15

97 5 0
                                    

Annie's POV (Birthday Part 1)

          Several months have passed after that encounter, sa loob ng mga buwan na iyon ay tutok lang ako sa..sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit, pero alam kong madaming nagbago..


Ilang linggo na rin akong biglang nagkaroon ng bagong hobby, at iyon ay makinig sa mga hindi naman nakakatawang biro ni Josh. Oo, kabaliwan, pero lahat ng oras ko para sa pagaaral ay biglang naliko at nalipat sa kanya.





Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na wala lang ito, na kalokohan lang ang lahat. Pero hindi ko rin maitatanggi na-a-apektuhan na ako.. Bigla nalang akong napapangiti, at natatawa dahil sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung maganda bagay ba iyon o hindi.. Pero bakit naman hindi diba? Somebody said, it feels good to love and to be loved.





Josh was trying his best recently, to know me more, to strive more information of me, to memorize all of my preferences and dislikes, to make me laugh, and so on.. He seems to serious, and about his confession..i already know that it's not a joke anymore.




Gaya ngayon.. Ngayon na ikalabing-walong kaarawan ko, isa siya sa pinaka-maagang dumating at tumutulong sa pag-aayos ng lahat kahit na hindi na kailangan. Mas nauna pa nga siyang nakarating kesa kila Rulu.. At kahit na anong gawin kong pag awat dahil halatang pagod na siya at pinagpapawisan pa, ayaw niyang magpatigil.





"Kumain ka muna Josh, kanina kapa dyan ah. Balak mo na bang mag-apply bilang tauhan ko?"
Biro ko at sumubo ng isang pirasong ubas. Tumawa naman siya habang kinakabit ang banner kasama ang isang lalaki.




"Pwede naman, magkano ba pasahod mo Ms. Annie?" sabi naman niya at abala sa pagdidikit nun. "Hala, ang ganda mo dito" sabi pa niya sabay turo doon sa picture ko na nasa banner kasama ang letters na 'Happy Legality, Annie'



Sinu-ggest pa nga ni Rulu na dapat daw pirmahan at lagayan nila ng kani-kanilang wish para sa akin yung space ng tarpaulin, pero pinigilan ko. Ayokong makita iyon ng mga bisita ni daddy.




Kasi naman, alam niyo na, bilang anak ng isang business tycoon, ang kaarawan kong ito ay paniguradong mapupuno ng mga business peoples.





"Aish, bumaba kana. Malapit na mag start, bilang second escort ko, ganyan kaba haharap sa lahat?"
Nang uusisang tanong ko at pinagmasdan ang pawisan niyang katawan. Oo, pawisan siya, pero parang lalo lang iyong dumagdag sa kagwapohan niya. He's really something that you can associate with..'charisma'






"Aba syempre hindi!" tanggi naman niya agad at tumalon pababa bago pinagpagan ang kamay at damit. "Medyo..marami rami lang kasi ang trabaho nitong mga kuya" sabi pa niya at tumingin sa mga trabahador na nagpangiti sa akin ng patago.





"Tska ano ba naman kasi, bakit second lang ako? Bakit hindi na first? Tsk" reklamo pa niya at nagsimula ng maglakad paalis. Sumabay naman ako habang may nang-aasar na ngisi sa labi.




"It's my father's arrangement.." sagot ko. Si Trevor kasi ang escort ko. Well, wala naman akong disagreement because we're pretty close and we share some same interests in life..at isa pa, mabuti siyang tao.


"At tska, classmate lang naman kita ah. Bakit dapat kang maging escort ko?" sabi ko at lalo siyang inasar gamit ang ngisi sa labi. "Diba classmate?.." ulit ko pa. Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa nalang ako.



Madaling lumipas ang oras at alas nwebe na ng gabi, ibig sabihin simula na ng programa. Puno na ng tao sa labas, mga naka formal attires at panay may hawak ng wine glasses. May soft musical din na nagpla-play kaya hindi ganun kaingay ang atmosphere.





