Chapter 13: Revelation

156 10 0
                                    


Chapter 13
Revelation

Ipinarada niya ang kanyang SUV sa parking area ng venue. Mukhang magara ang party na ito. Madami ding mga magagarang sasakyan. Bumaba siya saka pinagbuksan ako ng pinto. Ngayon ko palang na appreciate ang suot niya. Medyo madilim na kasi eh. Ang gwapo niya sa suot niyang plane white V-neck shirt at jeans. Tapos nagsuot pa siya ng coat. Ang gwapo niya.

Pagpasok namin sa venue proper ay nagbatian na ang mga magkakaybigan. Marami siyang gwapong kaibigan. Nag shake hands pa ang iba tapos nakipag high-five pa siya sa iba niyang friends. Nakita ko yung mag engaged na couple. Maganda yung girl at saka para siyang mabait. Yung guy yung friend ni Sir Jeff.

"Sean! Congrats dude." Binati ni Sir Jeff ang friend niya.

Infairness gwapo yung Sean. Maganda yung ngiti niya. Parang medyo kamukha niya si Martin. Yung hubog ng mukha niya kamukhang kamukha nung kay Martin.

"Your girlfriend?" Tanong ni Sean

"N-no, she's my friend" Sabi ni Jeff saka napatingin sa'kin. Na ouch ako dun ah. Kahit totoo naman.

"Maganda siya Jeff. Bagay kayo." Sabi nung girl. Wow naman.

Ngumisi lang si Jeff. Jeff muna, sawa nakong mag sir. Pumunta na kami dun sa table namin kung saan nandoon ang iba niyang friends. Parang asong hindi matae itong si Jeff. Parang may hinihintay siya or hinahanap.

Bigla akong nangilabot sa narinig kong boses. Hindi ako maaring magkamali. Siya yon. Padating siya mula sa likod ko. Hindi ako tumingin. Umupo siya sa chair next to the friend of Jeff. Wait. Friends din sila?

"Mart! Dude!" Binati ni Jeff si Martin na sobrang gwapo sa suot niya. Shet namiss ko siya bigla.

Nagbatian din yung iba.

"Where's Vanessa?" Tanong nung isa

"I don't know." Sabi niya saka tumawa. What? Hindi niya alam?

"What happened Mart?" Tanong ni Jeff

"We just broke up a month ago. But that's just my personal problem, so, hayaan niyo na." Sabi niya saka nag smile. Ugh. Namiss ko siya talaga.

So nag break na pala sila. What a great news.
Napaimik ako kaya bigla niya akong napansin. Pero hindi niya ako kinausap. Wow ha, sige lang. Umirap nalang ako.

Nakita ni Jeff na nakatitig si Martin sa'kin kaya bigla niya akong inakbayan. Ang sarap ng akbay niya. Nag-iwas ng tingin si Martin. Ha? Anong nangyari? Anong pumasok na masamang creature sa utak nito at inakbayan ako?

Habang nagkekwentuhan ang magkakaibigan at umiinom ng wine, may lumapit na babae kay Mart. Ikiniss niya si Mart sa pisngi saka umalis. Wow ha, may sapi din yung babae nayun. Pero baka sila. Baka mag boyfriend sila. Nakangisi na si Mart. Ah sila nga siguro.

Nagpaalam ako kay Jeff na mag CR muna ako. Nakakabaog dun. OP ako, sobra. Hinanap ko ang CR dito sa venue.

Nag retouch ako ng kaunti at nagtagal ng kaunti sa CR. Ayaw kupang bumalik eh. Napag-isip ko na maglibot muna sa lugar. Maganda rito.

Nung malapit na ako dun sa garden, parang walang tao. Tahimik eh. Lumapit pa ako at may narinig akong boses. Boses ni Jeff. At may isa pa, parang...oh my, yung Chan! Magkasama sila? What the hell are they doing here? And yung Chan? Kakilala niya?

Lumapit pa ako ng kaunti. Gusto kong marinig silang nag-uusap. Wala eh, may lahing chismosa ang kapatid niyo eh.

"Ang bilis mong nakalimot. Maganda na ang samahan natin but then, gumanyan ka!" Naiiyak na sabi ni Chan. Medyo basag na ang bosis niya. Oh my, tama ata ang conclusion ko. Teka konti pa.

"I'm so sorry Christian, but I think hindi tayo talaga pwede." Nakayukong sabi ni Jeff. Medyo naiiyak siya sa bosis niya.

Mahabaging buda. What's happening..

"Matapos mo akong suyuin at ligawan?" Naiyak na ng tuluyan si Chan. Christian pala ang name.

"I'm sorry Chan. Sige suntukin moko kung gusto mo. Kasalanan ko naman, pinaasa kita. I've waited for this party para masabi ko talaga sa'yo to." Sabi ni Jeff na naiyak na sa bosis niya at medyo basag narin at hinarap ang mukha niya kay Chan.

Gosh, dalawang gwapo nag-uusap. Tama nga ako. Bakla yung si Chan. Pero, ang gwapo niya talaga. Para ngang mas gwapo pa siya kesa kay Jeff eh.

Hindi sinuntok ni Chan si Jeff. Pero nagulat ako ng biglang hinalikan niya si Jeff. Hindi ako makahinga. Tinakpan kopa ang bibig ko para hindi ako marinig sa pag imik ko. Grabe, cute silang tignan dahil parehong gwapo. But same guy sila. Laglag talaga ang panga ko.

Agad ding pumalag si Chan.

"Thanks for everything." Sabi ni Chan na basag ang bosis niya saka na siya nag exit.

Naiwan lang si Jeff na nakapamulsa at umiiyak nadin.

Hindi ko alam kung maawa o mandidiri ako kay Jeff. Sabagay, tao lang siya kamukha ko na nakakagawa ng maganda at hindi magandang bagay. Who the hell I am to judge him, right? Same with Chan. Kung ganun siya wala akong magagawa. Yung iba kung makapang-judge sa mga kagaya nila Chan, kala mo perpekto ang mga punyetang hinayupak na mga yun. Buhusan ko kayo ng tiner jan eh.

Umalis nalang ako dahil baka mahuli pa ako ni Jeff na nakikinig. Pero hindi paman ako nakakalayo, narinig ko siya from behind.

"Cynthia?" Bungad niya. Medyo galit ang boses. Owshet.

"A-ah....S-sir...." nauutal kong sabi. Bigla akong kinabahan.

"Narinig muba ang usapan namin? Nakita muba kami?!" Utas niya. Nagalit nga. Bakit kasi lumapit pa ako eh. Shit. Yan tuloy.

"S-sorry Sir, naglilibot lang ako-"

"Enough!" He cut me off saka hinawakan niya ang mukha niya. "Fuck" Mukhang nahiya siya sa nakita ko. Galit siya sa'kin. Umangat tuloy yung shirt niya kaya nakita ko yung abs niya.

Iniwan niya akong nakanganga sa garden. Nangilid bigla ang luha ko. Di ko naman sadya diba? Na curious lang ako kaya lumapit na ako to weigh things out. Matapos ko siyang ipaglaban sa isip ko, sisigawan niya lang ako. Uuwi nalang ako. Lumabas ako ng venue.

Shit. Hindi ko alam ang lugar na ito. Wala man lang taxi na dumadaan. Medyo liblib kasi. At ang maganda sa lahat, wala akong load.

Love Drives Us TogetherWhere stories live. Discover now