24

6.3K 123 24
                                    

Natapos ang gabing yun na marami akong iniisip, nag kita ulit kami ni Nicholas, sana ayun na ang huli naming pag kikita, dahil babalik uliit ako sa batangas.

Tanghaling tapat na at maraming na ang mga customers namin habang ako ay kumakain lang dito, bibisita dito si Adam mamayang hapon, kaya sasaya nanaman ang shop nito.

"Yeah, i like the red one." Rinig ko ang pamilyar na boses.

"Kaylangan mo pa ba ako isama dito?" Bumilis nanaman ang tibok ng aking puso at napainom ng tubig saglit.

"Ma'am, pwedi po ba na kayo po muna ang mag akiskaso sa bagong costumer natin? Marami rami na po kasi ang dumadating."

"S-sure sure." Agad akong pumunta sa counter.

"Hey, how can i help you?" Tanong ko naman.

"We are looking for a beautiful red dress." Ngiti ko silang sinalubong.

"Oh, nandito po sila—" Pinutol ni Brianna ang sasabihin ko katulad ng lagi nyang ginagawa.

"Oh, is she your p.a before right?" Para bang gusto ko ipalamon sakanya ang lahat ng makita kong tinapay para manahimik na sya.

Napatingin ako kay Nicholas na nakatingin sakin kaya agad akong nag iwas ng tingin. Hindi ko sya sinagot.

"Let me show you our best dress." Nauna ako sakanilang mag lakad.  Kahit kinakabahan ay pinasyal ko padin si Brianna sa magagandang damit, habang naiwan si Nicholas sa may sofa.

"Wow, napaka ganda nito? One of your designs?" Tanong nya at ngumiti ako.

"Yes, one of my best." Napangiti din sya at hinawakan ang damit..

"Really? Bibilhin ko ito." Matamis nyang sabi kaya napangiti na ako ng tunay, napatingin uli ako kay Nicholas na pinapanood kaming dalawa dito agad ako nag iwas ng tingin at inalis sya sa isip ko.

"Kayo na ba ni Nicholas?" Tumawa sya sa tanong ko.

"No we're not, mag kaybigan lang kami, sinamahan nya lang ako na bumili ng magandang dress para sa celebration dahil vice president na sya." Proud nyang sabi.

"Ohh, i see." Ang tanging sagot ko.

"Yea, nag bago na ako, sa loob ng limang taon ay kapag naalala ko ang mga desperado kong moves sakanya ay gusto ko suntukin ang mukha ko, tsaka yung mga pag iisip ko na ako ang nakakataas sa lahat, lahat ng mga toxic na ginawa ko noon ay pinag sisihan ko na ngayon. Marami akong napulot na aral." Nanlaki ang mga mata ko dahil dun, ibang tao ang kausap ko, hindi na ang nakakainis na Brianna na alam ko noon.

Nasa counter na ulit kami at inayos ang damit na binili nya at binigyan pa sya ng freebies. 

"Thank you so much Brianna." Matamis nya akong nginitian.

"See you next time Hazel." Ngiting sabi nya at niyaya na si Nicholas na nakaupo sa sofa.

Bumaksak ang balikat ko nung umupo ako, siguro ako lang ang naiilang saming dalawa ni Nicholas, maybe parehas na kaming naka move on, parehas kaming masaya sa sarili naming buhay.

Maganda yun at mabuti, well, nakalimutan na namin ang pinag samahan naming dalawa at itrato ng isa't isa na parang hangin lang.

May binigay sakin na invitation si Brianna para sa sariling celebration nilang dalawa, matagal pa naman. 9pm, pero ano ba ang gagawin ko dun? Wala akong kakilala dun kaya hindi na ako pupunta, makakalimutan na din naman nya siguro na inimbitahan nya ako.

Mapait akong ngumiti habang nag aayos ng mga freebies namin, habang naaalala ang tagpo kanina, na kukonsensya ako dahil pinag isipan ko ng masama si Brianna nag bago na pala sya.

Nakauwi ako ng masaya sa bahay dahil nakita ko nanaman na masaya ang anak,  ko totoo nga, nakakawala ng pagod ang yakap ng isang anak...

Mag katabi kami ngayon sa sala at nag babasa sya ng kaniyang learning books.

"Look, a family tree, gusto ko gumawa nito." Ang sabi nya sakin kaya napatingin ako dun. Napakagat ako ng labi, hindi ito ang unang beses.

"Dito sila Lola and Lolo, and You and—" Ginulat kami ni Gio nung bigla niyang tinuro ang katabing daliri ni Adam.

"Ako dyan!"

"Gio!" Gulat kong sigaw sa pangalan nya. At nag simula syang humalakhak, naka uwi na pala ang siraulong ito e, hindi manlang nag sasabi na umuwi na sya.

"Where's my pasalubong?" Tanong agad ni Adam kay Gio kaya napatawa na ako.

"Grabe, hindi mo manlang ba miss si Tito Ninong mo? Pasalubong agad, ginagamit mo lang ako." Para bang nag tatampong saad nito sa bata kaya mas lalo pa akong napangiti.

"Mga siraulo! Tara kumain muna tayo." Aya ko sakanilang dalawa.

Natapos na kaming kumain at napag desisyonan namin ni Gio na mag usap. "Remember nung umalis ako dito few months bago ka manganak?" Napatango ako.

"Grabe, naakisdente ako nun habang nasa karera." Alam ko yun, binalita pa nga kaya nag panik ako.

"Oh?"

"I have a girlfriend now..." Nag ningning ang mga mata ko dahil dun.

"I'm sorry Hazel." Kumunot ang noo ko.

"Why? Bakit ka nag sosorry?"

Kasi daw ay ang sama daw nyang tao dahil hindi daw nya sakin sinabi na may nililigawan na syang iba at may shota na at ayos lang naman sakin ang lahat ng yun, salamat dahil naging father figure sya ni Adam.

Marami ko nang beses syang nasaktan, nung bumalik sya after aksidente, tapos nung nag bubuntis palang ako marami kong beses na sinabi kay Gio na mahal ko pa si Nicholas, at alam kong nasasaktan sya sa mga pinag sasabi ko noon.

He deserves better.

Binalita pa nya sakin na, handa daw syang mag panggap na tunay na ama ni Adam dahil nabalitaan nya na nandito si Nicholas.  Nasa iisang lugar nalang kami.

Hindi sya nag bago, i mean hindi nag bago ang ugali nya, napaka pogi na nya kaya ngayon.

Basta hindi naman malalaman ni Nicholas si Adam kung mag iingat kami ng mabuti para hindi nya makita si Adam, at oo payag ako sa ama ni Adam si Gio kung sakaling mag kita sila ni Nicholas.

Ayokong malaman nya na nag ka anak kami, pero parang wala naman siguro syang pake kung malaman nya.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now