11

6K 126 23
                                    

Dalawang araw ang nakalipas. May biglaang lakad si Nicholas kaylangan kasama ako dun, ang aga aga at pinasok niya ako sa kwarto kaya nakatulog ako sa kotse habang nag dridrive siya, ngayon ay nag iingat na sya dahil baka may mga makakita nanaman samin at bigyan ng ibang meaning.

Lutang padin ako habang hinahanap ang pabango nya sa bag nya dahil antok na antok pa talaga ako, lumapit ako dun at binigay sakanila ang pabango ni Nicholas, umupo ako at ang punas ng aking pawis.

Natapos ang pag mamake up nila kay Nicholas at tinawag naman niya ako sa ngayon ay kaming dalawa lang ang mag kasama sa kwarto na ito.

"Ano?" Pagod kong tanong dahil kanina pa ako kilos ng kilos dito para sa kaylangan ni Nicholas.

"Tired?" Sasagot sana ako pero may biglang pumasok sa loob.

"Nicholas!" Masayang tawag nito sa pangalan niya. Hinawi niya ako sa harap ng naka upo na si Nicholas kaya muntik na akong matumba.

Grabe naman itong babae na ito!

"What?"

"Well, sa ano, sa next week, pwede ka ba sa shooting ng isang brand to be my partner?" Nag katinginan kaming dalawa ni Nicholas at at baka sumakto pa yun sa sinabi ko sakaniya kahapon.

Umiwas siya sakin ng tingin at binalik ang tingin sa babae. Isa rin itong artista. Ngumiti siya dun.

"Hmmm, anong theme? Alam ba na ako ako partner mo? Bakit ikaw ang nag dedesisyon?" Sunod sunod na tanong ni Nicholas at naupo ako sa gilid. Pasimple akong napairap dahil pala desisyon ang babaeng ito.

"Yes, they all know na! If papayag ka." Kumunot ang noo niya dahil dun, oo masyadong mabilis ang pang yayari.

"Hmmm, okay." Agad niyang niyakap si Nicholas at ako naman ay nakaramdam ng selos, pero pakiramdam ko din ay parang wala akong karapatan mag selos.

Umalis yung babae na may tagumpay na ngiti sa mga labi niya, kahit simpleng panahon at oras ay mag kaagaw ako sakaniya. .

Ilang minuto ang lumipas at tinawag nanaman niya ako.

"Hazel." Tawag niya pero hindi ko siya nilingon at nag kunwari na walang narinig. "Hey." Napairap ako at lumapit sakaniya.

"Hindi ako makakapunta sa runaway." Nakipag titigan lang ako sakaniya.

"Mahalaga ba yung pupuntahan mo?" Hindi ko mapigilang tanong.

"Hell yeah, It's my job." Napa buntong hininga nalang ako ako at handa na umalis pero nag salita na naman siya.

"Ikaw na lang mag isa."

"Malamang, ano bang ineexpect ko?" Para bang inis kong sabi. Mas lalo kumunot ang noo ko nang ngumisi siya.

"Nag seselos ka." Nag iwas nalang ako ng tingin.

"No." Simpleng sagot ko.

"I bet na sasamahan ka ni Gio sa runaway mo, balak mo pa akong gawin third wheel." Binigyan ko siya ng hindi mapaliwanag na tingin.

"Mang huhula ka ba? O bakit ako? Isasama mo ako sa photo shoot mo? Gagawin mo pa akong third wheel ng partner mo dyan." Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na sabihin lahat ng nasa utak ko.

Bakit pa nya dinadamay si Gio, we are friends.

"Nag seselos nga." Tumayo siya at hinawakan ang dalawang pisngi ko at pinisil pisil yun.

Para bang may nag hahabulan na keme sa puso ko nung hinawakan niya ang aking pisngi, nako, nararamdaman niya ata ang pag ka init ng aking pisngi.

Nang narinig ko ang dahan dahan na pag bukas ng pinto. Kasabay nun ang parang kasing bilis kidlat na pag kawala ng kamay ni Nicholas sakin at humarap sa salamin na parang tinitignan tignan ang gamit dun.

"Mr. Nicholas, ready na po ang set pwede na po kayo pumunta dun. Limang commercial nalang po at mag sisimula na ang show." Agad na tumango si Nicholas na parang balisa.

"Kanina ka pa dyan?

"Po? Hindi po, kakadating ko lang." Tumango si Nicholas.

"G-good, sige susunod ako." Hindi ako binalingan ng tingin ni Nicholas at agad na umalis habang tinataas niya ang manggas ng kaniyang damit sa siko niya.

Syempre, kaylangan ko din sumunod dun.

At ano naman kaya ang pumasok sa utak nun at pinisil ang pisngi ko? Naalala ko tuloy nung kabataan namin ay lagi niya sakin ginagawa yun.

Pero sigurado ako ngayon na hindi na niya naalala dahil nag ka amisya sya noon, nakaka lungkot lang at ako lang ang hindi niya maalala.

Pero mapag laro ang tadhana at kami na ang mag asawa ngayon. Sumunod ako at pinanood siya naka live sila sa TV at dalawang babae at isang lalaki na host ang kasama niya.

"Well, karamihan sa fans nyo ang ship na ship kayo. Then may biglaang leak na photos nyo with your.... hmm." Sumama tuloy ang loob ko.

"No, walang meaning ang picture na yun, nakapag salita na din ako sa live video ko na wala lang yun at wag nila bigyan ng meaning." Sagot ni Nicholas at napatingin ako kay Brianna na ngiting ngiti.

Napaka saya nya ah!

"So may pag asa na ba ang Bri and Nicholas ship." Bumaksak ang balikat ko habang yakap yakap ang papel. May namuong bigat sa dibdib ko nung itanong nung babaeng host sakanila.

Ngiting ngiti nanaman si Brianna, habang ako ay hinagampas ng langit at lupa.

"I think so." Ang sagot ni Brianna at napatingin ako kay Nicholas na nakatingin sakaniya, bakit parang wala akong nakikitang galit sa tingin niya kay Brianna? Bakir parang-

Natapos na ang show, gabi na at pauwi na kaming dalawa ni Nicholas pero hindi padin ako nag sasalita. Nakatingin lang ako sa binata at kung ano ano ang pinapaalala nya sakin, pero hindi ako nakikinig.

"Hey? What's wrong with you?" Mas inilagay ko ang pangin ko sa daan.

Hangang sa nakauwi kami ng bahay.

"Hey, anong oras ba yung runaway? Baka mahabol ak-"

Ang sabi niya sakin nung naka pasok kaming dalawa sa bahay.

"No need." Pag putol ko sasabihin niya.

"Why you act like that, kanina ka pa ganyan, tinatanong kita ngayon kung anong oras-"

"Wag na nga, unahin mo trabaho mo, mahalaga yan e." Ang sabi ko at inilapag sa sofa ang dalawang bag.

"Really? Anong mali? Nag seselos ka ba? At may paganyan kana ngayon?" Hinarap ko siya.

"Bakit? Wala ba akong karapatan maka ramdam ng selos? I'm your wife!" Laban ko at hindi ko namalayang na tumulo ang luha niya.

"Sa papel! You are my wife sa papel." Matigas niyang paalala niya sakin at pinunasan ang mga luha ko. "Anong gusto mong gawin ko? Lagi ka naman nandyan kay Gio."

"At may nararamdaman ako sayo! I love you kaya nakakaramdam ako ng selos, watching you with other girls? Tapos sa sarili mong asawa hindi mo manlang ma comfort o yakap katulad sa mga ginagawa mo sa ibang babae."

Iyak kong sabi sakaniya, hindi siya nakapag salita at napa titig lang siya sakin. Lumapit siya sakin at nag salita.

"Tigilan mong mahalin ako."

Ang salitang yun ang mas lalong nag pa durog sa puso ko.

Umalis siya sa harap ko at dirediretsyong nag lakad papunta sa hagdanan at nag salita ako.

"Paano kung mahalin mo din ako? Kay Brianna mo ba ibubuhos lahat?" Natigil siya sa pag sasalita.

"I don't like Brianna." Walang emosyon nyang sabi, pag tapos nya akong pagurin dahil sa pagiging p.a nya ay hindi manlang nya ako pinapangiti.

"Stop crying." Tumuloy sya sa pag lalakad. Abot dito ang tunog ng pag sara nya ng pinto.

Bakit pa ba ako nananatili sakaniya.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now