Chapter 1: Mendez University

13.7K 259 10
                                    

Gwyn's POV

~~•kring kring•~~

Naalimpungatan ako dahil sa tunog ng alarm clock ko. Minulat ko naman ang mga mata ko at nakita ko na 5:10 a.m. na pala. Bumangon na ako at pumasok na sa banyo. First day of school ngayon kaya bawal akong malate. Pagkatapos kong maligo ay pumasok na ako sa walk in closet ko at kumuha ng uniform. Then naglagay lang ako ng light make-up at nilagay ko na din ang contact lenses ko kasi I have a violet eye and a violet hair, meron din nga akong power eh. Sabi ni mommy sakin inborn ko na daw to kaya binaliwala ko lang. Meron din namang power si mommy at kami lang ang nakakaalam na may power kami kasi sabi ni mommy sakin bawal ko daw ipag sasabi kasi baka daw mapahamak kami kaya tinago ko na lang. Kinuha ko na ang bag ko then bumaba na.

Pag baba ko naabutan ko sina mommy at manang na nag hahanda na ng pagkain.

"Good morning mom, manang!" bati ko sa kanila

"Good morning Princess/Young lady" sabi ni lang dalawa.

By the way princess ang tawag sakin ni mommy. Sabi ko nga sa kanya na wag na princess ang itawag niya sakin kase di naman ako bata eh pero tinatawanan nya lang ako.

"Ano po ang breakfast natin ngayon mom?" tanong ko

"It's adobo princess. Your favorite" naka ngiting sabi ni mommy

Bigla na man akong natakam.
Ng nilapag na ni manang ang adobo sa lamesa ay agad naman akong kumuha nito at sinimulan ng kumain. Ang sarap talaga ng adobo kahit kailan.

After kung kumain ng breakfast ay lumabas na ako ng bahay. Hinatid ako ni manong Kiko sa school. Siya ang family driver namin.

By the way nakalimutan ko pa lang mag pakilala. So ako nga pala si Gwyn Mendez 17 years old. First year college na ako

Sa MENDEZ UNIVERSITY pala ako nag aaral. And YEAH! Amin ang school nato.

Ilang sandali lang ay nakadating na kami sa school. Agad namang nag park si manong at bumaba na ako. Papasok na sana ako sa loob ng school ng biglang may tumawag sakin kaya lumingon ako sa likodan ko at nakita ko ang baliw kong kaibigan na tumatakbo palapit sakin

"Good morning best" sabi niya at ni yakap ako

"Good morning din baliw kung best friend" natatawang sabi ko at niyakap siya pabalik. Bumitaw na man siya sa pag kakayakap sakin at nakita kong nag pout siya kaya natawa ako.

"Tara na nga best baka malate pa tayo eh" sabi ko at hinila na siya papasok

Siya nga pala si Laica De Villa 17 years old din. Best friend na kami simula first year high school pa.

Habang nag lalakad kami sa hallway ay pinagtitinginan kami. Ano kayang problema ng mga to?

"Bakit nila tayo pinag titinginan best?" napa lingon naman ako kay laica kase bigla na lang siyang nag salita

"Wag mo na lang silang pansinin best baka na gagandahan lang sila satin" naka ngiting sabi ko kaya sabay na din kaming tumawang dalawa

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makadating kami sa tapat ng room namin. Agad naman kaming pumasok at sa pinakadulo kami umupo.

Ilang sandali lang ay dumating na ang prof namin

"Good morning class" prof

"Good morning prof" sabi namin

"Ok class since first day ngayon. Can you please introduce yourself infront" prof

Isa isa naman kaming nag pakilala hanggang sa maka rating na kay best, tumayo naman siya at pumunta na sa gitna

ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon