Chapter 1: Graduation

601 31 2
                                    

Chapter 1
Graduation

The first thing I knew about this day is that kailangan kong gumising ng maaga para sa aking graduation. Matatapos na ang aking maliligayang araw sa paaralan. Magtatapos na ako ng kolehiyo. Kaakibat non, matatapos nadin ang walang katapusang quizzes at walang katapusan na mga singil. Ewan koba, wala ata silang pambayad ng kotse kaya saamin sinisingil. Joke.

Nag kusot ako ng mata at sinilip ang aking brand new Samsung Note 4. Binili ni mother earth saakin since may award ako. Maagang pang graduation gift. Hindi paman ako nakaka martsa may gift na agad. Medyo atat.

Nagulat ako dahil alas tres palang ng madaling araw. May panahon pa akong mag sleeping beauty. Yey.

Bumaligtad ako at sinikap kong makatulog ulit. Siyet, naalala ko nanaman na maghihiwa-hiwalay na kami ng mga classmates ko. Tapos naalala korin si Martin Whinther. Oo half foreigner siya. Sige na, siya na half half ako din naman half half eh, half dyosa half reyna. Siya ang aking ultimate crush na classmate kodin. First year college pa ako nung nakaklase ko siya hanggang fourth year college. Hindi niya alam na may nakatago akong lihim sa baul ni lola basyang na crush ko siya simula pa noon. Ang gwapo niya kaya. Singkitin at yung smile niya na nakaka milktea. Kahit saang anggulo mo siya tignan talagang kusang malalaglag ang panty mo.

The sad thing is that may girlfriend siya. Si Vanessa na tourism student sa University din kung saan kamu nag-aaral. Sikat sa school, third year student, matangkad ng konti saakin, maganda, maputi at naka braces yung labi este mga ipin. Sabi ng nanay ko noong bata pa ako ay ako raw ang pinaka magandang nilalang sa buong universe kaya hanggang ngayon ay pinaniniwalaan kupa yon kaya mas maganda ako sakanya. Wala eh, mother knows best eh. Atlit.

All of a sudden, I've fallen asleep.

**

Nagising ako ng 5 am at pag dilat ko ng aking mga mata ay tumambad saakin ang aking make-up artist na tancha ko ay kanina pa nakatingin saakin at animo'y gusto akong gisingin. Hindi kaya niya nakita nung nagpunas ako ng laway? Dammit.

Wala ng iba pang salita and I stood up and tumungo na akong bathroom para makaligo. Today is the day na me-make-apan ako. Sana nagkaroon man lang ng dry run kahapon para nalaman ko kung anong babagay saaking make-up na pang graduation.

"Anak? Bilisan mo ng kaunti. You have to eat your breakfast para ma make-apan kana." My mom said

"Opo mama, nag s-scrub lang ako ng kili kili." I answered

"Osige. But you have to double time your movements baka malate pa tayo." She said and went to the dining area.

Si mother earth ko talaga hindi na tinanggal ang pagka time-oriented person. Pero napaka supprotive niyang mother. Kahit mula noong inabanduna kami ni daddy ay inalagaan at itinaguyod niya parin kami kahit siya lang ang nag papaaral saamin and infairness kinaya niya kaya idol ko talaga siya. The best mom ever.

Pagkatapos ko ay pumihit na ako sa dining area para kumain ng breakfast. Gosh ang sarap ng almusal namin, pritong itlog and hotdog tapos fried rice. Hindi kaya ako matatae nito mamaya?

Habang kumakain kami ni bunso ay naligo na si mother. Bigla kong napansin na hindi pa pala lumalabas sa kwarto ko yung make-up artist. Ano kaya ginagawa non? Binitawan ko ang aking kobyertos at umakyat sa kwarto ko. Laking gulat ko na nakatulog si ate sa chair sa kwarto ko na para bang hinihintay ang susunod na tren sa LRT tapos nakatulog, sakto panaman yung dala niyang make-up kit, parang maleta sa laki. Aba, ginawang train station ang kwarto ko.

Ginising ko siya at ininvite na kumain. Pumayag naman si ate kaya kwarto na ulit ang room ko. Yey. Thank God.

Nag start na ang make-up session at natapos bandang alas otso ng umaga.

**

The ceremony will be started at 10 am but 9:30 palang nasa venue na kami. Parang beauty pageant ang napuntahan namin imbis na graduation. Ang hahard ng mag make-ups ng iba. Yung iba ay late foundation day pa ata. Buti ang akin ay simple lang making me look gorgeous. Sana makita ako ni Martin tapos lalapitan niya ako tapos ma s-starstruck siya sakin tapos nagising ako sa pag-iilusyon ko dahil dumating nga si Martin na naka hold hands sa girlfriend niya. Aray naman sa part ko. Backout na ata ako.

The ceremony finally started at 10:45 in the morning. Talagang ganyan, walang pagbabago. Giving an exact time is just a formality. Madalang pa sa paggawa ng mabuti ng presidente ang pagsunod sa tinakdang oras.

Pagkatapos ng aking Cumlaude speech ay tumayo silang lahat at nag-palakpakan. Sinikap kong usisiin ang buong lugar para hanapin si Martin kung tumayo din ba siya at pumalakpak and fortunately, ginawa niya nga. Lumulundag naman daw ang aking apdo.

**

The ceremony was ended and kaming mag kakaklase ay nag picture picture muna. May hagis hagis pangang caps. Sinubukan kong lapitan si Martin at icongrats siya. Nakabuntot nanaman sakanya si Vanessa. Gusto mo ma permanent ate? Pili ka, mighty band or rugby?
Pero siyempre ayaw kong mangyari yon.

We have decided to have a meeting tomorrow for our closing party. Hindi kasi pwede ngayon kasi may mga naghanda sa bahay at magpapakain ng bisita yung iba. Kami naman ay kakain sa labas.

Nagtungo kami sa St. Erico's restaurant. Namiss ko bigla tong lugar nato. Dito rin kasi kami kumain with daddy when i graduated from highschool.

Parang fiesta sa mga orders ni mother. Buti nalang marami kaming kakain. Nandito si Kirt ang aming bunso at mga pinsan ko na sina Charisse, Beverly, Wilson at Henry, kaya mauubos namin ito. Talagang matatae naniyan ako.

After eating, we went to mall para bumili ng sandals. Nahihirpan na kasi ako sa mga 6 inches heels ko. Puputok na tong mga butit ko anytime. Pumunta kaming women's area kaming mga girls and ang mga boys ay pumuntang quantum para makapag laro, ang tatanda na ng mga yon eh.

Agad din kaming umuwi dahil kailangan kong makapag pahinga. May pupuntahan kasi kaming party nina Charisse at Beverly. Ewan koba kung bakit kailangan pa namin pumunta don eh reunion party lang yon and hindi naman namin sila ka close, malayo na kase. Pero order ni mama eh, so kailangang sundan.

Sinikap kong mag snap. Pero hindo ko magawa. Iniimagine ko kasi si Martin na katabi kong matulog. May nakapag sabi kasi sa mga classmates ko na mag oover night kami bukas tapos nag suggest ang lokang si Gail na mag sha-shot daw, tapos lambanog daw. Yuck ang hard kaya non? Wish kolang ay hindi isasama ni Martin si Vanessa at sana mag- oover night din siya.

Nag gulong gulong ako sa kama sa sobrang kilig hanggang sa nahulog ako at bumaliktad sa flooring. Bumaliktad din yung foam ng kama ko at tinabunan ako. Ouch, i felt that one. What a perfect view Cynthia.

Narinig marahil ni mama ang malakas na kalabog kaya siya tuloy napaakyak at chineck ako baka sinapian na ako ni Annabelle.

"Honey what happened?" My mom asked

"Ah wala po ito ma, pina practice kolang po yung chandelier dance medyo may sounds lang po. Hehe" i lied

"Osige anak, you just have to be carefull. Matanda kana." She said and left my room

Ang tanga ko talaga. Nagsinungaling pa tuloy ako.

*

*

*

*

Author's Note: hey guys! This is the first chapter. Malamang kaya nga chapter one eh. De joke. Please support this story and please give me your stars! Hihi. Ang cute talaga ni Martin! :)

God Bless!

Love Drives Us TogetherWhere stories live. Discover now