22

78 7 0
                                    

Annie's POV



             "Woah, you're so lucky Trevor. Kung sana katulad kita na may freedom of choosing"


Walang tigil ako sa pagsasalita at sa pagsasabi na ang swerte niya dahil sa mga nagagawa at kaya niyang magawa ngayon habang tahimik lang siyang naglalakad kasama ko papuntang library.




"Yeah, it was maybe because i have siblings who can catch all the responsibilities and who is more willing to run business than me.. I really prefer medical.."
Sagot naman niya at maikling ngumiti sa akin bago kami makapasok sa silid aklatan.





Tama siya, may mga kapatid siya...pero siya ang pinakamatalino, kaya hindi ko akalaing hinayaan at sinuportahan siya ni tito na piliin ang medisina bilang kurso niya. How i wish, my father will also allow me to choose my own path.. Kung papalarin, gugustohin ko ring mag-aral na medisina. It would be the most amazing thing, if ever..





"Ikaw ba?" tanong niya bigla na ikinatawa ko naman.




"You're asking the obvious, Trev" napangisi naman siya at napailing iling ng wala sa oras dahil sa sinabi ko.





Pinanganak na ata akong dapat na manahin ang business ng tatay ko. Fighting for my own choice? tsk, nevermind.. Ginawa ko na iyon dati, pero walang nangyari. Besides, running a business can be a good thing too, but will only be better if you're passionated and dedicated.





"Fighting, Ms. Manzano.." sabi niya na nangingisi kaya nagmukhang pang-iinsulto sa akin. Natawa naman ako at napailing iling bago namin sabay na binuksan ang librong dala naming dalawa.




Kailangan naming gawin ito araw araw dahil mayroon paring nakamata sa aking tauhan ni daddy kahit na nasa paligid ko na si Trevor. Wala talagang pinapalagpas ang ama kong ito, kapag sinabi, sinabi. So willful.. Nakakasakal.




Buti nalang at hindi na ako tumitira sa bahay niya, baka mamatay na ako pagnakataon pang makasama ko siya sa iisang bubong. He's a freak.





"Uy! What a coincidence! Andito rin kayo?"



Sabay kaming napa-angat ng tingin ni Trevor pagkatapos makarinig ng malakas na boses sa harap namin.




The makulit na owner of the voice, Josh Santos..


"This is a public library, Josh. So the possibility for us to meet here is higher than your height" sabi ko at ngumiti ng peke para tablahin siya.





Kasama niya ang buong Syclups ngayon, mukhang magkakaroon sila ng group study ngayong araw.. Pero hindi pa rin niya ako mauuto, alam kong kanina pa yan nakasunod sa amin ni Trevor at pinagmamasdan ang bawat galaw namin.




"Hi Stell!" bati ko pa kay Stell na nasa likod niya. Inocente naman itong napalingon at kumaway. "Yow"



Nakangisi kong binalikan ang pahina ng libro ko habang inuusisa pa rin ng peripheral vision ko ang reaksyon ni Josh na nasa harap pa rin namin ngayon.





"Study well" nasabi nalang niya bago nakiupo sa mga kagrupo niya sa kabilang mesa. Natawa naman ako sa isip ko at naaaliw na pinagmasdan siyang magbasa.




Study well? What the heck is that?




"Sino yung kasama niya, pre?" rinig kong tanong ni Justin De Dios pagkatapos niyang makaupo sa tabi nila.




"Bodyguard niya pre"




Doon na ako tuluyan natawa ng malakas at nabitawan ang hawak kong libro dahil sa isinagot niya sa kaibigan niya. Sobrang lawak na rin ng ngisi ni Trevor na mukhang narinig rin niya ang usapan nila.





Faked Attachment (Syclups #4) Where stories live. Discover now