10

6.4K 148 19
                                    

Chapter 10

Pag ka gising ko ay hang over na agad ang bumungad sakin. Napadami ata ang aking inom kagabi, napatingin ako sa salamin ko sa banyo saglit at kinalkal ang gamot ko para sa hangover.

Pag ka hilamos ko at nahanap ang gamot ay agad agad akong bumaba.

Pero natigil ang paa ko nung narinig ko si Nicholas na nag sasalita, nasa gitna ako ng hagdan at para bang lahat ng sakit sa ulo ko ay nawala nung narinig ko ang boses niya.

Kitang kita ko siya mula dito sa hagdanan, nakatalikod at naka T-shirt lang siya. Mukhang may kausap siya sa phone niya kaya sinilip ko. Pero nakatutok sakaniya ang cellphone.

Nag lilive siya.

"Well, ito na nga ang sagot niyo sa mga tanong nyo. Me and my P.A are just friends! Hindi dahil nakita niyo kaming mag kasama sa isang kilalang kainan at nag uusap ay iisipin nyo na agad na "Oh god they're dating." It's fucking bullshit you know?" Napasuklay siya ng buhok gamit ang kaniyang mga daliri.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nasasaktan ba ako o masaya?

"And, guys please leave her alone. Hinding hindi siya ang magiging girl friend ko, even my wife! Never!" Kanina ay nag lalaban ang sakit at saya, pero ngayon ay nanalo na ang lungkot at sakit.

Pwede namang sabihin na, oh yea hindi kami. We're just having fun. Hindi yung gaganyanin pa niya ako!

"I will never lower my standards on girls." Napairap nalang ako. I guess, ayaw niya talaga sakin, ako ay nag papakalunod lang sa mga imaginations ko tungkol sa aming dalawa.

Hindi siya mababash dahil sa mga pinag sasabi niya ngayon. Maiintindihan nila yan dahil galit si Nicholas, iisipin nila na seryoso siya kahit wala naman talagang pake yan kung mabash at dumugin ako ng mga taong sandamakmak ang hate na ibubuhos sakin.

I bet, sinabihan lang siya ng parents nya. Ano pa ba ang aakalain natin. Pero sa kaloobloban ko ay hinihiling na gusto niya talaga akong protektahan sa mga taong yan.

Huminga ako ng malalim at bumaba ng hagdanan. Dirediretsyo ako sa CR at patuloy lang siya sa pag sasalita niya.

"Maiba naman, kayo po ba ni Bri?" Basa niya sa tanong at natigil ako sa pag sasaling ng tubig sa baso.

"No, hindi." Simple niyang sagot, walang explain keme keme kung bakit hindi kayo? Tas sakin halos siraan mona ako dyan sa mga fans mo!

Napalakas ang sara ng ref, agad agad ko ininom ang gamot na hawak hawak ko at bumalik ulit sa kwarto na padabog din. Humiga ulit ako at biglang pumasok sa utak ko ang panaginip ko kagabi.

Someone kissed my forehead, at sinabi pang sweet dreams i love you.

Grabe, sa panaginip lang pala ako makakaramdam ng pag trato ng tama.

Hindi ako nag cellphone buong mag damag, nanood lang ako ng tv dito sa may sala, hindi ko pinapansin si Nicholad kahit alam kong hindi ko din matitiis ito mamaya.

Kakatapos lang din niya mag live at dumiretsyo siya sa kwarto niya. Napahiga nalang ako sa sofa at nag bukas nalang din ng cellphone, agad agad na lumabas sa news feed ko ang live nya na kakatapos lang.

Pumunta ako sa comment section at karamihan ng nababasa ko ay naniniwala kay Nicholas, habang nag babasa ay bigla tumawag si Mama, kung free ba daw ako kasi may runaway na magaganap keme sa susunod na linggo.

Tinignan ko ang schedule ni Nicholas at wala naman masyadong gagawin kaya pumayag na din ako, pupunta din daw dun ang iba't ibang kilalang artista at sabihan ko daw si Nicholas dahil may naging ka collaboration silang malaking kumpanya.

Huminga ako ng malalim at tumayo para pumunta sa kwarto niya. Ayoko na mag sayang ng oras at sasabihin ko na agad agad ang gusto ipasabi ni Mama sakaniya.

Naka tatlo akong katok bago niya ako pag buksan. "What do you want?" Tanong niya sakin. Walang emosyon, parang hindi niya asawa ang nasa harap nya.

Pero, ang marriage naman ay pwedeng maging loveless? Diba? Pero hindi naman maganda kung ganon ang takbo, pero I think may love naman sa marriage namin, ako nga lang yung nag mamahal.

"May pinapasabi lang si Mana sayo."

"Hmmm?"

Ang swerte ko kung tutuusin dahil nakakausap ko ang sikat na lalaking ito, miski sa ibang bansa ay may nakakakilala sakaniya.

"Sasama kaba sa runway next week?" Deretsyon tanong ko.

"Kasama kaba?" Agad akong tumango.

Binigyan nya ako ng walang emesyong tingin at tsaka nag salita.

"Sige, sasama ako." Hinawakan na niya ulit ang door knob ng pinto niya at handa na isara pero nag salita sya ulit. "May sasabihin ka pa?" Tanong niya.

Umiling ako at agad nang umalis sa harap niya, pag tapos nun ay narinig ko ang pag sara ng kaniyang pinto.

Bumalik ulit ako sa sofa para ikwento kay Anna ang nangyari, nakakakilig naman aba. At kontra nanaman siya na para bang araw araw sakin pinapaalala na ako lang ang nag mamahal sa relasyon naming ito na hindi naman nya ginusto.

"Ano ba, support mo naman ako, kaybigan ba talaga kita?" Narinig ko ang pag tawa niya.

"Kapag naman kita inano ano dyan lalo ka ma inlove kay Nicholas! E hindi ka naman niya mahal tas mag aano ano pa ako edi ma lalo ka nasaktan, uto uto ka pa naman."

"Sabagay!"

"Mas maganda na mas mulat ka sa katotohanan, kesa na malunod ka sa kasinungalingan." Ang sinabi nya nayun ay sumampal sa buong kaluluwa ko. Totoo nga.

Natahimik ako saglit at napatingin sa lalaking ito na pababa sa hagdanan.

"Masyado kang mabait kay Nicholas Hazel, you deserve better, you deserve more." Rinig kong sabi niya at ako ay nakatitig lang sa lalaking papunta sa kusina. "Mag kasama kayo sa iisang bubong, sayo sya umuuwi, pero sayo ba sya? Pag mamay ari ka ng isang tao na hindi mo matawag na sayo." Sasagot na sana ako at nag iwas ng tingin kay Nicholas nung agad siyang nag salita ulit.

"Oonga, bakit pa ba aoo nag advice sayo kahit ano sabihin ko mahal mo padin ang lalaking yan, kung hindi mo nga yan kilala at hindi ko kilala yan, at baka isa na din akong fan nya." Natatawang sabi naman niya.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now