30

6.1K 125 4
                                    

NICHOLAS' POV

No jokes, napapagod na talaga ako.

Sabi nila, kapag mahal mo talaga ang tao, hindi ka mapapagod sakanila, ibang tao yun. Hindi naman pareparehas lahat ng tao diba.

Merong mahal na mahal ang isang tao at hindi napapagod sa pag mamahal sakanila kahit alam nila sa sarili nila na wala pading pag asa.

Meron din namang mga tao na mahal na mahal ang isang tao at napapagod na dahil kahit anong gawin niya ay wala padin silbi ang efforts na ginagawa niya para sa mga tao na yun.

Tsaka sino ba namang hindi mapapagod kung paulit ulit nalang pinapakita sayo na walang kwenta para sakanila yung efforts na ginagawa mo para sakanila.

Oo, puro ako bulaklak, pero hindi lang naman puro bulaklak ang binibigay ko, minsan nag kikita kami sa office ng papa niya then ililibre ko siya ng drinks. At kung ano ano pa para mapatunayan ko ang sarili ko para sakaniya.

But in the end of the day i feel useless.

Kasalanan ko naman ang lahat at alam na alam ko yun, ngayon nandito ako sa bahay namin para sa family dinner. After 5 years, naiinis padin ako kay Ate, hindi ko alam pero naiis padin ako sakaniya. Binilog niya ang ulo ko. Pinaniwala niya ako na kasikatan lang ang habol sakin ni Hazel.

Nag uusap sila Tito about sa business nila, habang ako ay hindi nakikisali sakanila. May mga importanteng bagay pa ako na dapat gawin. Nang matapos kumain ay pumunta ako sa rooftop para mag pahangin muna saglit bago umalis ng bahay.

Habang paakyat ay narinig ko na ang boses ni ate at ang pinsan ko.

"Yeah! Uto uto silang parehas, napaniwala ko si Hazel na hindi siya naalala si Nicholas, then nauto ko naman si Nicholas na walang pake sakaniya si Hazel. Kahit si Hazel talaga yung araw araw bumibisita sakaniya sa hospital before!" Agarang nag dilim ang paningin ko dahil sa narinig ko.

"Really?"

"Yes! Mahalaga ang friendship nila noon, and alam kong may namumuno na feelings dun sakanila so i ruined it!" Tumawa pa ito. "Napaka tanga nila."

Nakuyom ang aking kamay dahil dun.

"Ayun, akala ni Nicholas walang pakielam si Hazel sa past nilang dalawa, at akala namang ni Hazel na sasakit ang ulo ni Nicholas kapag pinag usapan. See? She is so freaking stupid! Saan ba siya pinag lihi?" Nag tawanan ang dalawa sa kwento ng brusa.

Agad naman akong sumulpot doon, may inggit talaga yang si Ate kay Hazel, siya kasi lagi ang pinapansin nila mama kapag si Hazel ay nasa bahay namin. Isa lang naman siyang rebelde at aakalain niya na magiging proud sila mama sa mga pinag gagawa niya before? Ayan nadala tuloy sa ibang bansa.

"Totoo?" Singit ko sakanilang dalawa, hindi nag pakita ng takot si Ate.

"Ano sa tingin mo?" Isang sampal ang tumama sa kaniyang pisngi.

"Nicholas!" Sigaw ng pinsan ko at agad na nilapitan si Ate.

"Nirespeto kita bilang kadugo ko, nirespeto kita bilang kapatid ko, nirespeto kita bilang Ate ko! Simula pag kabata! Tapos ito ang igaganti mo sakin? Bakit punong puno ng inggit yang katawan mo!? Hindi ka ba masaya kung anong meron ka?!" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Oo! Hindi ako masaya kung anong meron ako! Gusto ko nasa ibaba silang lahat ako ay nasa taas! Lalo kana!"

"Tama na guys!" Awat samin ng pinsan namin pero hindi kami nag patigil.

Nasa kaniya na ang lahat, mayaman siya, mabibili niya lahat ng gusto nya pero bakit kaylangan pa nya mangielam ng buhay ng may buhay?

"Kasalanan ko ba na ang tanga tanga mo at madali kang naniwala sakin na wala talagang pake sayo si Hazel? Kaya nga ayaw nya mag tanong sayo kung naalala mo sya dati kasi ayaw nya masaktan yang ulo mo!" Tumawa siya sakin at nag cross arms pa. "Well, it doesn't change the fact na naging masama kang asawa kaya ayaw na sayo ni Hazel! You are a fucking jerk!"

Hindi na ako nakasagot sa mga sinabi niya, tinalikuran ko siya na agad kong kinuha ang susi ko para puntahan agad si Hazel sa shop nya.

Pero pag punta ko dun ay sarado na, agad kong tinawagan si Anna para tanungin kung nasaan si Hazel.

Umalis daw si Hazel at pumunta saglit sa Antipolo, baka raw bukas pa ang kaniyang balik. Hiningi ko nalang ang number ni Hazel pero hindi niya binigay. Tinawagan ko nalang sa messenger si Hazel pero walang sagot.

Bakit pa ba ako umaasa na sagutin niya ang tawag ko.

Pumunta ako sa convenience store para bumili ulit ng isang beer, iinom ko nalang muna ang lahat ng ito. Habang nakaupo sa labas ng tindahan ay nakita ko nanaman ang batang pinakyuhan ako, gabi na nandito padin yan.

Pag tapos nila bumili ni Anna ay tinuro ako nung bata.

"Look! We have the same hair." Napatingin si Anna sakin at hinila siya ng bata papunta sakin.

"Adam, uuwi na tayo." Pigil ni Anna pero nandito na sila.

"Hey!" Tawag sakin nung bata.

Tinanguan ko lang siya. "Hey, gabi na."

Umupo siya sa tabi ko at binaba ang beer sa lapag, umupo naman din si Anna sa tabi ni Adam at pinag gigitnaan namin siya ngayon.

"I want to be your friend." Natawa ako ng konti.

"Why?"

"Gusto ko lang." Nginitian ko naman siya.

"I am your friend now, go home and sleep." Ngiting paalala ko sakaniya.

"Oonga, mapupuyat ka na naman."

"I just want a ice cream. I'll wait for mommy." Napatingin ako kay Anna nanlaki ang kaniyang mga mata sa sinabi ng bata.

"But, Anna is your mom right?" Klaro kong tanong bata at tumawa ito.

"She's a Liar." Nagkatinginan lang kaming dalawa ni Anna.

"Huy! Ano pinag sasabi mo dyan, ikaw ah! Kung ano ano tinuturo ng new friends mo sayo." Tumawang muli ang bata sa sagot ni Anna.

"No! Tinuro sakin ni Tito Gio ito, he said when someone telling lies and i know the truth---" Pinutol ni Anna ang sasabihin ni Adam na iniintay kong matapos.

"Here, it your ice cream already na, baka matunaw. Pag tapos nyan sakay na tayo sa car ah?" Tumango ang bata at kinuna ang bagong bukas na ice cream.

Of course, tito nya si Gio, mag pinsan sila ni Anna e. Pero ano ba ang sinasabi ng Adam na ito at sinungaling daw si Anna?

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now