CHAPTER 1

4.2K 153 123
                                    

CLARION'S POV

"DEAR SANDRO,

Alam mo nanggigil ako sayo habang pinapanood kita sa tv kanina eh. Akala mo ba ang gwapo mo.

Hoy.

...

well..

gwapo ka naman talaga pero konti lang.

Pero naiinis talaga ako sayo.

Dahil dyan sa project mong "Sandbox" hindi ko mapakinabangan.

Araw-araw daming pumupunta kaya di ako makasingit.

Bahala ka nga dyan.

Dapat pinakain mo na lang yan sa mahihirap."

I was so eager to put all my anger habang nagta-type sa comment section nya sa ig.

Ano ba kasing nagustuhan ng mga taong 'to kay Sandro?

Kumakain ako ng ice cream sa harapan ng Sandbox habang nanonood sa mga taong lumalabas at pumapasok para matingnan ang nasa loob nito.

I rolled my eyes as I different girls na nagpapa-picture dito.

Luh.

Hindi naman trying to learn ang pinupunta ng mga fans nya dito eh.

Kundi yung mabilis na internet.

I stood up para umuwi na ng biglang dumami yung tao.

"AGGGGH! Andyan sya!" Sigaw ng isang dalagita sa gilid ko.

"Ang pogi nya!"

Sunod-sunod na sigaw nila ang narinig ko at mabilis na pagtakbo papunta sa Sandbox.

Sino kaya yun?

I tried to tip toe to see what it is, then nakita ko yung ulo nya.

Yung hairstyle nya na sing-tigas ng ice cream cone na nabili ko sa 7/11 dahil sa dami ng gel na inilagay.

Ano ba naman toh.

I rolled my eyes and stood up straight.

Hay naku.

Dumating pa talaga.

Paalis na ako ng biglang may bumangga sa akin at natapon ang ice cream na hawak ko sa damit ko.

Oh my God.

Favorite blouse ko pa naman 'to.

Ito yung ginagamit ko sa office eh.

"Hay naku. Tanga!" Sigaw ng dalaga na nakabangga sa akin.

She immediately ran away para puntahan kung saan banda si Sandro.

"HOY! BASTOS KANG BATA KA!"

"BUMALIK KA DITO!"

I shouted.

She looked back at me smirking.

"BLEEEH! PANGIT!" Then she ran away again.

"HOOOOOOY!" I shouted again.

Narinig ko naman na nagtawanan yung mga nasa palibot ko.

I glared at them and they continued laughing at me.

Nakakainis naman 'tong mga taong 'to.

"Oh anong tinitingin-tingin nyo dyan?!"

"TSE!" Sigaw ko naman sa kanila.

Naiinis talaga ako.

Maka-alis na nga dito.

"Excuse me?"

"Miss?"

Someone tapped me and nagulat ako.

I accidentally poured the remaining melted ice cream sa sapatos nya.

Everyone gasped.

Nanlaki ang mga mata ko to see whose shoes are these.

"Um..."

He said habang tinitingnan ang sapatos nyang puno ng vanilla ice cream

Nanlamig ang buong katawan ko.

Luh.

Bakit nasa harapan ko sya.

I didn't know what to say.

"I--"

"HOY! MAGSORRY KA KAY KUYA SANDRO" Sigaw na naman ng isang dalagita na nasa gilid namin.

"Oo nga!" I looked at her and sya yung nakabangga sa akin kanina ah.

She was smirking.

Napapalibutan na kami ng mga tao.

And Sandro was just staring at me.

He has this subtle smile on his face.

"I---"

Bigla naman syang lumapit sa akin ng dahan-dahan.

Hindi ko alam kung iiwas ba ako but I felt like I was trapped.

He suddenly whispered something in my ear.

"It's alright. I can buy new shoes naman but please refrain from making a scene here. Hindi ka na bata pa." He said with a straight face.

Oh my God.

I didn't know what to say.

"Hindi nya daw uulitin ang pang-gugulo dito guys. Let's continue to learn." He said at biglang umalis sa harapan ko.

What just happened?

This Sandro just insulted me sa harapan ng fans nya?

That's it.

I vow to this day na ako ang magiging number 1 basher ng Sandro Marcos na 'yan.

After that incident I went home and initiate the plan I had in my mind.

I will create a facebook page against him.

"Dear Sandro,

Hindi ka pogi. Tandaan mo yan.

Imbes na matuto ang mga kabataan dyan sa Sandbox mo. Eh masamang asal ang nakukuha nila sayo.

Dapat baguhin mo din 'yang ugali mo. Akala mo ba mabait ka.

Hindi ka mabait.

Masama ang ugali mo.

Tse!"

"Nagmamahal, YOUR NUMBER ONE BASHER....

-Tinker Bell"

I need to use different names para hindi halata.

I went to sleep not caring about my page.

Hindi naman siguro mapapansin 'yan eh.

Duh.

When I woke up and checked my phone, sunod-sunod na notification ang lumabas.

OH SHT.

My post went viral overnight.

Dear SandroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon