10

98 8 0
                                    

Annie's POV


"Ang gwapo ni Josh nuh? Shocks!"


"Oo nga, bagay na bagay siyang mapunta doon sa banda. Puro sila gwapo!"


"Feeling ko sisikat grupo nila eh.."




At sumikat nga.. Tatlo lang yan sa mga narinig kong bulongan dati, after ng coagulation ng SYCLUPS pero naging totoo nga. Sumikat sa buong academy ang pangalan ng grupo nila na kahit mga juniors ay kilala at tinitilian sila.

Mukhang hindi na rin 'ka-banda' ang turing nila sa isa't isa dahil sobrang close na nila kapag naguusap usap na akala mo'y matagal na silang magkakasama.




"Ate Annie, pansin kong close kayo ni Josh, anong meron sa inyo?"
Biglang tanong nung babaeng kaklase ko na bigla nalang lumapit sa akin.

Napataas kilay ko pero hindi ako nakasagot. Itinago ko muna sa bag ko ang binabasa kong libro at humarap sa kanila, mukhang hindi lang naman kasi siya ang gustong itinanong yun sa akin.



"We're just-"

"GOOD MORNING!"



Napalingon kaming lahat sa pinto nung bigla nalang may dumating at sumigaw. Napuno agad ng tilian ang room kasabay ng sa kabilang room dahil sa tingin ko'y andoon na rin si Ajero.



"Good morning Josh!!"
Sabay sabay na sabi nila. Akala mo naman teacher ang dumating, bakit kapag si Mr. Collado hindi nila binabati ng 'Good morning'?



Napailing iling nalang ako at umayos na ng upo. Aaminin ko, may disadvantages sa akin, at sa iba pang gustong mag aral ng tahimik, ang naging kasikatan ng Syclups. Puro nalang kasi tilian, sigawan, bulongan at kwentuhan sa kahit saang sulok ng school.



Kahit nga sa library may tumitili dahil andoon si Paulo eh! Jusko, jusko.. Saan nalang ako makakapagbasa ng tahimik? SSC President naman ako, pwede kaya ako magpatupad ng specific law for Syclups's fans?


"Ang sikat na nung boylet mo teh"
Sabi bigla ni Cherry habang tinatapik ang balikat ko at tumawa. Sinamaan ko agad siya nh tingin. "Tumigil ka nga"


Pagkaayos ko ng upo ay napansin kong nasa harap pa rin si Josh at mukhang nakatingin sa akin. I look up and raise a brow when i really saw him staring at me.


Ngumisi lang siya sa akin at umiling iling bago naglakad palapit sa upuan niya. Napakunot lang ang noo ko pero hindi na ako umimik. Ano? Magmamayabang ba siya sa akin na sikat na siya ngayon? Sus! Eh para nga siyang tutang hindi mapakali nung inaaya palang siyang sumali.. Tsk, tsk.



"Uy Josh, anong relasyon mo kay ate Annie bakit ang close niyo?"
Rinig kong tanong nung isang lalaking kaklase namin sa kanya. Napairap na naman tuloy ako sa hangin, puro yan nalang ang tanong nila simula nung sumikat si Josh.


Anong relasyon ko kay Josh? Wala. Siya lang naman ang lumalapit sa akin at medyo walang kaso for me kasi kadalasan naman ay puro about sa acads ang tinatanong niya. Tska isa pa, madami din siyang close na babae, hindi lang ako. Kung lahat iyon bibigyan nila ng malisya, eh aba walang mangyayari sa mundo. Hindi uunlad ang pilipinas.




"Si Annie? Kaibigan ko siya.." sabi naman ni Josh at tumawa pa. Parang sinasadya niyang iparinig sa akin.

"Weh? Hindi girlfriend?"
Tanong pa ng isa na siya namang ikinagulat ko. They were so blunt!

I saw how Rulu and Cherry anxiously waiting for Josh to speak and answer that question while i am here getting uncomfortable na. Bakit ba kasi ako ang pinag-uusapan nila? Jusko, andito pa naman si Rulu, isang maling salita lang ni Josh ay baka friendship over na kaming lima..



Faked Attachment (Syclups #4) Where stories live. Discover now