Gwyn's POV
Nandito na kami ngayon sa mall. May mall kasi dito sa loob ng academy. May mga restaurant, hospital, coffee shop, park at kung ano-ano pa ang nandito. Basta madami pa, hindi ka talaga ma bo-bored dito sa loob ng academy pag wala lang ginagawa dahil ang daming libangan
"Gwyn doon tayo sa boutique" sabi ni Stephanie at hinila ako papunta dun sa boutique
Pag pasok namin ay ang daming magagandang damit na nandoon. Agad namang pumili nga mga damit sina jamaicah
Teka bakit nga pala kami namimili ng mga damit ngayon???
"Ah guys bakit pala tayo nandito? May pupuntahan ba tayong event mamaya?" takang tanong ko sa kanila. Wala naman kasi silang sinabi sakin kahapon eh
"A-ahh oo gwyn. May pupuntahan tayong party ma-mamaya" nauutal na sabi ni brianna. Okay??
Pumili na din ako para sa sarili ko dahil sabi nga ni brianna kanina may pupuntahan kaming event mamaya.
Asan kaya yon?Habang namimili ako may nakita akong dress na naka display sa loob ng glass sa di kalayuan kaya nilapitan ko to. Simple lang naman siya pero maganda. Kulay black ito na may highlight na violet at may mga diamond na nakapalibot dito
"Kukunin mo ba yan miss?" tanong sakin ng sales lady dito
"Ah yes. I take that one" sabi ko kaya kinuha na niya yung dress at binalot
"Ito na po ang binili niyo miss" sabay bigay sakin
"Thanks" sabi ko
Pupuntahan ko na sana sina brianna ng may naalala ako. Wala pa pala akong stiletto kaya tinanong ko ang sales lady kung meron ba sila non at sinabi niyang meron kaya dinala niya ako kung saan ito
Maraming mga magaganda na stiletto na nandito pero isa lang ang nakakuha ng atensiyon ko. Isa itong kulay silver at napapalibutan din ito ng diamond. Basta ang ganda niyang tignan. Kaya yun na lang ang binili ko at pag katapos kung bayaran ang lahat ng binili ko ay pinintahan ko na sila brianna
"Nakapili kana bah gwyn?" tanong ni jolliana sakin. I just nodded at her
"Next, punta tayo sa spa" misty. Kaya ayon nga pumunta kami sa spa
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pag katapos namin sa spa ay bumalik na kami sa dorm naminPag pasok namin ay naabutan namin ang boys na nanunuod ng tv. As usual wala si josh. Tsk.
"Hi gwyn!" nakangiting bati sakin ni toffer
"Yooowww Gwyn" sabi naman ni cobby
"Musta Gwyn?" tanong naman ni jeydon sakin. Okayy? Ang we-weird ata nila ngayon ah
"O-okay lang" utal na sagot ko sa kanila. Ano bang nangyari sa mga toh?
"Wag mo na silang pansinin gwyn. Tara na sa kwarto mo don tayo mag-aayos" sabi ni brianna at hinila ako papunta sa kwarto ko
"Gwyn umupo ka dito at me-make a-pun kita" sabi niya habang inaayos ang makeup kit niya. Teka! san galing ang makeup kit nayan? Wala naman siyang dalang make up kit kanina ah...
"Lika na" lumapit siya sakin at hinila ako paupo sa silya na nandon
Si brianna ang nag me-makeup sakin habang sina jhowana at jolliana naman ay sa buhok ko
San ba talaga kami pupunta at bakit ako lang ata ang nag-aayos samin. Sina Stephanie, misty at jamaicah kasi ay nasa kama ko lang nakahiga at sa tingin ko ang mga boys naman ay nasa living room padin na nunuod ng tv

YOU ARE READING
ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESS
FantasyMAGIC WORLD Ito ang tawag sa lugar kong saan naninirahan ang mga taong may kapangyarihan. Ito ay binubuo ng sampung kaharian. Ang mga mabubuting nilalang na naninirahan dito ay tinatawag na 'white user' at syempre kung may mabuti dapat meron d...