Chapter 5: History

6.7K 178 1
                                    

Gwyn's POV

3:00 a.m pa lang ay gising na ako. Naligo muna ako at nagbihis muna ng short at white T-shirt at tsaka bumaba para magluto muna. Pagkatapos kung mag luto ay nilapag ko muna ito sa lamesa at lumabas muna ako ng dorm para makapag pahangin total maaga pa naman

Dito ako sa garden dinala ng mga paa ko. Umupo muna ako sa ilalim ng isang puno at tsaka pumikit muna. Na miss ko na si mommy. Kamusta na kaya sya. At tska miss ko na din yung baliw kung kaibigan............ Habang nag-iisip ako ay may nadinig akong kaluskos kaya dali dali kung minulat ang mga mata ko para tignan ang paligid pero wala naman akong nakita maliban sakin

"Sinong nandiyan?" tanong ko. Pero wala namang sumagot. Ano ba yan! Nakakatakot naman dito. Dali dali na lang akong nag teleport pabalik sa dorm namin dahil baka kung ano pa ang mangyari sakin kung hindi pa ako bumalik noh. Pagkadating ko sa dorm namin ay nakahinga ako ng maluwag

*************************

Ethan's POV

2:00 a.m pa lang gising na ako. Ano bang nangyayari sakin? Bakit hindi ako makatulog? Naligo na lang ako at nagbihis tapos lumabas na lang ng dorm namin. Pumunta ako sa favorite spot ko para dun na lang ulit matulog. Pagdating ko dun ay agad akong umakyat sa taas ng puno

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero nagising na lang ako sa may narinig akong kaluskos. Sino naman ang bwesit nato na iniistorbo ang tulog ko? Tumingin naman ako sa baba ng puno at may nakita akong babae na nakaupo sa ilalim at nakapikit ang mata. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya kasi medyo madilim pa. Dahan dahan naman akong bumaba ng puno pero pag baba ko may naa pakan akong maliit na sanga kaya dali dali akong nag tago sa likod na puno

"Sinong nandiyan?" tanong niya. Wait!! Parang pamilyar ang boses niya ah. Nag lakad siya papalapit dito sa pwesto ko kaya mas nag tago ako nang maigi para di niya ako makita. Nung medyo malapit na siya dito sa pwesto ko ay nabigla ako dahil si gwyn lang pala ang babae na nakita ko kanina. At ang mas lalong ikinagulat ko ay bigla na lang siyang nag teleport. Ang mga royal blood lang kase ang may ability na ganon kaya bakit mayroong ganong ability si gwyn?

Kinalimutan ko na lang yon. Bumalik na ako sa dorm namin dahil medyo maliwag na.

*************************

Gwyn's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko para mag bihis ng uniform. Grabi! kinakabahan talaga ako kanina ha. Pagkatapos kung magbihis ay kinuha ko na ang bag ko at bumaba na. Pag baba ko naabutan ko na ang dalawa na kakaupo pa lang

"Good morning" masayang bati ko

"Good morning din gwyn" sabay sabi nilang dalawa

Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain. Ilang sandali lang ay tapos na kaming kumain kaya lumabas na kami ng dorm namin. Pag dating namin sa room ay nandun na lahat ng royalties kaya dumiretso na kami sa upuan namin.

"Good morning girls" bati samin ni brianna

"Good morning din" sabi namin

Ang dalawa ay nakikipag kwentuhan lang sa ibang royalties habang ako ay nag lagay lang ng headset sa tainga ko habang hinintay namin si prof. Ilang sandali lang ay dumating na si prof kaya umayos na kami ng upo lahat

"Good morning class" prof

"Good morning prof"

"Ang discussion natin today is all about the history of Armenia "

May history pala ang armenia. Di ko alam yon ah. Umayos na lang ako ng upo at nag simula ng mag sabi si prof tungkol sa history at nakinig talaga akong mabuti para naman hindi ako mag mukhang tanga dito na walang alam sa mundong kinarurounan ko.

"Noong sina Haring Eldon at Reyna Liza pa ang namuno sa buong armenia ay nag karoon sila ng isang anak na babae ito ay si Princess Elliza. Si princess Elliza ay biniyayan ng mga diyos at diyosa ng kakaibang kapangyarihan na siya lamang ang makaka wakas ng kadiliman. Tahimik at masayang na mumuhay ang buong armenia noon hanggang sa isang araw nag karoon ng isang malaking digmaan. Gustong patayin ng hari ng kadiliman ang prinsesa dahil alam niya na ang prinsesa lamang ang makakatalo sa kanya. Ginawa lahat ng hari at reyna para protektahan ang kanilang prinsesa. Inutusan ng hari ang isa sa kanyang katiwala sa palasyo na dalhin muna ang prinsesa sa isang ligtas na lugar at bumalik na lamang sila pag katapos ng digmaan. Agad namang sinunud ng isa sa kanilang katiwala sa palasyo ang utos ng hari at dali dali niyang dinala ang prinsesa sa isang tago na lugar. Maliit pa lamang ang prinsesa noon. Nag simula ulit na maki paglaban ang hari at reyna pero sa kasamaang palad napatay sila ng hari ng kadiliman. Pagkatapos niyang patayin ang hari at reyna ay nilisan na niya ang kaharian. Ilang sandali lang ay bumalik na ang isa sa kataliwala nila dala dala ang prinsesa. Nakita naman ng prinsesa ang katawan ng kaniyang mga magulang na wala ng buhay kaya agad niya itong nilapitan. Iyak lang siya ng iyak.

Makalipas ang panahon nag karoon na ng kasintahan si Princess Elliza at yon ay si Prince Mykel. Hindi din nagtagal ay kinasal sila at sila ang tinanghal na bagong hari at reyna ng buong armenia. Makalipas ang isang taon biniyayaan sila ng isang napaka gandang anak na si Princess Crystal Elliz Nicole Anderson. Siya ang may hawak ng lahat ng kapangyarihan. Kaya siya tinawag na legendary princess. Pero sa ikalawang kaarawan ng prinsesa ay sinalakay sila ng hari ng kadiliman at balak nito patayin ang prinsesa dahil alam niya na ito ang makatatalo sa kanya. Dahil mahal na mahal na mahal ng reyna ang prinsesa at ayaw niya itong mawala ay nag desisyon siya na dalhin na lamang ito sa mundo ng mga tao. Agad namang gumawa ng portal ang reyna patungo sa mortal world at pagdating nila dun ay agad siyang pumunta sa bahay ng isa sa kanyang pinag katiwalaan sa palasyo noon na sa mortal world na naninirahan ngayon. Ibinigay ng reyna ang prinsesa kay Vina at ibinilin niya na bago maka rating ng 18 years old ang prinsesa ay kailangan na niyang makapasok sa magic world. Tumango naman si Vina sa sinabi ng reyna. At bago umalis ang reyna ay sinuotan niya ang prinsesa ng isang kwentas na may rose pendant at hinalikan muna niya ito sa pisngi bago tuluyang bumalik dito sa magic world. Simula noon hindi na ulit nakita pa ang ating legendary princess" mahabang sabi ni prof. Grabi naman pala ang history ng Armenia. Bigla namang nag taas ng kamay ang isang kaklase namin

"Yes Miss Farlly?" prof

"Prof diba malapit na ang ikalawang digmaan? So kailangan na po nating mahanap ang legendary princess sa lalong madaling panahon?" tanong niya kay prof

"Yes, kailangan na talaga nating mahanap ang prinsesa sa lalong madaling panahon dahil ito lamang ang makakatalo sa hari ng kadiliman. At kapag hindi natin siya mahanap, magtatagumpay ang hari ng kadiliman sa lahat ng plano niya" sagot naman ni prof. So kailangan na pala namin siyang mahanap sa lalong madaling panahon. Ano kayang itsura niya baka kase nagkita na kami dati eh. Patuloy lang ako sa pag-iisip hanggag sa.......

"CLASS DISMISSED" prof

Agad namang nag sitayuan ang mga kaklase namin. Tumayo na din kami at lumakad na papuntang pinto. Paglabas namin sinalubong agad kami ni brianna, sabi niya hindi daw muna sila makakasabay sa amin mag lunch ngayon kasi pinatawag daw sila ni HM

F
A
S
T

F
O
R
W
A
R
D

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga lang ako sa kama. Wala naman kase akong maisip na gawin eh. Kinuha ko na lang ang paborito kung libro at sinimulan ko ulit itong basahin hanggang sa makaramdam na ako ng antok kaya nilapag kuna ang libro sa side table ng kama ko at natulog na




















ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon