29

5.7K 122 10
                                    

Meron akong isang kikitain na isang artista, nakipag usap siya sakin dahil gustong gusto daw niya ang mga design ko, kung maari ba daw ay siya ang mag design ng wedding dress niya. Agad akong pumayag at nandito ako ngayon sa bahay niya para sukatan siya para sa damit.

Namangha nalang ako sa kagandahan ng bahay niya, kulay puti ang mga pader, napaka linis nakakahiya tumapak.

Nag kwentuhan kami habang sinusukatan siya, at pinag meryenda pa niya ako.

"Wait Hazel, CR lang ako." Masaya akong tumango at humigop ng juice.

Naagaw naman ang aking pansin ng maraming nakalista na pangalan sa isang notebook. May invitation din, baka ito ang sample ng invitation nila sa kasal, napaka bongga naman nito.

Tinignan ko ang mga tao na bibigyan nila ng invitation. Hindi ko binasa tinignan ko lang, pero naagaw ang aking pansin sa isang pangalan.

Nicholas.

Binalik ko nalang sa dating ayos ang notebook, hindi ko na pinansin, naisip ko na naman ang lalaking yun. Kahapon personal siyang nag bigay sakin ng bulaklak, at sinabi pa na tawagan nalang daw niya ako kapag gusto ko na siyang kitain at makapag usap ng matagal.

Dahil kapag nag tatangka siya na mag paliwanag sakin ay hindi ko siya binibigyan ng pagkakataon na makapag salita, mabuti at naiintindihan niya naman ako.

Patuloy kong tinatapon ang kaniyang binibigay na mga bulaklak, hindi ko alam kung alam niya ang mga pinag gagawa ko, panigurado ay hindi nanaman mag papakita yun ng dalawang araw.

Hindi ko na alam ang gagawin ko sakaniya, sana tigilan na niya ako sa lahat ng kabaliwan niya. Deserve naman niya siguro na malaman ang tungkol kay Adam diba, sa oras na tanggapin na niya na wala na talaga kami, ipapakilala ko sakaniya si Adam.

O wag nalang talaga.

Ewan koba, ang dami dami ko na iniisip dumagdag pa siya.

Umuwi naman akong masaya, ang mag Lola ay pumunta sa labas, ipapasyal niya daw si Adam dahil hindi daw sila masyado nakakapag bonding ni Adam nitong mga nakaraang linggo.

Kasama ko si Anna, nandito lang kami sa sala at nag luto siya ng nachos at meron pang popcorn. Balak pang manood ng movie, oo balak naming manood dalawa ng movie. Wala na naman kaming gagawing dalawa e, tsaka hindi naman rush yung gown. Matagal pa naman kaya may napaka raming oras pa.

"Balita?" Tanong ni Anna sakin na napkapag pakunot ng aking ulo.

"Anong pinag sasabi mo dyan?"
Tumawa lang siya sakin.

"Parang hindi mo alam ang tinutukoy ko ah?" Ang sabi ni Anna at tumawa pa, bumaksak naman ang balikat ko dahil dun.

"Chismosa kahit kelan!" Anas ko sakaniya.

"Sus! Hinahabol ka na niya ngayon oh, balita ko nga ay matagal ka na nyang hinahanap sis ko." Napailing nalang ako, wala na akong balak bumalik sakaniya ano.

"Wala na akong balak bumalik sakaniya." Ang sabi ko kay Anna at isang mapang larong ngiti ang binigay niya sakin.

"Sus, iniisip mo lang yan e, pero deep inside gusto mo talaga bigyan ng chance relasyon nyo." Natigil ako sa sinabi niya sakin.

"A-anong pinag sasabi mo?" Ang tanong ko sakaniya.

"I mean, you know! Masyado ka lang nag iisip ng mga bagay na negative, para matabunan yung mga bagay na positive." Nag pakawala ako ng buntong hininga.

"Baliw kana talaga Anna, kukunin ko nalang yung maiinom natin!" Anas ko sakaniya at agad na tumayo at umalis.

Habang nag lalagay ng maiinom sa baso ay bumalik na naman sa utak ko si Nicholas, aaminin ko, gusto ko din siya makitang mabait sakin habang nasa iisang bahay kaming dalawa at may anak pa kaming dalawa oh, pero pakiramdam ko, mali e, mali talaga.

Maling bumalik sakaniya kasi natatakot na akong masaktan dahil sakaniya, pero ito ako ngayon. Siya naman ang sinasaktan. Pero nasasaktan ba talaga siya o mga arte niya lang yun?

Stop Hazel, masyado ka nang praning sa mga bagay bagay.

KINABUKASAN, katulad ng inaasahan ko, may bulaklak nanaman.  Binasa ko ang nakasulat.

Good morning, let's have a lunch together? Hihintayin kita sa may Elivo Restaurant.

Bumaksak ang aking balikat at inalis ang letter, binigay ko nalang sa may tao dito at sinabi na masipag siya kaya deserve niya ang bulaklak na yan.

Ano bang inaakala niya? Pupunta ako? Siraulo ba siya, nasasaktan lang siya sa mga pinag gagawa nya ngayon e, ilang beses ba dapat ipaalala na tama na. Huminga ako ng malalim at tinapon nalang sa basurahan ang sulat.

"Hazel, paabot naman ng basura dyan, itatapon na daw ni Adi." Nanlaji ang mata ko at agad na pinulot ang tinapon kong papel, binigay ko naman agad at mabilis akong pumasok sa office ko at inilagay sa isang plastic ang sulat niya.

Nandito sa plastic na ito lahat ng mga sulat na binigay niya sakin. Hindi ko tinatapon, don't blame me! Ang ganda  kasi ng sulat niya and i can't stop na titigan.

Huminga ako ng malalim at tinitigan ang isang papel na nabunot ko, ito ang pinaka mahaba niyang sinulat sakin...

Hazel, i love you so much! Simula pagkabata ay gusto na talaga kita. Hangang ngayon mahal na mahal kita hindi ako mag sasawang mahalin ka kahit ilang beses mo pa akong itaboy, i napaka cringe ng ginagawa ko ngayon dahil medyo old fashioned. Pero anong magagawa ko? Hindi mo binubuksan mga message ko at nagugustuhan ko din ang ginagawa ko lalo na ikaw ang sinusulatan ko :) mahal na mahal kita gusto na ulit kita makita, hindi ko na talaga ulit sasayangin ang pag kakataon na ito.

Hindi na ako nakatiis, pumunta ako sa restaurant na gusto niya kaming mag kita, nandito lang ako sa may isang gilid ay pinanood siya, sana hindi niya ako makita.

"Sir? Oorder na po ba kayo? It's been 30 minutes na po."

"O-okay oorder na ako, sorry, wala pa kasi yung kasama ko e, I'll wait her then she can order."

"Ayos lang sir." Ang sabi ng waiter.

Kitang kita ko ang pag ka dismaya ni Nicholas, umalis nalang ako at biglang natakot. Hindi ko nalang muna siya sisiputin. Sorry.

Kinagabihan, napag desisyonan ko na puntahan siya sa bahay niya dahil hindi na talaga kaya ng konsensya ko, gusto ko siya kamustahin.

Kumatok ako sa pinto, pag bukas ay madilim na ang bumungad sakin at ang matangkad na lalaking ito. Naka T-shirt siya at inaantok ang mga mata.

Binigyan niya ako ng ngiti at niyakap ako.

"Hazel..."

Lasing na naman siya.

"Dapat pala sinabi ko nalang na sa bahay tayo mag lunch para puntahan mo ako e." Ang sabi ko naman at tinigil ang pag kakayakap naming dalawa.

"Gusto ko lang makita kung okay ka pero---"

"I'm completely fine! You're finally here."

Huminga ako ng malalim.

"And alam mo ba, nawala lahat ng lungkot ko nung may batang pinakyuhan ako habang nag lalakad ako pauwi?" Tawang kwento niya sakin. Kinuha ang cellphone at pinakita sakin. "Look! He so silly right? Ang bata pa alam na mga ganyan e, diba anak siya ni Anna?"

Nawalan ako ng isasagot sakaniya, tinitigan ko nalang siya at iniba ng topic.

"M-mag pahinga kana, bakit ka pa ba kasi uminom?" Inis kong tanong sakaniya.

"Nasaktan kasi ako." Mahina niyang sabi at nakipay titigan nalang ako sakaniya, mula sa dilim ay kitang kita ko ang naluluha niyang mga mata...

"I'm sorry."

"No, it's my fault. Kung hindi ako umasa na dadating ka hindi sana ako---"

"Tumigil kana kasi..."

"Y-you know i can't."

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now