13

82 8 0
                                    

Josh's POV


      "Kantahan mo nalang ng 'Classmate' by Hambog ng Sagpo Crew, papatok yun"
Natatawang sabi ni Justin at tumawa habang pinapatugtog ang gitarang nasa bisig niya.


"'Classmate'? Edi nagmumukha naman siyang tarantadong estudyante na walang ibang alam kundi manlandi ng babae.."
Sagot naman ni Stell at tumawa rin. Tinapik pa niya ako na parang dinadamayan sa pagluluksa ko.


"Tska ako naman ang transferee sa school niya, hindi siya. Tsk. Yung iba nalang!"
Sabi ko naman sa kanilang dalawa na kanila namang ikinahagalpak. Kanina pa kasi mga walang kwenta ang isina-suggest nila kaya mas lalo akong naiirita.


"Para saan ba?" tanong naman ni Ken na napadaan saglit sa harap namin dahil magc-cr daw.

"Haharanain niya daw si Annie pre,"
Natatawang sagot naman ni Stell na akala mo'y nakakatawa ang sinabi niya.


Exam ng mga junior students ngayon kaya nahati ang population ng students ngayong araw..kaya ito, tumatambay kami ngayong lima sa isang room na walang kahit na isang estudyante.



At dahil nga free din silang apat, nagpra-practice/jamming nalang kami para preparation na rin sa darating na performance namin bilang banda sa school.



"'Classmate'? Ano, haharanahin mo ba siya ng pa-rap?"
Sarkastikong tanong naman ni Paulo na tinutukoy yung kanta. Lalong natawa yung dalawang ugok at naghahampasan pa talaga.

"Hindi naman talaga ah, sila lang nag-suggest 'nun"
Sabi ko at sinamaan ng tingin yung dalawa.


Haist, bakit ngayon ko lang nalaman na may sira pala ang dalawa sa mga kagrupo ko? Bakit ngayon lang? Edi nakaatras pa sana ako dati..

At oo, balak ko nga siyang haranahin.. Syempre, para dagdag points diba.. Hindi naman pwedeng sinabi kong gusto ko siya pero wala akong gawin para patunayan yun diba?



Natigil naman yung dalawa sa kakatawa nung biglang may dumating na estudyante sa room na iyon sabay sabing,

"Kuya Josh, pinapatawag ka po ni Ate Annie.. Role Play niyo na daw.."

Sa kung sino sino pa siya nakatingin, halatang hindi niya alam kung sino si Josh sa aming lima.


"Okay, sunod na ako" sagot ko at tumayo na. Doon lang nasentro sa akin ang tingin niya at ngumiti.



"Wow naman, role play.. Anong scene ang ia-act niyo?"
Tanong agad ni Stell habang kinukuha ang hawak kong drumsticks.


"Secret.. Panoorin mo nalang"
Loko lokong sabi ko at kumindat pa bago tuluyang nilisan ang silid na iyon at dumiretso sa building/classroom namin.




"Hello mahal!"
Biro kong sigaw nung makita si Annie na naiinip na atang naghihintay sa teacher's desk. Unti lang din ang kasama namin dito dahil naghanap na ng iba't ibang lugar ang ibang grupo para walang gayahan.




Natawa at nagkantyawan naman ang iba dahil sa sinabi ko at inasar asar pa si Annie.
"Bilisan mo dito kung ayaw mong alisin ko pangalan mo sa grupo ko"
Sabi bigla ni Annie habang sinasamaan ako ng tingin. Natawa naman ako at kunwari'y nagmamadaling lumapit sa kanila.


She's really interesting.




"So what are we going to act today?"
Masiglang tanong ko na alam kong lalo niyang ikinainis. She almost throw her paper on me because of annoyance. I laughed in advanced.



Faked Attachment (Syclups #4) Where stories live. Discover now