20

6.7K 133 33
                                    

May interview nanaman si Nicholas at hindi na natapos ang interview na ito. Kasama na naman nya si Brianna, at naiinis na talaga ako sakanya pero chill lang, chill lang. Bawal daw ma stress.

Live sila ngayon sa TV, nandito kami sa backstage ng mga kaybigan ko at pinapanood ang kanilang chika chika.

Actually tatlo lang kaming nanonood dito.

"Wait, yesterday someone send us a picture of Bri and Nico." Mas lalo akong naging interesado.

Inilagay nila ang picture na yun sa screen at bumaksak ang aking balikat dahil sa nakikita ko.

Kissing, malayo ang kuha.

"That's the pic! So, totoo ba kayo yan?" Nakuyom ang aking kamao at hindi ko mapigilan na ilayo ang mata sa TV.

Kitang kita ko ang pag ngiti ni Brianna ang kinikilig pa ang lokaret.

"Yes." Nakatutok lang ang mga mata ko sa TV, nasa live sila bawal gumawa ng kalokohan.

"What?" Ang tanging sinabi ni Nicholas, close na ang show niyaya na ako ng iba kong friends na umalis na dun sa backstage.

Ako nalang mag isa dito, nang lalambot ang buo kong katawan nang lalambot ang tuhod ko, sana wag akong umiyak, masyado akong emosyonal.

Napag desisyonan ko na na umalia dito at pumunta nalang dun sa parking lot, naka upo ako sa may hagdanan sa ibaba habang iniisip ang lahat. Sabi, wag ma stress.

Napakagat ako ng labi at tumulo ang isang patak na luha pero agad ko pinunasan, kasabay naman ng pag tawag ng isang numero inayos ko ang boses ko bago sagutin.

"Hazeeel? Hanap ka ni Nicholas, where you?"

"N-nasa parking l-lot, pakisabi. Hindi ko nadala yung—yung mga bag pasuyo ah?"

"Okiee!" Agad nya binaba ang tawag, pumunta ako malapit sa kotse ni Nicholas para intayin sya dun.

Paisa isa ang patak ng luha ko pero pinupunasan ko ito, ayokong makita nya akong umiiyak.

"Hey, bakit nauna ka?" Ang sabi nya sakin mula sa likod kaya nagulat naman ako.

"W-wala." Hindi ako humarap sakanya.

"Nicholas!" Dahil sa boses na yun ay napatingin ako. Patakbo na palapit dito si Brianna habang may masayang ngiti. Hays, ano pa ba ang kaylangan nya, nakuha nya lahat pati si Nicholas.

"Go away Brianna."

"What? Look, trending agad yung sinabe ko sa show kanina—"

"Go the fuck away Brianna, just leave me alone." Inis na sabi ni Nicholas, nang mawala si Brianna ay pinag buksan nya ako ng pinto ng sasakyan.

"Pagod ka na ba? Let's go home? Or gusto mo pa kumain sa labas—"

"Stop acting, wag kang mag kunwari na parang walang nangyari." Pwede na ako mag salita dito dahil kami lang naman ang tao sa parking lot.

"Hazel—"

"No, no, no. Stop fooling me." Dun na tuluyan tumulo ang luha ko at pag ka durog ng aking boses.

"Listen—"

"Pagod na ako.."

"Let's go home then—"

"No, pagod na akong manatili sayo, parang walang araw na hindi ako masasaktan sa ginagawa mo." Hindi sya nakasagot sakin at nanatiling nakatayo.

"Let's go Hazel. Take a rest."

"No, mag hiwalay nalang tayo, kahit ako lang naman ang nag mamahal sa pag sasama na ito!"

"N-no..."

Ito naman yung pinaka hihintay nyang sabihin ko sa buong pag sasama naming dalawa, tapos na kami.

"Hazel, pakinggan mo muna ako."

"Para saan pa? Bibilugin mo nanaman ang utak ko sa mga paliwanag ko at mag papauto naman ako sayo! Pagod na pagod na ako Nicholas." Umalis ako sa harap nya, nag mamadaling mag lakad pero naririnig ko ang pag habol nya sakin kaya mas binilisan ko pa, pag ka alis ko sa parking lot. Sakto naman may dumating na taxi kaya agad ko pinara.

Kitang kita ko ang pag balik ni Nicholas sa parking lot.

"Saan po tayo Ma'am?"

Sinabi ko kung saan ang address ni Anna, habang mapayapang bumabyahe ay hindi ko mapigilang umiyak.

"Okay lang po kayo?" Agad agad kong pinunasan ang aking luha.

"Opo." Napatingin naman ako sa likod, ang sasakyan ni Nicholas ay hinahabol ako, busina ng busina kaya mas lalo ako nataranta.

"Nako, mukhang may nag mamadali na nanaman na rude na person." Ang sabi nung driver. "Ihihinto ko lang saglit maam—"

"Wag kuya, please, bilisan nyo lang po, hinahabol po ako ng sasakyan na yan, p-pakiligaw po please." Binigyan nya ako ng nag aalalang tingin.

"I gotchu ma'am." Sabi nito.

Gusto nya pa ako dalhin sa presinto pero tumangi ako, dinaan nya ako sa masusukal na daan, hangang sa naligaw na namin si Nicholas, sabi ko nalang ay sa isang hotel nalang ako ibaba. Bibigyan ko sya ng tip para sa kabutihan nyang ginawa sakin.

Mabuti talaga.

Nang nasa elevator ako ay tumunog ang aking cellphone, pinatay ko naman dahil si Nicholas ang tumatawag. Sa pang limang patay ko ay nag text sya sakin.

Nicholas:
Hazel, please answer me let's talk wag mo akong takbuhan.

Hindi ko sinagot, tawag sya ng tawag at ang ginawa ko lang ay patayin. Hangang sa nasa hallway na ako ng room ko pinower off ko nalang ang cellphone ko at pumasok sa room.

Pag ka pasok ko palang ay dun na ako muling umiyak. Nakatulog ako sa kakaiyak. Pag kagising ko ay binuksan ko ang cellphone ko. Katulad ng nasa isip ko ay may missed calls na din sila Anna, pero una kong napansin ang ang missed call ni Mama, kaya ayun ang una kong tinawagan.

"Hello Ma?"

"Hazel anak.. totoo ba? Ayaw mo na sa relasyon nyo ni Nicholas?" Umiyak na naman ako. Napatango tango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"S-sasabihin ko nalang po kapag nag kita na tayo."

"Nasaan ka ba anak? Pupuntahan kita dyan Hazel."

"Wag na ma, uuwi na po ako." Ang sabi ko at pinatay ang tawag. Napatingin ako sa oras at gabi na pala. Pinunasan ko ulit at tinignan ang text nila sakin.

Lahat sila ay hinahanap ako.

Anna Lasingera:
Hoy shunga!
Gaga ka! Saan ka juntis ka pa naman uy!
Hindi ko sinabi sakanila shut up kaming dalawa ni Gio.

Huminga ako ng malalim at umalis sa Hotel. Buo na talaga ang loob ko ngayon, wala nang sabit sabit pa. Aalis na ako sa pamamahay na yun kaming dalawa nalang ng anak nya.

Hindi ko ipapaalam sakanya na may anak sya dahil wala naman talaga syang pake. Siguro nga ay pag katapos ng isang bwan ng pag kawala ko sa puder nya ay masaya na sya dahil wala na syang makulit na asawa na katulad ko.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now