at tumambad sa kin ang isang magandang babae na kulay dark white ang buhok

"Mabuti at gising kana mahal na prinsesa" naka ngiting sabi niya sakin

"Sino po kayo? Nasan po ako?" tanong ko sa kanya

"Nandito po kayo sa Universal Kingdom mahal na prinsesa" sagot niya naman sakin at ano daw tinawag na niya akong 'prinsesa'? Eh hindi naman ako prinsesa eh

"Malalaman mo din sa tamang panahon mahal na prinsesa" nabigla naman ako sa sinabi. Nakaka basa pala siya ng isipan?

"Oo mahal na prinsesa" sagot naman niya

"Ano pong ginagawa ko dito? At tska pano po ako na punta dito eh kanina lang po ay nasa kwarto ko po ako?" takang tanong ko sa kanya. Eh totoo naman ah, natutulog lang ako kanina sa kwarto ko tapos pag gising ko nasa ibang lugar na ako

"Siguro si goddess Samantha na ang sasagot sa tanong mo na yan mahal na prinsesa. Halika ka at puntahan na natin sila sapagkat kanina kapa nila hinihintay" sabi niya at naunang maglakad kaya sumunod naman ako..
Teka ano yung sabi niya kanina 'nila' ibig sabihin marami pa sila. Ilang sandali lang ay nakarating kami sa tapat ng isang malaking pinto. Binuksan naman niya ito at may nakita akong sampung trono at may nakaupo sa mga trono nayon. Nag lakad yung babaeng sumundo sakin papalapit sa kanila kaya sumunod na lang ako. Alangan naman mag paiwan ako diba!! Pag dating namin sa harap nila ay umupo ang babae sa isang bakanteng trono, palagay koy sa kanya yun

"Maligayang pagdating mahal na prinsesa" biglang sabi nung babaeng nakaupo sa gitna. Mukhang siya yung pinuno nila ah

"Nasan po ako? Ano pong ginagawa ko dito? At tsaka sino po kayo? " sunod sunod na tanong ko sa kanila

"Nandito ka sa Universal Kingdom mahal na prinsesa dahil sasanayin ka namin kung paano mo gamitin ang iba mo pang kapangyarihan" sagot naman nung nasa gitna. At kanina ko pa talaga naririnig ang 'mahal na prinsesa' nayan ah. Eh hindi naman ako prinsesa eh

"Malalaman mo rin ang lahat sa tamang panahon mahal na prinsesa" sabi naman nung babaeng dark white ang buhok. Bakit nabasa niya ang isipan ko? Sino ba talaga ang mga nilalang nato?

"May kakayahan kaming lahat bumasa ng isipan mahal na prinsesa" babaeng dark pink ang buhok

"Ako nga pala si Icey mahal na prinsesa ang goddess of ice"

"Ako naman si Poisonlly goddess of poison"

"Ako naman si Waterlly goddess of water"

"Ako naman si Natureya goddess of nature"

"Ako naman si Airous god of air"

"Ako naman si Lightous god of light"

"Ako naman si Earthous god of earth"

"Ako naman si Shadrie god of shadow"

"Ako naman si Fireix god of fire"

"At ako naman si Samantha ang goddesses of all"

Tango lang ang nasagot ko sa kanila. Grabi ang mga pangalan nila ah. HAHAHHAHAHAH

"May problema ka ba sa mga pangalan namin mahal na prinsesa?" nabigla ako sa tanong ni god lightous. Nakakabasa pala sila ng mga isipan! Bwesit naman oh! Kung ano ano kasi ang iniisip ko eh

"Mag pahinga ka muna sa iyong silid mahal na prinsesa. Bukas na natin sisimulan ang iyong pag sasanay" goddess samantha

"Teka po! Paano po ang mga kaibigan ko? Baka magtaka po sila na wala po ako dun?" nag-alalang sabi ko. Baka magtaka yung mga yun kung bakit nawala ako bigla

"Ang yung kaluluwa lamang ang nandito mahal na prinsesa. At wag kang mag-alala dahil ang isang araw dito ay katumbas ng isang oras sa academya" sabi ni goddess icey kaya naliwanagan ako ng kunti

"Sumunod ka sakin mahal na prinsesa at ihahatid kita sa yung magiging silid" sabi ni goddess waterlly at naunang maglakad sakin kaya sumunod na man ako sa kanya. Maya maya lang ay huminto kami sa tapat ng malaking pinto na kulay violent. Binuksan ito ni goddess waterlly at pinapasok niya ako kaya pumasok na lang ako. Grabi hah! Ang laki ng kwarto. Mas malaki pato dun sa kwarto ko sa mansyon namin sa mortal world eh. Humiga na lang ako at hinayaan na lamang na lamunin ng antok. Makalipas ang ilang minuto hindi padin ako inaantok kaya nag desisyon na lang ako na lumabas muna. Iikutin ko na lang tong palasyo para hindi ako maligaw dito. Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko basta natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakatayo dito sa napaka gandang harden. Maraming ibat ibang bulaklak dito na kumikinang at marami ding mga fairies na lumilipad. Ang gandang pag masdan!!!!! Meron akong nakitang crystal chair sa gitna kaya umupo ako dun at pinag masdan ang mga fairies.
Maya maya lang ay may lumapit na limang fairies sakin

"Hi po! Mahal na prinsesa" bati sakin nung isang kulay pink na fairy. Wahhhh!!! Ang cute niya!!

"Hi din sa inyo! Ano palang mga pangalan niyo?" sabi ko

"Ako po si Pinky" sabi nung naka pink. Infairness hah, kung ano ang kulay niya ganon din ang pangalan. Pag katapos niyang mag pakilala ay may bigla namang dumating na apat pa na fairies at isa isa silang nag pa kilala sakin

"Ako naman po si Wishe" sa palagay ko kung bakit wishe ang pangalan niya ay dahil kulay yellowish siya

"Ako naman po si Yesha" siya naman ay kulay yellow

"Ako naman po si Blutter" siya ay kulay blue

"At ako naman po si Redka"siya ay kulay red

Pagkatapos nilang mag pakilala sakin ay nag kwentuhan muna kami sandali. Pag katapos naming mag kwentuhan ay nag paalam na ako sa kanila na papasok na ako sa kwarto. Pag dating ko sa tapat ng kwarto ko ay agad naman akong pumasok at humiga sa kama.............. Habang naka titig ako sa taas bigla na lang sumagi sa isip ko yung sinabi ng mga god and goddess kanina. Bakit sinabi nila sakin kanina na sasanayin daw nila ako kung paano ko daw magagamit ang iba ko pang kapangyarihan? Eh ang alam ko lang, isa lang ang power ko? At tsaka bakit naman ako mag kakaroon ng maraming powers eh isa lang naman akong normal na estudyante, hindi naman ako royal blood. ANG GULO!!!............. Maka tulog na nga lang




















ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon