06

114 5 0
                                    

Annie's POV


      "Okay, ready naba ang lahat? Kamusta mga brains niyo? Dala niyo ba ngayon?"




"Grabe sir, tinatanong paba yan?" mayabang na sagot naman ni Josh at kumamot bigla sa batok. "Syempre hindi.."



Natawa ako dahil muntik na siyang mabatokan ni sir sa sinabi niya. Pero alam ko namang hindi iyon totoo at pawang biro lamang. Gaya nga ng gusto ni Josh, hindi na special ang trato sa kanya ng school dahil lang sa anak siya ng school's investor.




"Ikaw Annie? Anything okay?"
Tanong niya sa akin.


Tumango lang ako at ngumiti ng tipid para makaginhawa na ang loob nila sa pag-aalala tungkol sa aming dalawa na ngayo'y pasabak na sa quiz bee.




"Wag niyo ng pansinin yan si Maine, bihasa na yan.. Ako sir, magtanong nga kayo regarding dun sa topic para malaman ko kung enough naba mga na-review ko.."

Seryosong sabi naman ni Josh at umakbay pa talaga kay sir na akala mo'y kumakausap lang ng isang tropa.



"Don't worry, baka nakakalimutan mong ako ang nagreview sayo.."
Confident na sabi ko.




Napanganga si sir Collado habang kasabay ko namang natawa si Josh dahil sa kahanginan ko. I don't know but i fell like joking today.




"Wala na akong ma-say. Ikaw na nagsalita eh," conyong sabi niya at tumawa ulit.



Nakita ko na naman yung nakaka-hypnotise na ngiti niya. Ngayon ko lang din narealize na ang perfect pala ng ngipin niya.. Paano niya kaya na-ma-maintain iyon?





We were enjoying the moment when a school staff suddenly enter the room and informed us to get ready. Kasama kasi namin si Mr. Collado ngayon sa backstage, siguro andito siya para e-cheer kami since kaming dalawa ang representative ng section namin.







Namangha nga ako dahil hindi ko inaasahang si Josh Cullen na isang transferee ang makakasama ko dito. I mean..he's quite good at adjusting to new places and peoples. Tignan mo, ilang araw lang siya dito pero parang tropa na niya si sir.







"Good luck for the beauty and adonis of my class, kaya niyo yan!"



Nairap naman ako sa pinagtawag niya sa amin at napahawak pa sa noo. Sineryoso talaga nila yung re-election eh. Haist, bahala na. I've been president for a long time anyway, i need to get some..rest?





Wews,nice commemoration of my graduating year..





"Alright! Ipapakita ko sa lahat na hindi lang mukha at katawan ang maganda sa akin, pati rin utak!"
Proud na sigaw ni Josh at hinampas pa ng dalawang beses ang dibdib.



Natawa naman si sir at tumango tango nalang sa kalokohan niya bago niya kami tinulak para lumabas ng backstage.




Pagkalabas ko palang ng kwartong iyon ay narinig ko na agad ang ingay ng mga tao. Hindi lang kasi ang quiz ngayon ang event sa araw na ito, may iba rin kaya double sa inaasahan ko ang mga bisita.






May nakita pa nga akong mga employees ng kompanya ni daddy dahil nga may sinusuportahan ring schools si dad. Of course, may mga scholars rin siya at sabihin na nalang nating isa ako sa mga iyon. Wala naman akong pinagkaiba sa mga strangers para sa kanya eh.




"Good luck, good luck!"
Nagulat ako nung bigla nalang siyang sumigaw at nilagay ang dalawang kamay sa braso ko.



Napatingin tuloy ang iba dahil sa sigaw niya, kasama na doon si Ajero na andito rin para sa isang event. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako agad at kumaway. Aish, bakit ganun? Ang liwanag sa paligid niya?




Faked Attachment (Syclups #4) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن