18

5.9K 126 32
                                    

Niyaya akong mag inom ni Anna pag kauwi nya, isang araw na ako sa bahay nya miski text galing kay Nicholas ay wala! Tsaka bakit nga ba ako umaasa?  Alam ko na ang kakalabasan nitong lahat kaya pumayag na ako na sumama kay Anna at kasana nanaman namin si Gio. Syempre hindi sya mawawala.

Habang nag iinuman kaming tatlo ay nag kwekwentuhan kami.

"Hazel, tinanggap ko na yung paanyaya para sa ibang bansa." Masaya ko syang nginitian at tinapik tapik ang kaniyang balikat.

"Mabuti yan para sayo." Binigyan ko sya ng thumbs up. Narinig ko ang pag tawa ni Anna.

"Oh, bakit ka ba nag iinom?"  Natatawang tanong ni Anna. 

Napahinga ako ng malalim at nag salita. "Ano lang, wala lang! Gaga ka talaga masama ba mag saya?"

"Sus!" Sabi naman nya sabay lagok, at bakit ko naman sasabihin sa lahat ni Gio, nakakahiya. Huminga ako ng malalim at tumigil sa pag inom ng alak.

Nag puntahan naman sa dance floor ang mga tao nung nag simulang nag pag tutog ng nakakaganang musica ang DJ.

Niyaya ako ni Anna kaya sumama ako, parang hindi pa sang ayon si Gio pero napilit siya ni Anna, gustong gusto ko din naman kaya pumayag na din ako.

Sayaw ng sayaw at sigaw ng sigaw habang kasabay ko ang mga nakapalibot na tao sakin, mag kapatapat kami ni Anna, sya ay masyadong wild sumayaw kaya nilalapitan ng mga lalaki pero agad agad syang umaayaw.

Pero si Gio ay naka tayo lang na parang body guard naming dalawa, kaya nakaramdam ako ng hiya at nag sayaw nalang na parang chill chill lang.

Nakakahiya kaya!

Maya maya at bumalik na kaming dalawa ni Gio, habang si Anna ay kumukuha uli ng maiinon namin.

Ako ay lagok ng lagok para makalimutan kahit ngayong gabi lang ang mga nangyayaring kakabalaghan sa buhay ko.

Marami nang masamang kaganapan sa buhay ko, nung elem palang ako ay nabully na ako sa hindi malaman na dahilan, buong buhay ko sa elem at hindi ako nag salita sa mga magulang ko tungkol dun, kahit sa mga kaybigan ko, tapos nag high school na ako grade 7, yun yung panahon na umalis kami sa bahay namin tapos nakilala ko si Anna at naging best friend hangang ngayon!

Tapos after many many years makikita ko ulit si Nicholas, alam ko na artista sya nung panahon na yun, pero hindi ko naman alam na sya ang mapapangasawa ko!

Pumayag ako sa kagustuhan nila mama ng hindi nag iisip, dahil nakinig lang ako kay Anna, tignan ko ko raw muna yung lalaki, tapos pag hindi ko bet kausapin ko mga magulang ko.

Tsaka, sis? Bet ko yan! Hindi ko inakala na hahantong ako sa ganito, hindi ko akalain na magiging ganito sya sakin at mahuhulog ako sakanya ng sobra sobra.

"Hazel? Are you crying?" Rinig ko ang boses ni Gio. Nagiging naruto nanaman sa sa mga mata ko.

"Kame kame wave ka nga!" Narinig ko naman ang pag sabog ng tawa ni Anna.

Bakit sya tumatawa? Baliw ba yan?

"Tanga! Ano yan si Goku?" Ang sabi nya, napahampas ako ng aking ulo dahil dun.

"Ay, oonga pala. Sa dragon ball nga pala yun." Sabi ko sa lasing na boses, ang dali dali kong malasing.

"Umiiyak sya."

"Huh? Hindi! Tears of joy ito boy!"

"Iuwi na natin sya Anna, sa bahay ko na kaya?" Kita ko ang pag batok ni Anna kay Gio.

"Manahimik ka nga Gio, baka mamaya itanan mo yan si Hazel paalis ng bansa habang lasing." Binatukan naman sya ni Gio.

"Tanga! Lasing na nga e."

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now