5

6.9K 146 44
                                    

CHAPTER 5

"Sigurado ka bang P. A lang yan? E, pinatigil nga ni Nicholas yung shooting kasi nawawala si ate girl."

"Malay natin? Baka secret relationship lang sila. Tapos ginawa niyang p.a yung babae."

Rinig kong bulungan nang dalawang babae na nag uusap sa may labas ng tent kung nasaan ako.

"Ella! Chismis nanaman! Tawag ka ni direct!" Masungit na sigaw nung isang lalaki.

Huminga ako ng malalim at lumapit kay Nicholas dahil tinatawag na niya ako.

"Bakit?"

"Ibili mo nga ako ng—" Tumigil siya at kumunot ang kanyang noo. "Nevermind. Carlo!" Agad naman pumasok yung Carlo.

"Ibili mo ako ng burger. Gutom na ako. Wag na tong si Hazel. Baka kung saan na naman pumunta."

Hala siya.

"Okay." Agad umalis yung Carlo.

"Hindi naman ako aalis, tsaka ano pa ang halaga ng pagiging P.A ko kung wala kang ipapagawa sa akin diba?" Reklamo ko naman.

"Okay, may ipapagawa ako sayo. Umupo ka dun sa may gilid." Napa pamewang nalang ako dahil dun. Mas maganda pa kung dun nalang ako sa bahay. Mag hapon lang ako naka upo dito.

"Boring." Bulong ko naman.

"May dinner pala ako mamaya kasama sila Mr. Ellis. Isasama kita. He's my tito."

"Ipapakilala mo ako?" Masayang tanong ko naman.

"Why would i? Nakakahiya."

Grabe naman itong lalaking ito.

Hanggang sa dumating na ang pag arte na naman nila ni Brianna. May pinagawa sakin yung ibang staff, ayaw naman sakin dahil wala din naman kasi akong ginagawa dito. Inutusan nila ako na mag dala ng tubig sa kemerut, tapos ihanda ang mga susuotin ng ibang mga artista. Ayos na ayos sa akin dahil na enjoy ko naman. Kesa naman umupo mag damag dun sa upuan sa loob ng tent.

"Hazel! Matatapos na sila Nicholas, dalin mo itong tubig dun. For sure gusto na niya ng fresh tubig." Tumango ako at agad ko naman ginawa ang utos niya. Pumunta ako kung saan sila nandun.

"Martin," May name tag kasi e. "padala naman kay Nicholas." Napa tingin sakin si Martin na may inaayos sa ipad niya.

"I'm sorry Hazel, busy pa ako ngayon. May pinagawa sakin si direct at kailangan na mapasa mamayang uwian." Nahiya naman ako dahil dun, shuta nakakahiya talaga.

"Sorry din Martin. Naabala pa kita. Sige una na ako." Masaya niya akong nginitian at tumutok ulit sa ipad niya.

Pumunta naman ako kung nasaan sila ngayon. Tapos na din daw kasi sila. Bakit ba kasi ayaw nila mag dala ng sarili nilang tubig.

"Oh, for Nicholas?" Hinarang naman ako ng isang babae na staff. Tumango naman ako at marahas niya na kinuha ang plastic na may lamang limang 5 water bottles. Lima kasi sila na nandito.

Hindi muna ako umalis at pinanood ko yung babae na ibigay kay Nicholas yung mga tubig.

"Hi Nicholas, kinuha ko ito dun sa may tent natin! Para maka inom muna kayo." Napa taas ang isang kilay ko dahil dun. Aba? Ang kapal kapal ng mukha.

"Thank you." Sagot naman ni Nicholas at tinanggap yung plastic. Kitang kita ko kung paano niya ako nakita naka tayo dito.

Tatalikod na sana ako pero bigla ako tinawag pa nung isang staff naman dito, hindi ko alam ang mga posisyon nila ngayon sa moviena ito.

"Hazel Hernandez?"

"Po?"

"Oh! You're Hazel Hernandez talaga? Paano ka naging P.A ni Nicholas? Ikaw ang anak ni Harry Hernandez, right?How did you end up being a p.a?" Napa kamot ako ng ulo.

Napa tingin ako saglit kay Nicholas na narinig ata yung tanong sakin nung staff.

"Umm. Nag volunteer po ako na maging p.a ni Nicholas. We're close friends po." Kabado ko naman na sagot.

Tumango tango siya.

"I see." Hinawakan niya ang kamay ko. "Business partners kasi yung parents nyo." Pinisil pisil niya yun. Gusto ko na bawiin pero hindi ko magawa. Hindi ako komportable sa paraan niya ng pag hawak ng kamay ko.

Ngumisi siya habang pinipisil ang kamay ko.

"Free kaba mamaya pag tapos ng—"

"No." Singit ni Nicholas at inagaw ang kamay ko mula dun sa isang staff. Isang salita lamang ang sinabi niya pero ramdam ko ang inis sa tono ng pag ka sabi niya.

Hinila niya ako paalis dun sa malaking bahay kung nasaan sila. Napa tingin ako sa kanya. Mag ka salubong na naman ang dalawa niyang kilay.

Nagpunta kami sa tent, kaming dalawa lang ang tao dun.

"Sit." Simpleng sabi na naman niya pero nakakatakot padin. Pero nag taka ako dahil tinuturo niya yung lamesa. Pero hindi na ako nag tanong kaya umupo na lang dun.

Tumalikod siya at kinalkal ang bag niya. May binubulong bulong pa siya galit ang tono ng boses niya habang may hinahanap.

"Gago talaga yun. Isusumbong kona yun sa asawa niya." Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko. Humarap ulit siya sakin na may dalawang wipes.

"Para saan yan?"

Hindi siya sumagot at inagaw ang kamay ko. Nagulat nalang ako dahil pinunasan niya sa kamay ko yung wipes. Hindi ako gumalaw at hinayaan siya sa ginagawa niya.

"Ayokong may hahawak na iba sayo. Lalo na yung lalaking yun." Sabi niya at kinuha pa yung isa kong kamay. "Ako lang. Sabihin mo sa akin kapag hinawakan ka niya ulit. Pupunasan kita." Nag init ang pisngi ko dahil dun sa sinasabi niya.

Habang naglalakad papunta sa kotse niya ay pinapaalalahan pa rin niya ako.

"Wag ka na makipag usap dun, cheater yun at may asawa na. Lumalandi pa rin sa ibang babae. Kapag inutusan ka niya wag mo pansinin." Sabi niya at padabog na binuksan ang sasakyan niya

Dun na ako umupo sa passenger seat.

"Maliwanag ba lahat ng mga pinagsasabi ko?" Tanong niya na parang hindi ako nakikinig sakaniya.

"Oo nga! Susundin ko lahat." Hala, baka mag babago na sya para sakin. Hindi ko din naman kasi makwento sakaniya yung nakaraan naming dalawa, sabi ng ate niya huwag daw sabihan si Nicholas tungkol sa mga nakaraan dahil pipilitin daw niya maalala at sasakit daw ulo ni Nicholas. Kaya mas pinili ko na lang maging tahimik

Hindi na siya sumagot, nagpipigil lang ako ng kilig dito. Kasi baka sabihin niya na parang tanga ako kasi ngiti ako ng ngiti kaya pinipigilan ko nalang

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now