26

6.5K 126 31
                                    

HAZEL HERNANDEZ POV.

Isang bwan ang lumipas, matagumpay ang pag babalikan ng kumpanya namin ang ng kumpanya nila at may darating na na grand celebration para sa pag babalikan, lahat ng empleyado ay pwedeng pwedeng makapunta dun.

Sumasakit na din ang ulo ko dahil pabalik balik dito si Nicholas para painitin ang ulo ko, binibigyan nya ako ng mga kung ano anong bagay na paburito ko, pero hindi ko tinatanggap yun. Kaya kay Anna lagi napupunta ang mga binibigay nya sakin.

Habang nag lalakad para kumuha ng sariling pagkain ay nakasalubong ko na si Nicholas na papunta dito kaya napabalik ako sa loob ng shop. Nandito nga si mabuti ay close pa kami dahil baka mamaya ma issue na naman ito sa mga tao tao.

"Hazel." Tawag nya sakin at pumasok sa loob.

"Ano na naman? Pinapasakit mo ang ulo ko!" Inis kong sabi sakanya. "Alam mo Nicholas pwede naman tayong maging mag kaybigan nalang, kalimutan nalang natin yung 5 years ago." Mahinahon kong sabi sakanya pero umiling iling sya.

"N-no, you are still my wife."

Napabuntong hininga nalang ako sakanya at nakita ko ang mga nag mamakaawa nyang tingin sakin at bigla nalang nya akong niyakap, ang aga gumagawa pa ng eksena dito.

"Bibigyan ulit kita ng annulment paper Nicholas. Sana pirmahan mo na." Napakagat sya ng labi dahil dun.

"No, i want you back..." Ang malungkot nyang boses at lasing. Oo lasing sya, siguro ay kakatapos lang nito mag inom.

"Lasing kana Nicholas, umuwi kana please, ihahatid kita?" Umalis ako sa pag kakayakap nya sakin at tumayo naman sya ng ayos.

Nauwi ang lahat sa pag hatid ko sakanya sa tinutuluyan nya, sinabi nya sakin kung saan. Dun padin, kabadong kabado ako habang nag dridrive.

Ihiniga ko siya sa sofa, at nag patuloy lang naman sya sa kaniyang pag higa doon. Hindi masyadong nag bago ng bahay na ito, bumalik ang maraming aalala sa utak ko.

"M-may kaylangan kapa?" Tanong ko sakanya..

"Ikuha mo ako ng pamalit na damit, thank you." Ang tanging sinabi nya at umayos na ng higa sa sofa.

Pumunta ako sa taas, bawat sulok ay naalala ko ang nakaraan, ang dapat kalimutan na. Nakakuha ako ng damit pamalit nya, bago bumaba sa sala ay binuksan ko muna ang kwarto ko at tinignan ang ayos nito.

Ganun padin, walang nag bago, yung mga naiwang gamit ay nandito padin, ang pag kakaayos ng kama, pero yung mga punda nalang ang tanging nag bago, mas lalong lumambot ang puso ko..

Pero biglang napaka daming thoughts ang pumasok sa utak ko, baka pinlano nya lang ito, baka magulo na talaga yan dati pa. No, baka naman gusto nya akong bumalik sakanya para sa dalawang kumpanya.

Ewan ko, hindi ko na alam..

Pag kababa ko ay natagpuan ko na syang nakaupo at nakahubad ang pang ibabang damit!

Hindi ko sya tinignan at binato ang sakanya ang kaniyang damit.

"Why? Nakita mo na naman ito before, even the—"

"Shut up." Narinig ko ang mahina nyang pag tawa, damit lang muna ang pinaltan nya.

"Aalis na ako." Paalam ko naman. Mag sasalita sana sya pero nag salita agad ako. "Ginawa ko ito as a friend, wag mo bigyan ng ibang meaning, thank you."

Natigil sya.

"Oh, kasi mag seselos si Gio?" Pranka nyang tanong sakin.

"What?"

"You're still my wife though..."

"No, matagal na tayong tapos Nicholas, hindi na asawa ang tingin ko sayo."

"Liligawan kita ulit, kahit ayaw mo, basta hindi ako susuko."

Huminga ako ng malalim bago sumagot.

"Tumigil kana please, nag sasayang ka lang ng oras. Pinapasakit mo lang ang ulo ko, hindi ko alam kung kelan ka titigil. Nung wala ka, ayos naman ang lahat e, tapos bumalik ka ulit nagulo nanaman ang lahat. Ginugulo mo ang lahat!"

Hindi sya nakagasaot sakin, binigyan nya lang ako ng gulat na tingin pag tapos ng mga sinabi ko na ayoko talagang sabihin sakaniya. Tumalikod na ako dahil hindi ko kayang makita siyang ganyan.

Agad agad akong nag drive paalis sa village, habang nag dridrive ay may kung anong pumatak mula sa mata ko.

Luha...

Bakit naman ako umiiyak? Anong dahilan? Patuloy kong pinupunasan ang luha ko pero bawat pag punas ko ay sya naman nitong pag dami.

Bakit ka pa kasi dumating ulit, alam ko naman na kaya mo maging masaya ng wala ako, hindi ko alam kung anong dahilan ng lahat ng ito, bakit pa nya akong gusto bumalik? Para sa mukha ulit ng kumpanya?

10 na nung nakabalik ako sa shop, inayos ko ang pag mumukha ko, hindi dapat halata na galing lang ako sa iyak, bumalik nanaman ang pag iyak ko ng dahil sakaniya. Pinapaiyak na naman nya ako, grabe.

Balisa akong nag trabaho sa shop, pinunta ni Anna si Adam dito, pero bawat minuto ay kinakabahan ako baka biglang dumating si Nicholas dito at mangulit na naman.

Pero walang Nicholas na dumating, nandito si Adam sa office ko sa loob kasama sila Anna, nanonood ng kung ano sa ipad nya.

Busy ako sa pag aasikaso sa customer, pero naman kay Nicholas lang nakatutok ang utak ko, hindi ko alam kung dismaya ako o natutuwa dahil hindi sya pumunta dito ngayong araw.

Pagod na pagod akong pumunta sa office ko at natagpuan ko si Gio at Adam na natutulog mag katabi sa sofa sa office ko. Napangiti ako dahil dun, mukha silang mag tito kaya kinuhaan ko ng picture.

Hinatid kami ni Gio sa bahay namin, niyakap ko siya bago umalis, buhat buhat ni Anna si Adam na tulog.

"Salamat Gio." Ang sabi ko at niyakap si Gio dahil aalis na sya. Pinindot pa ni Gio ang ilong ni Adam na tulog.

"Good night Adaam!" Masaya nitong bati kay Adam kaya nag tawanan kami.

Pero halos manlamig ang buong katawan ko nung nakita ko si Nicholas na naka tayo sa may pinto, hindi ako makagalaw, kasama ko si Adam ngayon, anong gagawin ko, pinaharurot na ni Gio ang sasakyan nya, paano ako tatakas? Nandito si Adam..

Nag katinginan kaming dalawa ni Anna at nag patuloy sa pag lalakad, marami kasi akong dalang bag kaya si Anna ang nag bubuhat kay Gio ngayon, nandito pa nga si Papa, at binigyan ko si Papa ng isang masamang tingin.

Hindi ako pinansin ni Nicholas at nakatingin lang sya kay Anna.

"Kasama mo ang anak mo." Ang sabi ni Nicholas kaya nag katinginan kaming dalawa ni Anna.

"Ah, oo gabi na dito kami mag papalipas ng gabi, ng anak ko, oo anak ko ito." Napatingin pa ako kay papa na naka ngisi at nag iwas ng tingin.

"T-tara na Anna, baka magising pa ang inaanak ko." Utal kong sabi at dali dali kaming umakyat sa kwarto.

"Sandali? Bakit nya sinabi na anak mo ang anak ko?" Tanong ko at napakamot sya ng ulo.

"Ah, ano kasi. D-diba? Ginala ko si Adam tas napunta kami sa convenience store, t-tas nakita nya dun si Adam tas sabi ko anak ko." Hindi ko alam ang mararamdaman ko, nabunutan ako ng tinik sa dibdib!

Tinanong ko pa si Papa kung ano ang ginagawa nung Nicholas na yun dito! Pinapunta ni papa akala daw nya kasi ay hindi kami uuwi ng ganitong kaaga, binigay lang ni Nicholas ang info sa celebration na gaganapin! Hays, muntik na ako, muntik na muntik na.

 His Secret Wife | CompletedWhere stories live. Discover now