Chapter 20: I'm Sorry, Jeff

192 7 0
                                    


Chapter 20
I'm sorry, Jeff

Maganda at malinis ang bagong dorm kung saan ako tutuloy pansamantala. Sana balang araw ay yumaman na ako para makabili na ako ng bahay at lupa namin nina mama. Ayaw ko na balang araw ay babalik si dad at kukunin sa amin ang bahay kasama ng bago niyang asawa. Baka pag-hambalusin ko lang sila ng sabay sa pader. Matagal na kaming tinalikuran ni dad kaya wala na akong pake sakanya. Ayaw kong magtanim ng galit sakanya pero sa ginawa niyang pag-iwan sa amin sa ere ay ang hinding-hindi ko matatanggap.

Isinaayos ko na ang mga gamit ko at naglinis ng dorm ko. Okay na ako sa electric fan kahit na medyo maalinsangan. Next time sa may aircon naman. Naka tiles at maganda ang pagkapintura ng mga pader dito, sliding windows din ang peg kaya kering keri talaga. Buti nalang medyo mura ang bayad dito, kasama na ang kuryente at tubig.

Nagbihis na ako dahil baka hihintay na ako ni Jeff. Saan kaya kami kakain? Nagugutom na kasi ako. Effective ang paglilinis ko kaya madami akong makakain mamaya.

Habang inaayos ko ang buhok ko ay nag ring ang phone ko. Si Jeff.

"Hello? Paalis na ako, wait." Sabi ko habang sinusuot ang mga sandals ko

"Ha? Ayos lang, hintayin na kita sa labas." Sabi niya

"What? Labas?"

"Yep."

"Nasa labas ka?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin padin sa salamin

Umikot lang ako ng tatlong beses sa harap ng salamin at lumabas na ako.

Magsasalita pa sana ako pero biglang namatay ang phone call. Umiling nalang ako at pumasok na sa elevator. Ako lang mag-isa kaya medyo naalibadbaran ako. Medyo creepy kasi sa loob kahit na maganda ang pagkakaayos.

Laking gulat ko ng nakita ko si Jeff na naghihintay sa labas ng main door ng dorm. Napaka guwapo niya. Bagay na bagay sakanya ang v-neck na blue shirt at ang vest niya na lalong nagpenhance sa sexy niyang katawan. Nakasandal siya sa sasakyan niya kaya ng nakita niya ako ay inangat niya ang katawan niya kaya nag flex ang abs niya. Napakagat ako sa labi dahil tinititigan niya ako habang nakasmile siya.

Proud na proud ako dahil napakagwapo ng kaibigan ko. Gwapong gwapo si Jeff pero siyempre, mas gwapo si Martin. Lol.

"Paano mo nalaman na dito ako titira?" Tanong ko

"Connections" sabi niya sabay ngisi

Nakangisi din akong pumasok sa kotse niya habang pinagbubuksan niya ako. Agad siyang umikot sa driver's seat at nag drive na siya.

"Saan tayo kakain?" Tanong ko

"Anywhere. Since na peace offering ko sa'yo ito, ikaw ang pipili kung saan tayo kakain." Sabi niya habang nakangiti

"Hm, kahit saan, basta yung mabubusog tayo." Sagot ko

"Hmm, Cynthia."

"Yes?"

"Sorry sa lahat ha? I know I've been so rude to you since nakita kita na nakikinig sa amin ni Chan pero I promise you, hindi na ako galit. Nadala lang ako ng emosyon noon kaya sobrang nagalit ako." Saad niya at biglang nag-iba ang korte ng mukha niya. Lumungkot ang mukha niya at kitang kita ko

"Ikaw niyan, Jeff. Haven't I told you that's it was alright? Oo nagalit ako ng bongga sa'yo pero agad ko din narealized na wala naman akong dapat ikagalit, everything was just a mess that needs to be cleansed and okay na." Sabi ko sakanya

Nakita ko sakanya na medyo nabago na ang korte ng mukha niya at nagsmile na siya.

"Thank you, Cyn." Sabi niya saka niya ako hinarap

Unti-unti siyang lumapit sa'kin. Sa sobrang lapit ay naamoy ko ang leeg niya. Sobrang manly ng amoy niya. Konti nalang ay mahahalikan na niya ako. Bigla niyang inabot ang seatbelt at inilagay niya ito sa akin.

"Safety first." Sabi niya sabay ngisi

Kanina pa kami nagdadrama di ko man lang napansin na hindi nakalagay ang seatbelt ko. Natawa kaming dalawa.

Biglang nagtext si Mart.

Binuksan ko ang messaging ko at binasa ko ang text ni Mart.

Mart
Meet me now, please

Naibagsak ko ang mga kamay ko sa lap ko dahil sa nabasa ko. Sa text ni Mart ay hindi ko alam kung may problema siya or trip niya lang akong papuntahin sakanya.

Another text popped out of my screen

Mart
I'm outside. Please labas ka

What?! Anak ng! Anong ginagawa niya doon sa dorm? At bakit niya nalaman ang lugar? Grabe ang mga lalake ngayon, ang galing maghanap.

"What's the matter? May problema ba?" Biglang tanong ni Jeff

"Ah-wala wala. May nag-text lang." Sagot ko

"Well, saan mo nga gustong kumain?" Tanong niya

"Jeff"

"Hmm?"

"Pwede naba akong umuwi?"

"What? Hindi pa tayo nakakakain eh. May problema ba? Tutulungan kita." Sabi niya

"Tsk. Si Mart kasi, nasa dorm na siya." Sabi ko sabay yuko

"Alright. I'm bringing you back."  Sabi niya at iniliko na ang kotse

Sayang ang pagkakataon na makakapag-bonding kami ni Jeff.

"Jeff, I'm really sorry." Sabi ko

"It's alright. Baka magalit sa'yo ang boyfriend mo kapag inilabas kita." Sabi niya at bakas sa boses niya ang pag kalungkot

"Hindi ko siya boyfriend ha." I frowned

Hindi na siya kumibo. Ng malapit na kami sa dorm ay pinahinto ko na ang kotse niya. Agad ko na din nahagip ang kotse ni Mart na nakapark sa harap. Nasa labas siya at nakapamulsa na nakasandal sa kotse niya habang hawak hawak ang gitara niya.

"Jeff, I'm really sorry, babawi ako sa'yo next time." Sabi ko at nagsmile nalang siya siya at umalis.

Pinagmasdan kong umalis ang kotse niya at nalungkot ako ng sobra. Nagulat nalang ako dahil may biglang nagsalita sa likod ko.

"Nagkakamabutihan naba kayo?" Bungad ni Martin

Tumalikod ako at hinarap siya.

"Alam mo? Dapat kakain kami eh. Peace offering niya sa'kin kaso sinira mo." Sabi ko sabay lakad

"Gusto lang naman kitang makasama eh." Sabi niya at sumunod siya

"Wait, I just want to clarify, we're friends, right?" Direktang tanong ko sakanya

"Y-yes." Sagot niya sabay yuko

"Hindi mo ba nakikita ang poster? No parking area ito, hello? Magagalit si manong guard." Sabi ko habang nakaturo ang sa poster na no parking

"Magandang gabi po, sir." Bati ni manong guard

Sir? Boss siya dito?

Love Drives Us TogetherWhere stories live. Discover now