Sa tingin ko ay naroon na rin ang mga kaibigan ko dahil kaka-send lang nila ng picture na naglalakad sa entrance ng bahay. Mga baliw talaga. Andito na rin si Trevor at Josh dahil tumawag sila kanina at background nila ang bahay namin.




Ako?
Ito, tinitiis ang malalang pag-a-eyeliner nitong nakuha nilang makeup artist at hair dresser. She's poking my eyeballs, actually! Ang bigat ng kamay niya at parang naluluha na ako dahil sa eyeliner niyang nilalagay.




"A-ah.. Ate, pwede bang..ano,uhm..tawagin ko nalang yung kaibigan ko para ayusan ako?" i asked in the middle of silence. Napataas naman ang isang kilay niya kaya agad akong nagsalitang muli. "No offense po ah, sanay lang talaga ako sa kanya..at alam niya ang preferred style ko.."



Matagal pa niya akong tinignan, mula ulo hanggang paa, bago mahinahong tumango at tahimik na nilisan ang silid. Ako naman ay nakahinga ng malawak dito at napanguso.




Dinampot ko ang phone ko at agad na tinawagan si Cherry at Rulu.. Sila na ang bahala...





"Aray Rulu! May tinatago ka bang sama ng loob sa akin? Parang nanabunot kana ah!"
Halos sigaw ko sa kanya nung sinimulan niyang ayusin ang buhok ko.



Natawa naman siya at nagpeace-sign sa salamin. "Sorry naman, ikaw naman kasi, ang haba na ng buhok mo eh, kailan kaba magpapagupit?"
Tanong pa niya bilang pagdi-divert ng topic.





Nandito na nga silang dalawa at inaayusan na ako. Tapos na si Cherry sa mukha ko, gaya ng gusto ko, sinimplehan niya lang. Ayoko ng makapal na make-up, feeling ko lalo lang akong pumapangit. Sinunod ayusin at i-check yung una kong isusuot habang inaayos na ni Rulu ang buhok ko. Hindi ko nga alam kung ano talaga ang balak niyang gawin.






Kanina pa siya nagsisimula ng isang style pero buburahin niya at magsisimula ulit ng bago. Hayst. But in the end, he made a braided hairband in the top of my head using my hair and curled the remaining hair, hanging in my back.




"Pretty!" biglang sigaw niya na ikinalundag namin sa gulat ni Cherry. Halos paghahambalusin pa siya ni Cherry dahil muntik na niyang nabuhusan ng tubig yung nasa harap niyang gown ko dahil sa gulat, buti nalang hindi..






"Gaga ka talaga!" singhal niya bago ako hinarap. "Suot mo na girl" sabi niya na tinutukoy yung gown. In that moment, i suddenly became reluctant. Ngayon nalang ulit ako makakapagsuot ng ganyan ka gandang gown.. I mean, yes I'm wearing something like those in special occasions with dad, but this time is different. This time, their eyes will be on me.. Arghh, ngayon pa lang na-a-awkward na ako.






Tumango lang ako at binalabas muna sila saglit. Matagal din akong napatitig sa damit na iyon..hanggang sa may naalala na naman ako. Alaalang kasama ko pa sila mommy at daddy sa loob ng bahay. Yung wala pa silang palaging pinupuntahan at masaya pa kami..




There was a time na, i was badly hurt when i was still a kid and nobody can't cheer me up.. Until dad gave me a small yellow dress..and i suddenly stopped weeping. Doon nila narealize na mahilig ako sa dress at favorite color ko ang yellow.




Pero simula nung nawasak ang pamilya ko, hindi ko kailan man tinangka ang magsuot ng mga ganito.. Mas pinili ko nalang lumayo sa mga alaala ko para hindi na ako masaktan..







I pulled my tears back who's about to fell pala and cheered myself up. Kinuha ko iyon mula sa manikin at sinimulang isuot sa sarili.











Faked Attachment (Syclups #4) Where stories live. Discover now