31

6.2K 110 12
                                    

HAZEL'S POV

Tumawag siya ng tumawag kaya napagod ako ng napagod, napag desisyonan ko na kitain nalang siya. Sa rooftop ng building nila. Laking gulat ng mga staff dahil nandito ako sa unang pag kakataon. Masaya ko nalang silang binati, hindi na ako nag sayang pa ng oras at pumunta na agad sa elevator.

Kinakabahan ako, may isa pang hagdanan na kaylangan akyatin. Kabado ako habang hawak hawak ang buksanan ng pinto. Gusto ko mag back out, pero kaylangan ko siyang kitain, ayoko na muna siyang paasahin.

Binuksan ko ang pinto at agad siyang napalingon dito, lumapit siya sakin at nakita ko ang umaasang mga mata niya. Niyakap niya ako nung nakalapit siya ng tuluyan sakin.

Hindi ko siya inalis sa pag kakayakap niya sakin. "Hazel, I'm sorry. I'm really sorry. Nabulag ako sa galit, sa sama ng loob kaya nagawa ko sayo lahat ng yun." Naguluhan ako nung una pero agad ko siyang na gets.

Siya ang nag alis sa pag kakayakap niya sakin. "I thought you really left me that day. Tapos sinabi ni Ate na wala kang pake sakin, gusto mo lang ulit ako. K-kasi sikat na ako. So nabulag ako sa galit."

"S-sabi ng Ate mo, wag ko iup yung past kasi sasakit yung ulo mo." Agad siyang umiling.

"N-no, nag hihintay lang ako na simulan mo para pumasok sa isip ko na may pake ka talaga sa past natin."

I know him, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag pero may trauma  siya. Kapag iniwan ganun, tapos alam na niyang hindi babalik.

"I love you, simula palang nung una. Nabulag lang talaga ako sa galit ko. But, kahit hindi ko man nalaman ito, Hahabulin padin kita ng hahabulin hangang sa tumigil kang taknuhan ako." Hindi ko alam ang mararamdaman ko.

Nag sasabi siya ng totoo?

"M-may nararamdaman ka pa ba sakin? K-kahit konti lang? Bumalik tayo sa umpisa, Hazel. I will do anything." Hinawakan niya ang kamay ko.

Kaylangan ko na ba siyang bigyan ng totoong chance, o ibaon nalang alaala namin.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko kapag nawala ka ulit sakin. Please." Pag mamakaawa niya sakin at pinipigilan niya ang kaniyang luha.

Kaya naiiyak na din ako, umiiyak na naman siya sa harap ko, lumalambot na naman ang puso ko.

At tumulo na nga. Agad ko namang pinunasan.

"I-i have to g-go." Anas ko naman na nakapag palito sakaniya.

"P-pero—"

"May damit pa kasi akong inaayos, a-ano, b-busy ako." Nakita ko ang pag ka dismaya niya sa mukha niya.

"N-no, ito na yung pag kakataon para malinaw ko sayo ang lahat. Y-yes, hindi padin nawawala ang sama ng loob mo sakin, pinaramdam ko sayo ang imperno, sinaktan kita. Matagal ko na pinag sisisihan yun. Hangang ngayon nag sisi padin ako. Kung pwede lang mabalik ang lahat." Tumulo na ang kaniyang luha at nag simula ang pag ambon.

"U-uulan na." Anas ko.

Paano kung bigyan ko siya ng pagkakataon, hindi ko pa alam kung paano ko siya ipapakilala kay Adam. Ayokong biglain si Adam.

"Listen to me." Pinunasan ko ang luha ko at nag simulang lumakas ang ulan. Nakikisama pa ang ulan sa nangyayari ngayon.

"Nakikinig ako."

"I love you." Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mukha ko.

"H-hindi ko naman ineexpect ang lahat ng ito. N-nabigla ako sa sasabihin mo." Halata sakaniya na nakikinig siya.

"Nicholas..."

"Wala na ba talaga?" Rinig na rinig ko ang pag kadismaya at lungkot sa boses niya.

Anong isasagot ko.

Hindi halata ang kaniyang pag iyak, dahil sa ulan pero alam ko na tumutulo ang luha niya ngayon.

"S-sorry."

"Hangang dito nalang ba talaga?"

Nag paalam ako sakaniya, pumayag nalang siya. Basa na kaming dalawa ng ulan. Wala na akong pakielam kung makita ako ng mga staff at ibang tao na makitang basang basa.

Agad akong dumiretsyo sa kotse ko at dun na ako umiyak, hindi ko talag alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko siyang bigyan ng totoong pag kakataon. Pero kinakabahan ako, at nasasaktan ako. Iniwan ko na naman siya. Iniwan ko siya dun.

Dumiretsyo ako sa condo ko dito na hindi naman masyadong nagagamit, may mga damit pa ako dun. Lilinis ko muna ang sarili ko bago ako umuwi. Uuwi na parang walang sinaktan na tao.

I wonder, nag sisi din ba si Nicholas at nakukunsensya kapag ginagawa niya sakin ang mga ganitong bagay noon?

Ewan ko, ewan ko hindi ko na alam.

Nang makauwi ako sa bahay ay tulog na si Adam. Gabi na rin kazi.

Nandito padin pala si Anna kaya pinuntahan ko siya sa balcony, umuulan na naman.

"Kamusta yung dress?" Tanong nito sakin at matagal akong naka sagot.

"Kaylangan ko ba talaga balikan si Nicholas?" Tanong ko sakaniya na nakapag pagulat sa kaluluwa niya.

"What? Whort? What?" Sunod sunod niyang anas sakin.

"Pinaliwanag na niya sakin ang lahat. Nag dadalawang isip ako, baka mabigla si Adam na tatay niya yung lalaking pinapakyuhan niya." Problemado kong pag amin.

"It's still your choice naman ano, pero mahal mo pa ba siya? Or hindi mo siya tumigilnang mahalin tas nalunod ka lang sa galit mo?" Tanong  nito at parang nasagot lahat ng nasa utak ko.

Oo, mahal ko siya, mahal na mahal ko pa siya.

"Like, syempre sabihin mo na muna kay Adam, para hindi mabigla si Adam sa nalaman niya diba?"

Babalikan ko ba

Tanong ko sa isip ko, oo mahal na mahal ko siya, kapag nakipag balikan ulit ko sakaniya kaylangan ko ihanda ang pwedeng mangyari sakin. Baka saktan na naman niya ang nararamdaman ko. Pero napaliwanag niya na ang lahat e, at mukhang totoo nga.

Sa dalawang araw na pag dedesisyon ay napag isipan ko na kausapin siya ulit, hindi na niya ako kinausap pag tapos nun.

Tinawagan ko muna siya.

Naka ilan  pang ring bago sumagot sa tawag, kabadong kabado talaga ako.

"Hello? Nicholas?"

"Sino ito?" Boses ng babae, pero sigurado naman ako na si Nicholas talaga ang tinawagan ko.

"Hello? Sino ito?"







A/N

hello! remainder lang na wag natin kwenstiyonin ang troma ng isang tao, kung para sainyo mababaw lang ito, at malalim para sakanila.
malapit na po tayo matapos!

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now